Chapter 14

95 6 0
                                    

Jeromy's pov

Andito kami ni Marcus sa ospital dahil dumugo ung ilong nya kaninang umaga, kasama namin si Kuya Drei, ung kaibigan ni Papa na doctor. Gusto na umuwi ni Marcus kaso kailangan nya pa ma-obserbahan, sabi din sa akin ni Papa kailangan syang kuhanan ng dugo. Alam kong takot si Marcus sa injection pero susubukan ko syang pakalmahin, sabi sakin ni papa sumama nalang ako sa laboratory para in case na umiyak si Marcus ay nandun ako para pakalmahin sya. 

"Kuya pwede na po ba umuwi? I'm fine naman na eh"

"Di pa pwede Marcus, kailangan ka pa obserbahan ni Kuya Drei para makauwi kana"

"Why po? Am I sick? I feel fine naman po"

"Listen nalang muna Marcus ha, mamaya bago umuwi treat kita pag nakinig kay kuya."

Hilig kong ibaby sa Marcus dahil sobrang cute nya at ang bait nya din. Matalino din sya, consistent honor sya sa school kaya spoil na spoil sa kanya samin ni papa. 

"Okay po"

Ilang sandali pa ay dumating si Kuya Drei para dalhin sa lab si Marcus, sa mga oras na yun kalmado pa si Marcus kaya wala pa akong problema.

"Tara Marcus, may pupuntahan tayo"

"Where po kuya Drei? Uuwi na po ba kami?"

"Hindi pa, pero pag natapos na natin 'to pwede na kayo umuwi, okay?"

"Okay po"

"Tara, Jiro sama ka samin sabi ng papa mo"

"Opo kuya Drei"

Kinarga ni Kuya Drei si Marcus dahil kahit si kuya Drei ay hilig din ispoil at ibaby si Marcus. 

Pagdating namin ng laboratory ay kalmado pa din si Marcus, mukhang maganda 'to ah, behave lang sya.

///

Nang pinaupo si Marcus ay nakita nya ung mga microscope, doctors, at iba pang tools pang medical. Kaya ng napansin ko sya na nagliligid-ligid ang kaniyang mata ay kinabahan na ako dahil ilang sandali nalang ay baka mag panic si Marcus once na makakita sya ng injection. Kaya pati ang mata ko ay naglilibot na din ng kung anong makita ko. Dahil nakita ko si Kuya Drei na may hawak na injection ay agad kong tinakpan si Kuya Drei dahil baka mahagip ng mata ni Marcus, si kuya Drei pa naman ang may hawak nun.

"A-ahm Marcus anong gusto mong lunch mamaya? Diba treat kita, ano gusto mo?"

"Jolibee po kuya"

"Sige pag pinayagan na tayo ni Kuya Drei daan tayo sa Jolibee pero sa bahay kana kakain ha?"

"We're not going to school na po?"

"Hindi na muna, sabi ni papa magbibigay nalang sya ng excuse letter kay Maam Camille mo (adviser ni Marcus) saka kay kuya Ron (adviser ni Jeromy/asawa ni Drei and kaibigan ni Reyster)"

"But I want to go to school po, may recitation po kami ngayon, I studied all night for it"

Hindi kaya yun ang dahilan kung bakit dumugo ilong ni Marcus?

Ilang sandali pa ay may lumapit na nurse sa amin

"Hi Marcus, I'm Nurse Luna, kukuha lang kami ng dugo para malaman kung may sakit kaba or wala ha?"

Pagkatapos marinig ni Marcus yun ay kinabahan na sya

"Kuya, what does she mean po?" tanong ni Marcus at ramdam ko ang kaba nya

"A-ahm, M-marcus kalma ka lang ha, i-iinjectionan ka kasi pero wala kang mararamdaman, mabilis lang 'to"

"NO KUYA I DON'T WAN-" sigaw ni Marcus

"Marcus behave muna, hindi 'to masaki-"

"NO, I WANT TO GO HOME"

"After nito uuwi na tayo promise"

"NO" sigaw ni Marcus habang umiiyak

"Takot po kasi sya sa injection, pasensya na po" sabi ko sa nurse habang niyayakap si Marcus

"No it's totally fine, maraming bata din umiiyak kapag iniinjectionan"

"Kuya" tawag sakin ni Marcus habang humihikbi pa rin

Wala akong magawa kaya naisip ko nalang na kargahin si Marcus habang nakaupo para hindi sya magpanic

"Kalma ka lang ha, hindi yan masakit, 3 secs lang tapos na"

Dahil kumalma na si Marcus ay tinawag na ni Nurse Luna si Kuya Drei, pagkalapit ni kuya Drei ay naupo na ako para kargahin si Marcus. 

"Oh Marcus mabilis lang 'to ha" sabi ni Kuya Drei habang nilalagyan ng rubber na pang-ipit sa dugo ni Marcus para makakuha ng dugo. 

Pagkatapos nyang lagyan ng rubber ay kumuha si kuya Drei ng alcohol para ipahid sa braso ni Marcus at kinuha na rin ni kuya Drei ung injection at ng makita ulit yun ni Marcus ay muli syang umiyak.

"KUYA I DON'T WANT TO" sabi ni Marcus habang umiiyak

"Marcus mabilis lang 'to promise" malumanay kong sinabi.

"Jiro takpan mo ung mga mata ni Marcus, kaya sya umiiyak kasi nakikita nya tong injection

Agad ko naman tinakpan ung mata ni Marcus at hanggang ngayon ay umiiyak pa din syang at sumisigaw. Pagkatapos nun ay tinusok na ni kita Drei ung injection na dahilan naman para sumigaw at gumalaw  si Marcus

" KUYA 😭😭" sigaw ni Marcus habang gumagalaw sya.

"Tapos na" sabi ni kuya Drei kay Marcus na may pagkalambing. 

Habang nilalagyan ng band aid si Marcus ay humihikbi pa rin sya.

"Okay na Marcus, tahan na tapos na diba kuya?" pagbbaby ko kay Marcus.

"Oo, gagawin muna namin ung test at pagkatapos nun pwede na kayo umuwi pag clear na lahat ha?" Sagot ni kuya Drei 

"Ay, nakakain na ba kayo?" Tanong ni kuya Drei

"Di pa nga po kuya eh, sabi ko lang kay Marcus bibilhan ko sya ng jolibee bago umuwi." Sagot ko kay kuya Drei

"Sige bumili ka muna dun, eto pera, pwede hindi mo pwede isama si Marcus, tanungin mo nalang sya kung ano gusto nya" sagot sakin ni kuya Drei habang inaabot ung pera nya.

"Sige po kuya"

"Eto pera" 

"Hindi na po kuya may dala po akong pera"

"Sure ka?"

"Opo" 

"Sige sige balik ka agad ha"

"Sige po"

Pagkatapos nun ay pumunta muna ako sa room ni Marcus para tanungin sya kung ano gusto nya. Pagpasok ko ay nakahiga si Marcus sa kama ng ospital habang nag lalaro sa ipad nya.

"Marcus?"

"Hi kuya"

"Punta na kong jolibee, ano gusto mo?"

"Can I come?"

"Hindi muna pwede Marcus, kailangan mo daw muna magpahinga sabi ni kuya Drei"

"But I want to 😞" 

"Bilhan nalang kita ng gusto mo. What do you want?"

"Spaghetti and chicken and sprite po"

"Sige spaghetti and chicken, wag ka muna mag drinks  ha hindi pa natin sure kung pwede ka na uminom ng soft drinks"

"Okay po"

Pagkatapos kong tanungin si Marcus ay lumabas na ako para bumili ng makakain ni Marcus.

Love You EndlesslyWhere stories live. Discover now