Chapter 07

142 7 1
                                    

Chapter 07

Hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari. The sound of the ambulance keeps on ringing inside my head hanggang sa makaalis ang mga tao at madala si Klara sa hospital.

Pinilit kong alisin sa isipan ko ang nakita ko kanina lamang. It keeps on distracting me from doing even the smallest thing.

Pumunta ako sa pinakamalapit na shop. Wala na akong ganang kumain after ng nakita ko. I witness so much blood. I feel like I am going to throw up every single food that I will eat because of what I saw. Maging ang nangyari kanina between me and Silvano ay tila nawala sa isip ko.

Hindi ko naman dapat iniisip iyong nangyari kay Klara. It's just an accident. She might be careless kaya siya nabangga. The driver might also be drunk kaya nakabangga. I shouldn't think about it na para bang ako ang may kasalanan kung bakit gano'n ang kondisyon niya ngayon.

Pagkatapos ng break ay bumalik na ako sa university. Nakita ko sa isang bench si Silvano na may kausap sa phone. Gusto ko sanang hayaan muna siya ngayon, but hindi ko siya puwedeng idamay dahil lang wala ako sa mood. He's also one of my happy pill, siguradong gagaan ang loob ko sa pakikipag-usap sa kaniya. Iyon lamang ay kung makakausap ko ba talaga. Super sungit kasi ng baby ko, pero may mga times na mabait siya sa akin.

"Hi, Silvano ko." Nginitian ko siya nang magtama ang tingin namin. Tiningnan niya lamang ako at hindi ngumiti. Patuloy lamang niyang kinausap ang kung sino sa kabilang linya.

"Good," Huling sabi niya saka ibinaba ang tawag.

I sat beside him saka sumandal sa balikat niya. Kung pakapalan lang ng mukha ay malamang ako na ang champion. Hindi naman ako ganito talaga na walanghiya na kung sino-sino lamang ang sinasandalan. Siyempre kay Silvano lamang ako ganito.

Binuksan ko ang iPhone ko saka pinost sa IG ang picture namin ni Silvano kanina. Tinag ko siya at ang ni-caption ko ay, "with my love".

Marami agad naglike. Maraming nagcomment at nagtanong kung boyfriend ko raw ba ito. Nireplyan ko naman ito, "Malapit na ; )".

Nilingon ko si Silvano. He's looking at his iPhone. Sinilip ko ang tinitingnan niya at nakita kong tinitingnan niya iyong pinost ko sa IG. Siguro ay nawiwirduhan siya sa akin dahil sa caption ko at sa mga reply ko sa comments. I understand na he must be feeling creepy. Still, I can't suppress my feeling of liking him. Sana pagtiisan niya ako.

"I-like mo naman, Silvano. Grabe, nakakahurt ka ng feelings." Ani ko nang akmang i-eexit na niya ang Instagram app nang hindi man lamang nililike ang picture namin.

Nilingon ko siya at tinaasan niya lamang ako ng kilay, pagkatapos ay dinouble tap niya ang picture namin kaya't nag-auto like iyon. I smiled very widely as I saw the notification on my phone.

@silvanovnrch liked your post.

Kahit papaano ay nadidistract ako from the event that happened earlier by talking to Silvano. Angel siguro talaga siya, nakakatanggal ng stress e. Feeling ko tanggal pati problema ko sa buhay kapag naging kami na. Eme lang naman, pero sana magkatotoo.

"Your subject will start now,"

Nilingon ko si Silvano nang sinabi niya iyon. Nakatingin pa rin siya sa kaniyang phone habang may kung anong pinipindot. Hindi na lamang ako nakisilip because kahit papaano naman ay I respect his privacy.

Tinaasan ko siya ng kilay, "Paano mo nalaman schedule ko? Crush mo ako 'no?"

I smirk because of that thought, pero tinaasan lamang niya ako ng kilay. "May I remind you that I monitor all the students' schedule, Miss Laurel."

Nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Obviously, lagi siyang may valid reason sa mga bagay-bagay kaya never kong maassume na crush niya ako. Kainis naman itong isang ito, ang hirap landiin.

"Sabi ko nga gano'n. Una na ako, Silvano ko. Huwag mo akong mamimiss ah?" Nginitian ko siya sa nagwave at flying kiss pa. Inismidan niya lamang ako saka tumingin muli sa kaniyang phone. Dumiretso naman ako sa room kung saan ang next class.

Wala pang students doon maliban kay Danny. Nasa pinakadulo siya at humihithit ng sigarilyo. Hindi ko siya pinansin at umupo sa pinakaunang row ng upuan.

"Ang sweet niyo naman ni Vienrich, nagselfie pa."

Umalingawngaw ang malagom na boses niya sa buong classroom. Nilingon ko siya at nakita kong nakatingin siya sa kaniyang cellphone. Hindi ko naman siya finofollow sa IG, baka naka-follow siya sa akin.

"Inggit ka lang e, crush mo ata si Silvano." Inirapan ko siya ngunit narinig ko lamang siyang tumawa.

His laugh is so annoying, parang kapag narinig mo ay mas gugustuhin mo na lang na magheadphone at makinig sa pinaka-shitty na kanta sa buong universe.

"Laurel, mag-ingat ka sa bibig mo ah. Baka gusto mong tahiin ko 'yan." Banta nito sa akin gamit ang seryoso niyang boses.

Alam ko na may possibility na totohanin niya talaga. He is not an infamous troublemaker for nothing. Last time ay may nasapak at nabugbog siyang teacher, at hindi man lang siya napaalis or kahit detention man lang. I wonder kung bakit hindi man lang siya maipasa kung napapagtakpan niya iyong mga kagaguhan niya sa buhay.

Ipinatong ko ang siko ko sa lamesa at saka ipinatong ang baba ko sa aking kamay. I smiled sweetly at him, "You can try, Danny Falcon. Last time that you threaten me, umuwi kang bugbog sarado kay Estefano."

I saw how he gritted his teeth. Tatayo na sana siya upang lapitan ako nang magsidatingan na ang mga estudyante, kasunod ang professor namin sa subject. Nginisian ko lamang siya habang siya ay mukhang mahihimatay na sa galit.

Mabilis lang din na natapos ang klase. Maaga ring na-dismiss dahil hindi na natuloy ang pinakahuling subject namin. Iniligpit ko ang aking gamit saka lumabas ng classroom. I was about to walk away when someone pulled me harshly. Sumalubong sa akin ang nag-aalburotong pagmumukha ni Danny. So shongit talaga niya.

"Ano nga iyong sinabi mo kanina? Na nabugbog ako ng gago mong pinsan?" Ngumisi siya sa akin saka hinigpitan ang kapit niya sa braso ko. Napadaing ako dahil dito. Malakas kasi siya compared doon kay Klara, siyempre noong hinigit niya ako, hindi masiyadong masakit.

Nginisian ko siya para mainis siya lalo, "Totoo naman 'di ba? You're nothing compared to Estefano. Kaya nga nandito ka pa rin at nabubulok sa University habang siya ay unti-unti nang nagiging successful."

"Buwisit talaga kayong magpinsan!" He gritted his teeth and raised his arm. I closed my eyes dahil akala ko ay sasampigahin niya ako when someone encircled their arm around my neck. I opened my eyes just to see Estefano while smirking. 

It was not the normal playful smirk that he shows me. It was a dangerous one. 

Hawak niya sa kamay niya na nakaakbay sa akin ang kaniyang sigarilyo kaya amoy na amoy ko ito, while iyong isang kamay niya naman ay nakahawak sa kamay ni Danny. Almost as if crushing his bone with his bare hand. Kita ko kung paano dumaan ang sakit sa expression niya.

Iwinaksi ni Estefano ang kamay ni Danny at inilipat sa kabila niyang kamay ang sigarilyo niya saka humithit dito. His dark green eyes staring sharply at him.

"The fuck do you think you're doing to my cousin, Falcon?"

..

The Lawyer's ConvictionWhere stories live. Discover now