Chapter 20

97 6 2
                                    

Reyster's pov

Naglalaro ngayon si Vinci kasama ang mga anak ko. Ang saya nilang tignang masaya lalo na si Vinci. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nakikita ko sya di ko namamalayan na nakangiti na pala ako pag minsan. Ganto ba talaga ang epekto sakin? Ung hindi ko namamalayan ung mga nangyayari sakin kasi pag nakikita ko sya parang tumitigil ang mundo ko.

"Papa!!" lumapit sakin si Marcus

"Oh Marcus, what do you need?"

"Water po."

Inabutan ko ng tubig si Marcus at pinagbuksan ko na din sya. Maya-maya ay lumapit na din si Vinci at pawis na pawis sya. Inabot ko sa kanya ung tubig at binuksan ko na din ito para sa kanya.

"Magtubig ka muna Vinci, pawis na pawis ka oh"

"Sus sir, basic lang po 'to sakin HAHAHAHA"

Nag-iba ang ugali ni Vinci ngayon ah, dati naiilang sya sakin dati, ngayon may tawa na ah. Pero masaya na din akong nakikita syang masaya at nag eenjoy.

"Kuya Vinci, let's play po uliit"

Nakita ko na hinihingal si Vinci kaya pagpapahingahin ko muna sya. Baka kung mapano pa sya.

"Marcus, pahinga muna si kuya Vinci ha, pahinga din muna kayo ni kuya Jiro mo"

"Aww. Okay po"

Lumapit si Jiro at uminom ng tubig at may ibinulong sakin.

"Papa, kailan nyo po gusto ligawan si kuya Vinci?"

"Bakit, may plano ka Jiro?"

"May nakita po kasi akong banda dun pwede po kayo mag request, pwede rin po kayong kumanta, harana ba"

Nag-isip ako ng sandali at na realize ko na kailangan kong gumalaw dahil hindi lang ako ang may gusto kay Vinci.

"Sige, bale ganto, mauuna ako dun tapos ituro mo kay kuya Vinci mo ung banda para kunware gagala kayo. Text kita pag pwede na kayo pumunta ha?"

"Sige po"

Humarap ulit kami na parang walang nangyare at nakita ko si Vinci na umiinom ng milktea at ang cute nya. Sarap nyang ibulsa. Pero dapat di ako matawa para di halata ung plano namin ni Jiro.

"Vinci, CR lang ako ha, ikaw muna bahala sa mga bata"

"Sige po sir"

Umalis na ako at hinanap ang bandang sinasabi ni Jiro at nakita ko naman agad ito kaya lumapit ako at sinulat ang gusto kong kantahin. Sinulat ko ang 'Leonora' ng Sugarcane dahil bagay na bagay ito para kay Vinci. Pagkatapos kong isulat ang details ay chinat ko na si Jiro na pwede na silang pumunta. Inantay ko sila at saktong ako na ang kakanta ay dumating sila Marcus at Jiro hila-hila si Vinci. Si Vinci naman ay gulat na gulat ng makita ako.

"Ang next po na kakanta ay si Reyster Yton, singing Leonora by Sugarcane." narinig ko ang sinabi ng vocalist ng banda kaya umakyat na ako sa stage. Nakakagulat din honestly kasi hindi naman talaga ako sanay na maka communicate ng ibang tao since introvert ako. Siguro nadala na din ng paghawak ko sa company since syempre kailangang humarap sa mga tao at mag discuss ng meetings. Pagka akyat ko ng stage ay kinuha ko ang mic at nagsalita muna.

"Uhm, etong kantang 'to, para 'to sa isang taong gusto ko pero di nya siguro alam." Habang nagsasalita ay nakatingin ako kay Vinci at nagka eye contact kami.

Pinatugtog na ng banda ang music kaya nagsimula naman akong kumanta. Hindi pa ako kumakanta ay pumalakpak na sila.

'Tong alay kong harana, para sa dalagang

Walang kasing ganda, amoy-rosas ang halimuyak

Kung nanaisin ng tadhanang mapanlinlang

'Di hahayaang mawala pa

'Tong liham na umaasang mata mo ang makabasa

Handang gawin lahat, maging pamilya'y liligawan

Ngayon lang nakadama ng wagas na pagkamangha

Hiling ko lang naman na

Tayo na sanang dalawa ang siyang huli at ang umpisa

Papatunayang ang unang pag-ibig ay 'di mawawala

Nakailang tula na, ba't tila 'di napupuna?

Ang tangi kong hiling, hanggang dulo, ikaw ang kapiling

Kung puwede lang, hanggang pangmagpakailanman

Hinding-hindi na papakawalan kailanman

Ang dating tamis ng pagsasama, nasa'n na? (Hinahanap-hanap ka, whoa)

Ba't sa 'ting dal'wa, ako na lang natira? (Sana'y magkita pa)

Tinig mong kay ganda, maririnig pa ba?

Handang tahaking mag-isa kahit wala ka na

Kung nasa'n ka man, nawa ay masaya ka na (palalayain ka, whoa)

Kahit na 'di na tayo magsasama pa (mahal pa rin kita)

Dinggin mo lang ang hiling na mag-iingat ka

Oh, Leonora kong sinta, ah

Pagkatapos kong kumanta ay pinalakpakan ako ng mga tao lalo na si Vinci. Nakaramdam ako ng tuwa dahil naapreciate nya ung kinanta ko dahil para naman sa kanya yun.

Pagkababa ko ng stage ay agad kong nilapitan si Vinci.

"Ang galing nyo po pala kumanta sir hahaha" pagpuri nya sakin

"Para sayo yun."

Napansin ko na namula sya kaya pinipigilan kong ngumiti.

"S-salamat po"

Vinci's pov

Kinanta kanina ni sir Reyster ang isa sa mga fav kong kanta, ang Leonora ng Sugarcane.

"Ang galing nyo po pala kumanta sir hahaha" pagpuri ko sa kanya kasi totoo naman duhh

"Para sayo yun."

HUYYY BAT NAMAN GANYAN SIR HAHAHAAH ENEBE, dahil sa sinabi nya namula ako.

"S-salamat po"

Love You EndlesslyWhere stories live. Discover now