Chapter 33

18 1 14
                                    

--Vinci--

Pagkauwi namin galing Batangas dumiretso agad ako sa Parañaque. Kailangan ko ng sagot sa tanong ko.

"Huy! Vincent! Kamusta kana? Di kana dumadalaw dito ah" salubong sakin ni sister Christine.

"Masyado pong maraming trabaho eh. Si Lola Emma po andyan?" 

"Ay oo wait lang ha tawagin ko lang."

"Sige po."

Nilibot ko muna ang office ng mga madre. Walang ding pinagbago dito. Bata pa lang ako parang halos kada buwan bumibisita kami dito. Si Lola Emma ang tiyahin ni mama, second cousin ng lolo ko. Kaya sa tuwing may celebration dito naaya kami. 

"Vinci!" napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Lola Emma.

"La!!" nagmano ako at yumakap.

"Kamusta? Di ka na bumisita dito simula nung dinala mo dito ung batang sinagip mo 5 years ago." 

"Yun nga po pinunta ko dito eh. Kamusta na po ba sya?"

"Ayun. Nakuha na sya ng tito nya."

"Kelan pa po?"

"Mga tatlong buwan simula nung hinatid mo sya dito."

"Lola, pwede ko po ba makita ung mga dokumento nung bata?"

"Ay.. Sige. Halika."

"Pero kumain ka na ba? Kain muna tayo."

Pumunta kami sa cafeteria nila at nakita ung teddy bear. Ung teddy bear na lagi kong niyayakap sa tuwing nandito kami.

"Oh, andito pa din po si teddy?" 

"Ah, yes. Hindi na namin pinalitan kasi andyan na sya bago ka pa pinanganak. Ibig sabihin buong buhay ng St. Rita orphanage, andyan si teddy." 

Oo nga pala. 2 years lang pagitan namin nitong orphanage.

Habang kumakain, naisip ko ang batang lagi kong kalaro dito noon. Kamusta na kaya sya?

"Lola, kamusta na nga po ba pala ung batang kalaro ko noon."

"Sinong bata?"

"Ung batang may bukol po sa ulo?"

"Ahh. Si Camia? Ung may lipoma?"

"Opo."

"Ay malaki na sya, magkasing edad lang kayo eh, matanda ka lang ng isang taon sa kanya."

So, 23 na sya ngayon? I've never met her again.

"Asan na po sya? Naampon pa po ba sya?"

"Ay oo, bago sya mag 7, may umampon sa kanya na mayamang pamilya, they offered na operahan sya. Medyo lumalala na ung lipoma nya nun and needs to be removed, buti nalang talaga naampon sya."

"Hindi na po sya bumalik? Hindi na po sya bumisita dito?"

"Bumisita sya dito once, halos di na namin nakilala. She's so pretty now, and ung hair nya, humaba na and so smooth. As far as I know graduating sya nun, maybe two years ago?"

"Graduating, college?"

"Yes, UST Tourism."

So she could be a flight attendant now? Ang layo ng narating nya. I'm so proud of her.

Pag lumaki ako, gusto ko maging F.A

Matutupad mo yan. 

Kaso..

Kaso

Baka hindi rin, ang pangit ko. May bukol ako sa ulo. Diba pag F.A dapat maganda. Perfect.

You don't have to be pretty outside, trust me, you will be an F.A soon.

Hihi, thank you kuya Vinci

--------------------

Pagkatapos namin kumain pumasok kami sa opisina ni Lola at nilibot ko ulit ito. Sa tuwing bumibisita kami noon dito kami tumatambay habang hindi pa bukas ang orphanage. May kinuhang folder si Lola sa drawer nya at inabot sakin. 

"He is Marcus Rayden Cabais. Newborn sya nung dinala mo dito. Inalagaan namin sya for 3 months hanggang sa nakuha sya ng guardian nya. Mr. Reyster Yton. Marcus has an elder brother, ligtas sya sa aksidente because he was at home. Pauwi sila ng Manila galing sa hometown nila."

Napaluha ako. Marcus.. Sya ung batang naligtas ko. 

--Reyster--

Ano balita sa pinapahanap ko?

Galing kami kaninang umaga dun sir, sabi samin, kamag-anak ng madre ung nagdala kay Marcus sa orphanage. 

Nakuha nyo ba ung pangalan?

Vincent daw po sir.

Vincent?  Anong... apelyido?

Malizon daw po sir.

Bumilis tibok ng dibdib ko. Vinci, he saved Marcus back then..



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 04 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love You EndlesslyWhere stories live. Discover now