Chapter 32

15 1 8
                                    

--Mia--

"Sige, see you sa next flight!" 

"Mia!" 

Napalingon ako. Who could that be. Napaawang ang labi ko nang makita ko ang bestfriend ko. Winston?! Sabi ko magkikita nalang kami ah.

"Hoyy anong ginagawa mo ditong lalaki ka? Sabi ko magkita nalang tayo ah"

"Ayaw mo nun sinundo na kita? Choosy ka pa andito na nga bestfriend mo." 

Oh, bestfriend, right. Haha, hanggang dun lang ako.

"Yieee ikaw talaga para kang tanga, hoy wag mo na uulitin ah"

"Bakit? May makakakita ba?"

"Wala naman, nakakahiya lang baka nakaka istorbo ako sayo."

Nilagay nya ung kamay nya sa ulo ko. Naramdaman kong namula ung pisngi ko kaya natigilan ako.

"Halika na nga" sinuntok ko ng mahina ung tyan nya. 

"Walang nakakahiya basta para sayo partz." nginitian nya ko.

"Aray."

"Wag kang oa, dun ka sa far away."

Pumasok ako sa shotgun seat habang binuhat nya ung maliit ko na luggage sa likod.

"Sooo, kamusta flight galing Korea, at anong pasalubong ko?" sabi na eh. Yan ang itatanong nya eh.

"Ano ka, special?" pambabara ko habang may dinudukot sa likod.

"Oh, eto." nilabas ko ang isang paper bag at binigay sa kanya. Isang paper bag na punong-puno ng skin care products.

"Dahil maalaga ka sa mukha mo, ayan. Gamitin mo yang mga yan kahit walang effect. Atleast may effort. Libreng mangarap" tinapik ko ang balikat nya. His broad shoulders.

"Pasmado bunganga mo ah, nakarating ka lang sa dream country ko."

Sa susunod kasama na kitang pumunta dun. 

"Tara na nga. San tayo kakain? Libre mo? May pera ka ba?"

"Hoy, may ari ng isang mamahaling sedan walang pera?"

"Oh edi ano nalang. Kuripot ka ba?"

"puta, uwi nalang tayo, libre sana kita ng favorite mong restaurant kaso tinatarantado mo'ko eh. Wag nalang."

"Hoy joke lang eto naman sineseryoso, alam mo namang punong-puno ng kaemehan bunganga ko seseryosohin mo."

"Oh edi tara. Magseatbelt kana."

I miss him. Madalas kaming magkita pero madalas ding hindi dahil sa mga sunod-sunod na flights ko.  

"So kamusta na nga ung flight mo?"

"Saks lang, may isang pasahero lang na.. Chickboy."

"Chickboy? Ano ginawa sayo? Sinaktan ka ba?"

"Gago HAHAHAHA. Hindi, binastos kami ni Izy pero hinayaan ko nalang, walang patutunguhan ung away."

"Wag sya magpapakita ah. Subukan nya lang."

"Bakit, ano gagawin mo?" 

"Makakatikim sya malamang, di kita hahayaang mabastos 'no."

That's what I like about him. He's so protective of me. 

--Winston--

"North Park, really?"

"Choosy ka? Eh eto nga favorite mo diba."

"Di naman ako nagreklamo ah?"

"Table for two please." hinilahan ko sya ng upuan.

"Gentleman yarn?" 

"Once in a blue moon lang mangyari yan. Sulitin mo na." tinuktukan ko sya sa noo at hinawakan nya pa. Napangiti ako. She's just so. Pure.

"So, anong ganap nung wala ako? Grabeng layover, 5 days."

"Oo nga eh, di mo lang man ako naisip, di ka nag uupdate."

"Gago ka ba? Nag update ako sayo."

"Once? Or twice?"

"Ewan ko sayo." inirapan nya ko. Napangiti ulit ako. 

Hinayaan ko nalang sya mag order since favorite nya naman tong restaurant na 'to. Habang nag oorder sya, may lumapit sa amin na isang lalaki. Naka beige coat na mahaba, halatang kagagaling lang sa flight.

"Uy, miss ganda! Diba ikaw ung nasa flight kanina?"

The hell? Sya ba ung sinasabi ni Mia kanina na nambastos sa flight nila? Napatingin sakin si Mia looking uncomfortable. Kinlaro ko ang lalamunan ko para sumenyas sa lalaki ngunit inirapan nya lang ako.

"Kiel, Kiel Cruz" inabot nya ang kamay nya kay Mia for a shake hand. Aabutin na sana ni Mia ngunit tumayo ako at ako ang nakipag kamay.

"Winston, Winston Pineda."

"Ms. Salcedo." I mentioned my middle name para mag mukhang surname ni Mia. I won't introduce her real name. Sino ba sya? She's only mine. Nakita ko ang tingin ni Mia sakin at napatayo na din sya at lumapit sa'kin.

"I'm not talking to you."

"I don't care, fuck off."

"Why, who are you anyways?" 

Humawak si Mia sa balikat ko, sumesenyas na hayaan ko nalang.

"Her boyfriend." humawak ako sa bewang nya. Tinalasan nyang tingin nya sakin at tinalasan ko din sya ng mata to give that 'go with the flow' eye.

"Ahm hehe, sorry for that. Let's go, love." kinuha nya ang bag nya sa upuan at hinawakan ang kamay ko but I stayed. Tinalasan nya ulit ako ng mata.

"Stay away from her." 

"Love, let's go." 

Lumabas kami, at pinipigilan kong ngumiti. She intertwined her hands with mine. Pagkalabas namin humarap sya sakin at nagpumewang.

"Ano yun?"

"Alin?"

"Yun. Yun. Ms. Salcedo? Ano ako, pinsan mo? Tapos biglang girlfriend? Gutom ka lang ata bai." pinitik nya noo ko.

"Alangan naman sabihin ko tunay na pangalan mo, eh kung pinagtanong-tanong ka nun sa airport or sa airline mo?"

"Ano naman. As if naman makukuha nya ko."

Tumalikod sya ngunit hinila ko sya at hinawakan ko ulit sya sa bewang. This time, nakaharap naman sya sakin. 

"I'd better be sure, kasi akin ka lang."

Kumurap-kurap mata nya. Kumawala sya at tumalikod.

"Alam mo, mag MOA nalang tayo. Mas marami pang magagawa."

Wala lang sa kanya yun? Hayst, Winston. Hanggang kaibigan ka nalang talaga.

--Mia--

"Ano naman. As if naman makukuha nya ko."

Tumalikod ako ngunit hinila nya ko at hinawakan ulit ako sa bewang. 

"I'd better be sure, kasi akin ka lang."

Kumurap-kurap mata ko. Kumawala ako at tumalikod. Tinatago ang ngiti ko. 

"Alam mo, mag MOA nalang tayo. Mas marami pang magagawa."

Bumugtong hininga sya bago pumasok sa sasakyan. Lalim nun ah? San galing yun?



Love You EndlesslyWhere stories live. Discover now