Chapter 23

107 6 0
                                    

Vinci's pov

Bago kami bumalik sa office ay pumunta muna kami ng Starbucks kasi lilibre daw ako ni sir Reyster.

"Ano gusto mo?"

"Iced Caramel Macchiato nalang sir"

After naming bumili ng drinks ay bumalik na kami ng office at nagtrabaho na ulit. Pumunta ako ng restroom para mag CR at nakita ko si Kyler.

"Uy Kyler!!"

"San ka galing? Kala ko ba mag lulunch tayo?"

"Uhm, sorry ah hindi ko nasabi. Inaya din kasi ako ni sir Reyster mag lunch, eh kaninang umaga kasi napansin ko parang nainis sya sakin kaya tinaggap ko nalang kasi baka magalit pa sya lalo eh. Pero bawi ako sayo."

"Sabi mo yan ah"

"Oo promise."

Lumabas na ako ng CR at bumalik sa office ni sir Reyster.

"Vinci, hanap ka pala ni Marcus, labas ulit tayo mamaya?"

"S-sige po"

"Sabay na tayo lumabas mamaya. Sabay kana sakin para di mo na kailangan mamasahe."

"Sige po sir, thank you po"

Yieee makikita ko nanaman ang future ana- kimi HAHAHAHAH nanliligaw pa nga lang eh.

*************

Nandito na kami sa amusement park na gustong puntahan ni Marcus. Sumakay kami sa ilang rides pero nakaramdam na ako ng pagod pagkatapos ng ilang oras kaya naupo muna ako sa tabi ni sir Reyster at iniwan sila Marcus at Jiro kasama ang mga guards na nakikipaglaro din sa kanila

"Hayy kapagodd"

"Inom ka muna ng tubig oh"

"Ay salamat po" tinanggap ko ung tubig at uminom.

"Alam mo, ang cute mo pag nagenjoy."

"Di naman"

"Legit nga HHAHAHA panuorin lang kita okay na ko eh"

Sa sinabi ni sir Reyster, namula ako.

"Grabeee"

"May cotton candy dun oh, gusto mo?"

"Ay sige, bilhan ko na din sila Marcus saka Jiro okay lang po?"

Kumuha si sir Reyster ng 100 sa wallet nya at ibinigay sakin.

"Oo sige, eto"

"Naku hindi na po, may pera pa po ako"

Pumunta na ako dun sa bilihan ng cotton candy at bumili ng tatlo at bumalik kina Marcus at Jiro.

"Marcus, Jiro oh"

Binigay ko kina Marcus at Jiro ung cotton candy nila at naupo.

"Thank you po kuya Vinci." sagot ni Jiro

"Thank you po kuya" sabat ni Marcus habang kinakain ung cotton candy nya.

"Sir, sarap oh gusto nyo?"

"Di na, di ako mahilig sa matamis."

"Try nyo lang sir oh"

Binigay ko kay Sir Reyster ung cotton candy ko. Tinikman nya ito at napatingin sakin

"Sarap ah"

"Sabi sa inyo sir eh HAHAHAH"

Binalik nya sakin ung cotton candy at lumapit sa kanya si Jiro at may binulong ulit. Ano trip netong mag ama na toh??

"A-ahm Vinci. Paki bantayan muna si Marcus ha, may bibilhin lang kami ni Jiro."

"Sige po"

Umalis sila Sir Reyster at Jiro at kami lang ni Marcus ang natira.

"Kuya, how old are you na po?"

"I'm 20 na, ikaw?"

"I'm 6 years old po. Do you have a boyfriend na po?"

"U-uhm wala pa eh, work muna si kuya Vinci hahah"

Habang nag uusap kami ni Marcus ay bumalik sila Jiro na may dalang paper bag.

"Vinci, para sayo."

Inabot sakin ni sir Reyster ung paper bag. OMG!! MINT CHOCO SHEEET GUSTO KO TO

"AHHH OMG MINT CHOCO!! THANK YOU PO JIRO, THANK YOU PO SIR"

"You're welcome"

Love You EndlesslyWhere stories live. Discover now