Chapter 02

115 7 1
                                    

Chapter 02

Sumalubong agad sa akin ang sigaw ni Mommy ko pagkapasok ko pa lamang sa bahay. Hindi ko pa nga naiibaba ang bag ko at nasermonan na agad ako.

"Hay nako ka talagang bata ka, kung saan-saan ka na naman nagsusuot! Aba't bakit nalaman ko riyan kay Estefano na nakikipagdate ka raw?!"

Kasalukuyang naghahanda ng pagkain sina Mommy at Tita Vernil, ang mama ni Estefano. Tahimik lang ito at para bang sanay na sa mga kaganapan sa bahay. Alam na rin siguro niyang nag-iimbento lamang ang kaniyang anak just to make fun of me, pero sa halip ata na magalit ako sa inimbento ni Estefano, parang kinilig pa ako dahil naisip ko na parang nagdate na rin kami ni Silvano.

Pabebeng nagpapadyak ako at bahagyang inipit ang buhok sa aking tenga, "Ih, si Mommy naman. Nakipagdate lang naman ako kay Silvano. Is that against the law? Then, I guess I am convicted na."

Umasim naman ang mukha ni Mommy, Tita Vernil, at maging si Estefano na kasalukuyang nakaupo sa sofa. 

"Hay nako, Esmeralda. Nag-iilusyon na naman 'yan, Tita. Joke lang na may date 'yan." Inirapan ko si Estefano nang sabihin niya iyon. Hindi nagpatalo ang gunggong at inirapan din ako. The nerve!

"Kayo talagang mga bata kayo. Nako! Tataas ang dugo ko sa inyong dalawa. Kumain na nga kayo at magsitulog na, alam niyo na naman siguro iyong balita, 'di ba?" Ani naman ni Tita Vernil at saka nagpatuloy sa paghahain.

Tinutukoy niya siguro ay iyong serial killer daw na kasalukuyan atang nagtatago sa San Isidro. Medyo nangamba ako ng konti para sa safety namin, as well as sa baby ko na si Silvano. Nasa subdivision naman kami kaya secured ang aming safety, kaso hindi ko alam kung saan nakatira si Silvano e, pero I'm sure sa subdivision din since mayaman naman sila.

Tumayo naman si Estefano saka pumunta sa lamesa. Umupo na rin ako matapos kong ilapag ang bag ko sa sofa. Mamaya ko na iyon dadalahin pagkaakyat ko sa taas.

Pinagsandukan pa niya si Estefano kaya't napataas ang kilay ko, "Wow, Senyorito ah? May Royalty pala rito."

Sumama naman ang mukha nito at inirapan ako. "Tita oh, si Esmeralda. Ingay-ingay e nakain na nga."

"Tumahimik kayong dalawa riyan ah. Baka kaltukan ko kayo pareho."

Nagpatuloy na lang kami sa pagkain at pagkatapos ay nautusan akong maghugas ng pinggan. Si Estefano na raw kasi ang naglaba kaninang umaga bago siya bumisita ng school kaya pagod daw siya. 

Wow ha? Late reaction ba 'yong pagod niya at ngayon lang umepekto?

I ignored my thoughts and continued to wash the plates. After no'n, kinuha ko na ang bag ko mula sa sofa at umakyat na sa aking kuwarto. Katabi ko lang din ang kuwarto ni Estefano kaya't rinig na rinig ko ang malakas na pagkanta nito ng "Die For You" by The Weeknd, lalo na't medyo naka-awang ang kaniyang pinto.

Hindi ko na lamang siya pinansin at dumiretso na sa aking kuwarto. Luckily, hindi naman sobrang rinig ang kaingayan niya. I quickly took a shower saka dumamba sa aking malambot na kama. I checked my phone at itinapon iyon sa gilid ng kama nang wala naman akong notifications na natanggap maliban sa ilang messages from some guys and girls from university and mga notifications ng likes at follow sa mga social media accounts ko.

Muli kong kinuha ang cellphone ko at inistalk naman ang social media accounts ni Silvano. Actually, Instagram lang talaga ang meron siya at wala man lang ka-post post pero may almost 5k followers siya. I should get his number tomorrow para makatext ko siya. Mukha kasi siyang hindi active sa IG.

Halos ilang oras akong nagbabad sa social media at napansing gumagabi na. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at ichacharge na sana ang aking phone nang makaramdam ako ng mabigat na mga matang nakamasid sa akin. I looked at the window of my room and I found out na medyo bukas iyon. Bilin pa naman sa akin ni Mommy na i-lock ko raw ang bintana.

Lumapit ako roon at akmang isasara na nang may mahagip ang aking paningin.

A figure standing in front of our house. Madilim kasi sa labas kaya hindi ko masiyadong maaninag ang mukha, pero dahil sa liwanag na nagmumula sa lamp post ay nakita kong sa bahay namin ito nakatitig, specifically sa kuwarto ko.

I hurriedly close my window and locked it. Sinigurado kong secured ito bago dumiretso sa kama ko at nahiga roon. I stare at the ceiling before I close my eyes. The next thing I knew, it was already morning.

May pasok na raw sabi ni Estefano. Hindi ko alam kung saan ba niya nakukuha ang mga binabalita niya dahil mas inform pa siya kesa sa akin, na estudyante ng St. Isidro University. Ayon sa kaniya, nahuli na raw kasi ang serial killer na pinaghahanap ng authority. Sa subdivision pala namin siya nagtatago, and guess what? Kapitbahay pa naman. Oh my gosh. 

Hindi ko alam if it's connected doon sa guy na nakita kong nakasilip sa bahay namin kagabi, but I am glad na nahuli na rin iyong criminal. Nagwoworry pa ako kay Silvano tapos kapitbahay pala namin 'yong killer.

Pero anyway, I am so excited to see Silvano na!

Mabilis na nakarating ako sa school namin. Hinatid ako ni Estefano na parang napilitan pa at labag pa sa loob niya na ihatid ako. Ani niya ay marami raw kasing nahuhumaling sa kagwapuhan niya kaya naman it's better daw kung magcommute na lang ako. Gago talaga.

Pagkatapak ko pa lamang sa university ay hinanap ko na agad si Silvano. Wala naman kasi akong friend kaya walang maghihintay sa akin dito at bigla akong yayakapin kahit pa siguro mamatay ako kakahintay. Si Silvano na lamang talaga ang reason na nagpapatuloy sa akin sa pagpasok.

"Silvano ko," Bati ko sa kaniya nang makita ko siyang mag-isang nakaupo sa bench sa garden malapit sa Law building. Actually, St. Isidro University is a well-known Law School. Graduate na si Silvano ng College at nasa 3rd year na siya sa pagmamaster niya ng Law. Me, on the other hand, is taking Business Administration. Wala naman talaga akong passion sa course ko, wala lang talaga akong mapili. I have no talent kasi other than mag-inarte.

Tumingin sa akin nang saglit si Silvano. His dark eyes was showing no emotions at all. Para lamang siyang nakatingin sa isang uninteresting na bagay.

"Can I sit with you ulit like yesterday? I need help kasi with math. You're good at math, right?" Daldal ko pa sa kaniya. Mukha naman siyang walang pake, pero tumango pa rin. Nakakakilig talaga kahit ang pagtango niya.

I was about to sit beside him nang bigla siyang magsalita. "The seat.."

I tilted my head, "Is it taken?"

Deep inside, kinikilig talaga ako. Para kasing ito 'yong first time na kinausap ako ni Silvano ko. Omg. Worth it ang ginagawa ko all this time.

"The seat is dirty." He looked at me once again.

Tiningnan ko ang upuan and he's right nga. Medyo magabok ito ang basa, dahil siguro sa hamog. Kaya ko namang tiisin 'yan basta siya ang katabi. Is he worried about me ba? Or he just know na I'm maarte so he's letting me know na marumi at para na rin hindi kami magkatabi?

I felt the urge na mag-inarte sa kaniya. "Oh, but I want to sit next to you.." Nagpapadyak pa ako na kunyare ay nagtatampo.

Blangko lamang niya akong tiningnan, na para bang he's watching a kid throw a tantrum in front of him. Then, I thought of something naughty. "Can you wipe the seat for me? Or.. you can just make me sit on your legs."

Tinaasan niya ako ng kilay. I was about to burst into laughter nang bigla siyang ngumisi. It was the first time that I have seen him smile, kahit parang sarcastic lamang ang ngiti niya. I was dumbfounded.

Ipinatong niya ang siko niya sa hawakan ng bench at nangalumbaba. His dark eyes staring intently at me na may halong pang-aasar.

"Why don't you try and sit, Miss Laurel?"

..

The Lawyer's ConvictionWhere stories live. Discover now