Chapter 9

107 4 0
                                    

Vinci's pov

Andito kami ngayon sa kakainan namin, grabe halatang mga mayayaman lang nakakain dito, sobrang aesthetic ng design, modern, saka sobrang ganda lang talaga. Kaya ko naman makakain dito pero minsanan lang. Naupo naman na kami at nag order na. Hindi na bago sakin kumain sa mga ganto dahil nagagawa naman namin 'to nila mama saka nila ate. 

Ilang sandali pa ay dumating na mga order namin, grabe mamahalin lahat ng inorder nila. Nakakahiya lang talaga kaya pagka dating ng order namin hindi ko muna ginalaw dahil baka isipin nila na gusto ko talaga dito o kaya gutom na gutom ako.

"Vinci kain kana ako na bahala libre ko ulit hehe"

"S-sige po salamat"

Signal lang talaga sa kanilang dalawa hinintay ko para kumain. 

//

Nang matapos na kami kumain ay nagbayad na si sir Jom sa cashier, habang nagbabayad sya, pinalabas nya na kami ni sir Reyster. Babalik na sana ako sa office dahil wala naman na akong gagawin dito, pero bigla akong hinawakan ni sir Reyster at biglang bumilis tibok ng puso ko. Bakit ba nakakaramdam ako ng ganto everytime magka lapit kami or hinahawakan nya ko? 

"San ka pupunta?"

"U-uhm b-balik na po sir"

"Hintayin muna natin si Jom"

"Sige po"

Andun kami sa labas at nagtataka ako kung bakit ilang minuto na nakakalipas wala pa din si sir Jom. Ilang sandali pa ay bigla akong kinausap ni sir Reyster.

"May kapatid kaba?"

"Meron po"

"Ilan kayo magkakapatid?"

"Tatlo po kami, ako po pangalawa"

"Nasa Batangas pamilya mo?"

"Si ate po nasa Cavite, si mama at ung bunso lang po namin ung nasa Batangas"

"Asan tatay mo?"

"Patay na po 2 yrs ago"

"Sorry kung tinanong ko"

"Okay lang po, di din naman po namin inaasahan yun"

Ilang sandali pa ay lumabas na si sir Jom.

"Oh bat andito pa kayo?"

"Alangan namang aalis kami tapos susugurin mo kami dun sa office ko kalagitnaan ng trabaho tapos magagalit ka kasi hindi ka namin inantay"

"Hehe"

Pagkatapos nun ay sabay sabay na kaming bumalik sa office. Pagka balik ko ay pinaupo muna ako ni sir Reyster dahil hindi pa naman time bumalik sa trabaho.

"Maupo ka muna, sasabihan kita pag may papagawa ako sayo"

"Sige po"

Reyster's pov

Pagkatapos namin kumain ay pinalabas na kami ni Jom dahil sya na daw ang magbabayad. Agad ko naman napansin si Vinci na babalik na sa office kaya naman hinawakan ko sya at pinigilan.

"San ka pupunta?"

"U-uhm b-balik na po sir"

"Hintayin muna natin si Jom"

"Sige po"

Ilang minuto na kaming nasa labas at hanggang ngayon ay wala pa rin si Jom. Napansin ko na parang naiinip na si Vinci kakaintay kaya naman kinausap ko sya.

May kapatid kaba?"

"Meron po"

"Ilan kayo magkakapatid?"

"Tatlo po kami, ako po pangalawa"

"Nasa Batangas pamilya mo?"

"Si ate po nasa Cavite, si mama at ung bunso lang po namin ung nasa Batangas"

"Asan tatay mo?"

"Patay na po 2 yrs ago"

Agad naman ako nagulat sa sinabi nya. Kaya naman nagsorry agad ako dahil pinaalala ko pa sa kanya.

"Sorry kung tinanong ko"

"Okay lang po, di din naman po namin inaasahan yun"

Ilang sandali pa ay lumabas na si Jom.

"Oh bat andito pa kayo?"

"Alangan namang aalis kami tapos susugurin mo kami dun sa office ko kalagitnaan ng trabaho tapos magagalit ka kasi hindi ka namin inantay"

"Hehe"

Pagkatapos nun ay bumalik ba kami ng office. Pinagpahinga ko muna si Vinci dahil wala naman syang kailangang gawin ngayon. 

"Maupo ka muna, sasabihan kita pag may papagawa ako sayo"

"Sige po"

Love You EndlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon