Chapter 7

116 4 0
                                    

M O N D A Y

Vinci's pov

Ang aga ko nagising, siguro excited ako na pumasok, kaya kumain na ako at naligo, napansin ko din pala nung ininterview ako ay nakauniform ang mga emplayado pero hindi pa ako nabibigyan kaya nagsuot muna ako ng white na polo at black na pants, okay na siguro 'to.

Umalis na ako ng condo at nakarating ako ng maaga sa building, 7:25 palang ng makarating ako kaya naisip ko na tumambay muna sa Starbucks, at pag pasok ko ng Starbucks ay nakita ko si Sir Jom sa pila. 

"Sir Jom?"

"Uy Vinci ang aga mo naman, excited 'no? HAHAHAHAH" 

"Siguro nga po, pero mamaya na po ako papasok dahil maaga pa nga po" 

"Sige, ay ano ba gusto mo? libre ulit kita HAHAHAHAH" 

"naku hindi na po sir nakakahiya ang aga-aga" 

"di okay lang I don't mind saka para makatipid ka" 

Natawa nalang ako at tumango. Pagkatapos namin mag order ay naupo muna kami at inintay ang order namin, di naman matagal at 5 mins palang ay nakuha na namin ang orders namin. Umalis na din si sir Jom dahil papasok na sya, habang ako ay naupo muna at siguro mga 7:50 na ako papasok dahil tatawid lang naman ako.

//

Pumasok na ako sa building at nakita ko si sir Reyster sa front desk kaya binati ko sya

"Goodmorning po sir"

"Oh, ang aga mo naman"

"Di naman po siguro, pero kanina pa po talaga ako mga 7:25 pero tumambay muna po ako sa Starbucks dahil masyado pa po maaga" 

"Mahilig kaba sa kape?"

"Opo"

"Parehas pala tayo, mahilig din ako sa kape kaya regular ako dun"

"Nasabi din sakin po yun ni sir Jom, na halos araw-araw daw po kayo andun"

"Iba din yan si Jom eh, kung ano kinatatahimik ko syang kinaiingay nya"

"Oo nga po eh"


Ilang minuto din kami nag kwentuhan ni Sir Reyster bago kami pumunta sa office nya. Pagpasok ko ng office nya ay napansin ko ang isang cubicle sa tapat ng table nya, wala yan nung nag interview, dito ba ang pwesto ko? May binigay sya sakin na damit at mukhang ito na ung uniform ko


"Eto ang magiging uniform mo, may color coding yan, eto ung list ng colors and days" 

May binigay sya saking sticky note

"Thank you po"

"And eto ung magiging pwesto mo, sa tapat lang ng table ko para hindi ka na mahirapan pag may kailangan ka sakin"

"Sige po noted"

"Yun lang naman, ikaw may concerns kaba?"

"Wala naman po"

"Okay, ayus na ung table mo and lahat ng kailangan mo andun na rin, eto rin pala schedule ko ngayon, just remind nalang pag 5mins wala pakong ginagawa"

"Okay po"

"You may start working"

"Thank you po sir"

Pumunta na ako dun sa table ko at andun na nga lahat ng kakailanganin ko. May pc, cork board, saka side table pang lagay ng files, meron ding storage at printer. Grabe si Sir Reyster lahat nag ayos nito? Nakapag pahinga kaya sya nung weekend? 

Nagsimula na akong mag trabaho at lahat ng kailangan kong gawin ay nakalista na at nakalagay sa table ko kaya sinimulan ko na para matapos ko ng maaga.

Love You EndlesslyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant