Chapter 03

99 7 0
                                    

Chapter 03

"Why don't you try and sit, Miss Laurel?"

Ramdam ko ang pagragasa ng init paakyat sa buong mukha ko. I am known for being maarte, overconfident, walanghiya, na spoiled brat. Ngayon lamang ata ako nakaramdam ng hiya sa buong buhay ko.

Oh my god, Silvano. May dual personality ka pala. Dapat ako lang 'yong naghaharot, wala kang karapatan kasi nanghihina ako sa kagwapuhan mo!

Napakagat ako bigla sa aking ibabang labi, "A-Ah.. S-Silvano naman.. I-I was just joking.." Nanghihinang sabi ko at nagpapadyak.

Tinaasan niya ako ng kilay saka ko muling nasulyapan ang mapang-asar niyang ngisi. He closed the book he's reading at saka hinubad ang itim na suit niya na kasama sa uniform ng mga law students. Natira ang malinis na puting longsleeve na panloob niya kaya't kitang kita ko ang hubog ng kaniyang katawaan.

Oh my gosh, Esme. Calm the fck down.

Akala ko ay hinubad niya iyon dahil naiinitan siya, ngunit nanlaki ang mata ko nang ilapag niya iyon sa bench at saka tumingin sa akin. Ramdam ko ang mas lalong pag-init ng pisngi ko dahil doon. Hindi ko alam kung anong meaning ng ginawa niya. Does he care about me ba?! 

Silvano naman, you're so hard to read! You need to take responsibility of me kapag mas lalo akong nahumaling sa 'yo.

"S-Silvano, your clothes will get dirty.." I almost whisper. Parang nag-evaporate at biglang umapaw ang hiya ko dahil sa ginawa niya. I am so kinikilig na I don't know what to do.

"Sit," Ani lamang niya kaya wala akong nagawa kundi umupo.

Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko. Nakatunganga na iniabot ko ang kamay ko at hinawakan ang kamay niya. His fingers are soft and slender. Parang mas maganda pa ito sa kamay ko, and I am kind of jealous. I always got my nails done, pero parang effortless ang kagandahan noong sa kaniya.

Nagulat ako nang marahan na iwinaksi niya ang kamay ko at muli uling inilahad ang kaniyang kamay. Tinuro niya ang bag ko at namula naman ang aking pisngi sa hiya nang mapagtanto ko na nagpapatulong nga pala ako sa kaniya, and he is probably making me hand my assignment. Oh my gosh.

Nakayukong binuklat ko ang aking luxury bag saka kinuha ang aking textbook sa math at pink na pen na may unicorn sa taas. Bigay sa akin iyon ni Mommy galing sa ibang bansa. It's so cute kaya lagi kong ginagamit.

Nakamasid lamang ako sa kaniya habang nagsusulat siya sa aking textbook. Sabi ko ay tulungan niya ako, pero hindi niya naman ako pinansin. Probably because he sees me as disturbance kaya gusto niya akong matapos nang mabilis.

I just let him na rin since kahit naman ituro niya sa akin, hindi ko naman magegets. I guess manonood na lamang ako ng tutorial sa YouTube. Kailangang kailangan ko lang talagang matapos itong assignment since mataray ang math professor namin.

Kawawa naman ang baby ko. Binigyan ko pa ng responsibility sa homework ko na dapat ako ang magsasagot. Hindi naman ako seryoso na magpapatulong dapat sa kaniya e. I just use it as an excuse para makatabi ko siya. I am so happy na hindi niya ako inisnob.

Bakit kaya parang bumabait itong si Silvano ko? Did he finally realized na he like me? 

I stare at his angelic face habang busy siya sa pagsusulat. Hindi ko napigilan ang sarili kong hawiin ang medyo mahaba niyang buhok na tumatakip sa kaniyang pisngi. It was soft and smooth. I wonder kung anong gamit niyang shampoo?

Mukhang natigilan naman siya sa ginawa ko kaya mabilis kong binaba ang aking kamay.

"Did I distract you ba? Sorry, continue please.."

Hindi siya umimik at ipinagpatuloy ang pagsusulat. Wala pang ilang minuto ay iniabot niya ang textbook sa akin. Nang tingnan ko iyon ay kumpletong solution iyon with explanation pa.

Namamanghang napatingin ako sa kaniya, "Wow. You're so talino talaga, Silvano.." Napangiti ako ng bahagya saka mahinang bumulong. "..One of the reasons why I like you."

Hindi ko alam kung narinig ba niya iyong ibinulong ko, pero hindi naman siya umimik. Chineck ko ang aking phone at nakita kong malapit na palang magsimula ang first subject class ko.

Humarap ako kay Silvano at ngumiti, "Silvano ko, una na ako ah? Sorry sa abala. I didn't expect naman na you'll help me, but still.. I am really grateful."

I thought of something as compensation. Nag-alinlangan pa ako noong una dahil baka hindi niya magustuhan, or worse baka magalit siya sa akin, pero naisip ko na baka rin next week ay hindi na niya ako pansinin at hindi ko na ito magawa.

I close my eyes and lean near him as I give him a peck on his left cheek. Kinuha ko ang kaniyang coat na nakalatag sa bench saka muling humarap sa kaniya.

"I'll keep this muna ah? I'll wash this since ako naman ang nagdumi."

Hindi ko na hinintay ang reply niya at mabilis na tumakbo papunta sa building ng Business Administration. Ramdam ko ang pag-init ng aking buong mukha.

Nang makalayo sa kaniya ay mahigpit kong niyakap ang kaniyang coat saka impit na tumili. Oh my gosh, I am so kinikilig!

Wala na, panalo na si Esmeralda Laurel.

The smell of a fresh and expensive scent envelope my nostril. Amoy mamahaling pabango siya, iyong masarap amuyin, nakakaadik.

I was about to continue walking para pumasok sa first class nang biglang tumunog ang cellphone ko. I checked it and it was a message from an unknown number.

From: Unknown

How dare you steal a kiss and run away. You deserved to be convicted, Miss Esmeralda Laurel.

..

The Lawyer's ConvictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon