Chapter 05

97 9 1
                                    

Chapter 05

I am unable to utter a word after he left.

Oh my freak. Is he going to report it to my dear mother? Kasi he won't let it slide daw? But he promise me na he won't. Silvano will not say something if he didn't mean it, baka iba lamang ang tinutukoy niya.

May nagcheck na nurse sa akin a few minutes after he left. Nilagyan lamang ako nito ng ointment sa pisngi and also sa mga stratches sa braso na hindi ko napansin. After no'n ay lumabas na ako sa clinic at dumiretso na sa next subject ko. Excited na ako sa next next subject kasi kaklase ko si Silvano, my baby boy.

Dumaan ang matinding katahimikan nang pumasok ako sa loob ng classroom. Masama ang tingin sa akin ni Jessy at ng kaniyang mga friends. Inirapan ko lamang sila at dumiresto sa pinakaunang row. I am extra kasi e, I don't like to sit behind. 

Dumating na ang professor namin saka nagsimulang maglecture. Kinuha ko ang iPad ko saka nagtake doon ng notes.

Natigil kaming lahat nang may kumatok mula sa front door ng classroom. Binuksan iyon ng prof namin at bumungad sa amin ang guwapong pagmumukha ng president ng council na si Kalisto.

"Sir, may I excuse Miss Olivares, Santiago, Guerrero, Franchez, and Santos?"

Dumayo ang mata naming lahat sa puwesto kung nasaan sina Jessy at ang kaniyang mga sidekick. Nagmistulang mga papel ang kanilang mukha sa sobrang putla nang matawag ang kanilang mga apelido. 

Napataas ang kilay ni Kalisto nang hindi tumayo ang mga ito, "What are you waiting for? Do you want me to drag you out?"

Kalisto Villarosé is known for being a bitch. Kung meron mang masama ang pag-uugali rito ay siya 'yon at hindi ang baby cakes ko na si Silvano. Kapag sinabi niyang mangangaladkad siya, ay gagawin talaga niya. 

Dali-daling nagsitayuan ang grupo ni Jessy saka nakatungo na naglakad paalis ng classroom. Tahimik ang buong klase hanggang matapos ang discussion ng prof. Nagligpit na ako ng gamit para magready na lumabas nang biglang may bumangga sa balikat ko. Nalaglag ang mga libro ko nang dahil doon kaya't mabilis ko iyong sinimot at inirapan ang kung sino mang bumangga sa akin.

"You really know how to play guys around your pretty little fingers, don't you?" Ani ni Danny na siyang bumangga rin sa akin.

May galit talaga sa akin ang isang ito. Actually, he's one of Jessy's flings. I remembered that he was once my admirer but I rejected him, mukha kasing walang gagawing maganda, and I was right. Ka-batch siya ni Estafano actually, but because he's so walang laman ang utak, lagi siyang nagrerepeat ng year. Insecure lamang siya sa pinsan ko at sa crush kong si Silvano kasi hindi niya maabot ang standard ko.

Although I know na may galit siya sa akin, I still didn't get what he said. 

"I don't know what you're talking about." Inirapan ko ito saka siya nilagpasan upang pumunta sa next class ko, which is kasama si Silvano ko. 

Nang makarating ako sa classroom ay mabilis kong nakita si Silvano. I was about to sit next to him nang may mauna sa akin.

"Hey, can you get off the seat? I want to sit beside my baby." Mataray na sabi ko sa babaeng tumabi kay Silvano. Humarap siya sa akin, her hazel brown eyes met  mine. Naiinis ako na medyo maganda siya compared sa ibang nagkakagusto at dumidikit kay Silvano, pero siyempre mas maganda ako.

"Sabi ni Silvano wala raw siyang girlfriend kaya puwede akong umupo rito." Sabi nito saka ngumiti sa akin at sumandal pa sa upuan. Ramdam ko ang pagpula ng buong mukha ko sa inis. Nilingon ko si Silvano na hindi man lamang humaharap sa akin.

"Silvano, can you tell her to get off? I want to sit next to you!" Pag-iinarte ko rito saka nagpapadyak. Nilingon lamang ako nito saka muling tumingin sa kaniyang iPhone. Napanganga ako dahil sa ginawa niya, samantalang natawa lamang ang babaeng katabi niya, maging ang iba pa sa mga kaklase namin. I felt ashamed.

"See? If you're one of the girls that keeps chasing him, wala siyang pake sa 'yo, girl. Alis na." Nginisian pa ako ng babae kaya mas lalo lamang akong nainis.

I felt my eyes watered. Malakas na hinampas ko ang bag ko kay Silvano kaya't salubong ang kilay na lumingon ito sa akin, pero hindi ko nakita kung ano ang ekspresyon niya nang tuloy-tuloy na bumuhos ang aking luha. 

"Gago ka talaga, Vienrich!" Bulyaw ko rito saka ibinato sa kaniya ang bag ko.

Tumakbo ako palabas ng classroom saka hinanap si Estefano dahil alam kong nandito lamang siya. Natagpuan ko siyang humihithit ng sigarilyo sa bench malapit sa nursing na building.

"Oh, anyare sa 'yo? Na-reject ka ni Vienrich?" Natatawang salubong nito sa akin. Mas lalo akong naiyak kasi parang gano'n na nga ang nangyari.

"Huy, joke lang. Baka sabihin ni Tita sinapak kita kaya ka umiiyak." Saad nito saka itinapon ang kaniyang sigarilyo sa malapit na basurahan. 

"F-Fuck you, gago." Sabi ko habang pinupunasan ang aking luha.

"Kuya mo ako, beh ah. Huwag mo akong minumura riyan." Kinuha niya ang panyo niya sa bulsa saka iniabot sa akin.

"Yuck. Hatid mo nga ako sa bahay." Sabi ko sa kaniya na nakapagpataas ng kilay niya.

"Wow. Inabala ako para lang magpahatid." Bulong niya. Naiwan ko kasi ang wallet ko ro'n sa bag ko na binato ko kay Silvano. Sana huwag niyang sunugin sa galit ang bag ko, mahal 'yon e. Nadala lang naman ako ng damdamin kaya ko 'yon naibato.

Nagsimula na akong maglakad papuntang parking habang siya ay nakasunod sa akin.

"Ano bang nangyari sa 'yo, oy? Inaway ka ni Danny? Sapakin ko 'yon, sabihin mo lang." Umiling lamang ako at hindi sumagot. Baka kapag sinabi kong inaway ako ni Silvano ay sapakin niya rin ito.

Dumiretso ako pagpasok sa kaniyang sasakyan pagkarating namin sa parking habang siya ay dumiretso sa driver's seat. Tahimik ang buong biyahe hanggang sa  makarating kami sa bahay. Dumiretso ako sa kuwarto saka humiga roon. Pati pala cellphone ko ay nasa loob ng bag ko kaya wala akong ganap ngayon.

Napatayo ako nang marinig na may nagdoorbell na pa-ulit-ulit. Umalis na rin si Estefano pagkahatid sa akin, habang sina Tita at Mommy ay umalis din ata para mamalengke. Bumaba ako saka binuksan ang gate namin.

Sumalubong sa akin ang guwapong pagmumukha ng pinakagagong lalaki sa buong mundo, si Silvano Vienrich. Sa buong buhay ko ay ngayon lang talaga ako nainis, na-insecure, at nahiya nang ganito, at kasalanan ito ng lalaki sa harapan ko.

Hindi ako nagsalita saka kinuha lamang ang bag ko na nasa kamay niya saka pinagsaraduhan siya ng gate. Pagkapasok ko sa kuwarto ay ako pa ang naiyak dahil sa ginawa ko. Oh my gosh, I am so sorry, baby Silvano ko. Siguro hindi na ako tampo bukas, susuyuin ko siya. Yes, martyr ako, pero sa lalaking Silvano Vienrich lang ang pangalan.

Anyway, how did he find out about my address? Must be because he's part of the council? Pero bawal magtingin ng mga details ng students, especially concerning their privacy pero okay lang naman for me basta siya. Oh my gosh, nag-effort pa siya dalahin bag ko. Still, tampo pa rin ako sa kaniya.

Binuksan ko ang bag ko saka kukuhanin sana ang aking cellphone nang may makita akong papel na nakasingit sa bag ko. Binuklat ko iyon, it was a drawing of two stickman, isang may palda at isang stick lang. May nakasulat sa ilalim ng drawing na iyon.

Huwag mo na akong artehan, Laurel. Vienrich is sorry : (

..

The Lawyer's ConvictionWhere stories live. Discover now