Chapter 17

104 6 0
                                    

Vinci's pov

Habang naglalakad papuntang elevator ay napansin ko na parang may lalaki na sumusunod sakin. Hindi ako makalingon dahil natatakot ako. Ng makarating ako sa elevator ay hindi ko na napigilan na lumingon at tanungin kung sino sya. May takot man pero dahil nasa elevator na ako ay mas matatakot ako kung kasama ko syang sasakay. 

"SINO KA?!?!!?" sigaw ko habang nakahanda ang kamay ko na sapakin sya.

Pagkalingon ko ay nakita ko si sir Reyster na nakataas ang kamay nya. Bakit naman nananakot si sir Reyster? Ano? Hidden Talent ganon?

"SIR?!"

"Sorry kung natakot kita, I mean, natakot ba kita?"

Sir seryoso? Tinatanong moko kung natakot ako? Ay hinde sir, kinilig ako. Halos mamatay ako sa sobrang kilig. Sabi ko sa sarili ko dahil hindi ko naman masabi sa kanya ng harapan dahil naalala ko na boss ko nga pala sya. Baka matanggalan pako ng trabaho pag sinabi ko. Pero hindi ako nakapagpigil na sabihin sa kanya na natakot ako.

"A-ahm malamang po."

Tumawa nalang sya na akmang mang-aasar.

"Hehe. Sorry po"

Pagsosorry nya sakin na may pa cute pa. At ako naman ay parang hindi makapag salita ng magpacute sya. Bakit parang may kakaiba akong naramdaman? Actually, cute naman si sir Reyster. Crush ko nga sya sa totoo lang eh. 

"U-uhm okay lang po"

"Bakit ka nga ba pala andito sa ospital?"

"M-may d-dinalaw lang po ako na kaibigan. K-kayo po kung okay lang pong tanungin."

"Dumugo ung ilong ni Marcus kaninang umaga. Hindi pa sya pina discharge kasi bigla syang nilagnat ngayon."

"Ah-"

Magsasalita pa sana ako kaso tumunog na ang elevator at sumakay na kaming dalawa. Tahimik lang kami ng magsalita si sir Reyster. 

"P-pauwi ka naba?"

"O-opo"

"Hatid na kita."

"H-hindi na po okay lang nakakahiya po"

"Hindi okay lang, peace offering ko kasi pansin ko malala ung takot mo kanina ih. Haha, sorry ulit"

"Okay lang po yun, di nyo na po ako kailangan ihatid"

"Sure ka?" 

"O-opo"

"If that's what you want"


Tumunog at bumukas na ang elevator at nasa 1st floor na ako. Sabi ni sir Reyster sa parking area pa daw sya bababa kaya nauna na ako at nagpaalam na.

////

Pagkarating ko sa condo ay nagbihis na ako at nahiga agad. Habang nakahiga ay pumasok bigla sa isip ko ung nangyari kanina. Grabe manakot si sir Reyster, wala syang ginagawa pero nakakatakot talaga.. Pero cute sya kanina ah, ngl hehe. Sa dami ng iniisip ko ay nakatulog na din ako.


Reyster's pov

Kanina sa ospital ay parang nakita ko si Vinci. I have this thing na kapag kilala ko at nakikita ko or nakakasalubong ko sya ay gugulatin ko sya kaya sinundan ko si Vinci dahil sigurado ako na sya yun. Habang naglalakad sya ay pansin ko na pansin nya na may sumusunod sa kanya. Kaya sinundan ko sya hanggang elevator. 

Ng makarating kami sa elevator ay andun pa rin ako sa likod nya at ramdam ko na natatakot na sya. Ilang sandali pa ay nagulat ako dahil humarap sya sa akin at sumigaw

"SINO KA?!?!!?" sigaw nya akmang sasapakin ako.

Nagtaas ako ng kamay dahil baka tuluyan nya ko kung sakali. Tinanggal ko na ung black na hoodie na suot ko para mas lalo syang matakot hahah at nagulat sya ng makita nya ko.

"SIR?!"

"Sorry kung natakot kita, I mean, natakot ba kita?"

Nag-isip ng ilang segundo si Vinci bago sya sumagot sakin. Habang nag-iisip sya ay natutuwa ako sa loob ko dahil ang cute nya magalit. 

"A-ahm malamang po."

Tumawa nalang ako na parang nang-aasar

"Hehe. Sorry po" pagpapasensya ko na may kasamang pa cute. Siguro naman di na sya makakapalag dito 'no? Gwapo ko kaya, hehe. 

Pagkatapos namin mag usap ay umalis na si Vinci. Ihahatid ko pa sana sya kaso ayaw nya naman eh kaya hinayaan ko nalang.

Ang cute pala magalit at matakot ni Vinci. Palaban na, cute pa. Wala naman syang ginagawa pero bakit ba kinikilig ako. Hindi ko na talaga maintindihan sarili ko. Nagddrive ako ngayon alam ko na dapat nakafocus ako sa pagddrive pero di ko maiwasan maisip si Vinci. Noong interview nya nung una ko syang nakita nagulat din ako sa itsura nya pero di ko nalang pinansin yun kasi madami din akong iniisip nun. What if ligawan ko sya 'no? Pero baka hindi nya rin ako sagutin. Pero wala naman masama kung mag try diba? Pero ayaw ko rin naman masaktan.

Di bale na, sino ba naman ako para, piliin nya, di ba?

Pagkanta ko dahil nakakarelate ako sa napapatugtog ko. 

/////

Pagkadating ko sa bahay ay kumuha lang ako ng ilang gamit dahil magsstay daw muna kami sa ospital para obserbahan ulit si Marcus. Dumugo ulit kasi ilong nya habang ginagawa ung tests sa kanya kaya kailangan nya na muna mag stay dun. Pagkatapos ko kunin ang ilang mga gamit nila Jiro at Marcus kasama na ung akin ay muli akong nagdrive papuntang ospital.

Love You EndlesslyWhere stories live. Discover now