Chapter 18

122 5 1
                                    

Pagkabalik ko sa ospital ay nakita ko sila Jiro at Marcus na natutulog kaya di nalang ako gumawa ng ingay habang nililigpit ung gamit namin. Pagkatapos ko din iligpit ung mga gamit ay natulog na din ako sa sofa dahil natulog si Jiro sa tabi ni Marcus. Sa totoo lang, natutuwa ako pag nakikita ko sila. Nawawala ung mga problema ko pag nakikita ko silang maayos at nagpapaka kuya si Jiro kay Marcus. 

******

Kinaumagahan

Vinci's pov

Maagang nagchat sa akin si sir Reyster na di daw muna sya papasok. Kamusta kaya si Marcus? Nakalabas na kaya sila ng ospital kaya di papasok si sir? Sana naman. Kawawa ung bata.

Dahil kailangan ko maging maaga kasi di nga papasok si sir Reyster ay 7:00 palang ay umalis na ako ng condo. Sigurado maraming trabaho si sir na ako dapat ang gumawa dahil absent sya. Pagkadating ng office ay hindi na ako nagsayang ng oras at nagtrabaho na. Nang pumunta ako ng office ni sir Reyster ay kinuha ko ung mga folders sa table nya dahil ako muna ang mag-aasikaso nun habang wala sya. Pagkapunta ko naman sa table ko ay may nakita akong SB cup na may sticky note. 

Coffee for u ^_^  

Habang binabasa ung note ay hindi ko namamalayan na ngumingiti na pala ako. Sweet naman ni sir hahah. Pero baka may asawa na sya. Malamang may anak eh. Nawala ang ngiti ko ng nagring ung cp ko. Ayieeee nagchat si sir Reyster, teka lang enebe HAHAHAH kinikilig ako wait lang. 

Vinci nasa office ka na?

Opo sir, thank you po sa kape haha

Anong kape?

Ung kape po na nasa table ko, hindi po ba galing sa inyo yun?

HAHAH Vinci alam mo naman di ako pumunta sa office right?  Pero may kape talaga dyan sa table mo?

Opo, akala ko nga po sa inyo kasi may note pa po eh

Anong sabi sa note? 

'Coffee for u' tapos may blush face po

Hindi sakin galing yan.

A-ay sige po.

Kung gusto mo itapon mo na yan.

Luh?? Bat itatapon? Sayang naman ihh. Saka fav ko pa naman 'to

P-po?

Nothing. Sige na. Nagchat lang ako para kamustahin ka.

Sige po, salamat

Grabe naman ung itapon, bat parang nung sabi ko may nagbigay ng kape parang nagalit si sir Reyster? Selos yarn? Grabeng expectation Vinci. Kasasabi mo lang kanina baka may asawa na tapos umasa-asa ka dyan. Nu yan? Huy di ka maninira ng pamilya beh tumigil ka. Pero sino nga ba ung nagbigay ng kape sakin? Bakit alam na alam nya ung favorite ko? Eh si Sir Reyster lang naman nakakaalam ng gusto ko eh. Weh? Sir ah ineeme-eme moko. HAHAHAHAH charot lang sir baka matanggalan pako ng workk. Ang delulu ko jusq daming imagination HAHAHAH makapagsimula na nga magtrabaho. Batakan ko na 'to madami-dami pa 'to eh.

******

Reyster's pov

Vinci nasa office ka na?

Opo sir, thank you po sa kape haha

Anong kape?

Ung kape po na nasa table ko, hindi po ba galing sa inyo yun?

HAHAH Vinci alam mo naman di ako pumunta sa office right? Pero may kape talaga dyan sa table mo?

Opo, akala ko nga po sa inyo kasi may note pa po eh

Anong sabi sa note?

'Coffee for u' tapos may blush face po

Hindi sakin galing yan.

A-ay sige po.

Kung gusto mo itapon mo na yan.

P-po?

Nothing. Sige na. Nagchat lang ako para kamustahin ka.

Sige po, salamat

Kachat ko si Vinci kanina at sabi nya may naglapag ng kape sa table nya at may note pa!! Sino kaya nagbigay nun? May kumakalaban ba sakin para kay Vinci? Pwes di sya mananalo, akin si Vinci hehe. 

*****

Someone's pov

Pumunta ako sa office ni sir Reyster at nilapag ang isang kape sa table ng secretary nya. Nilagyan ko ng note dahil syempre, di ba obvious? Malamang gusto ko sya. Pero, eme-eme lang yun. It's a bet, nakita namin sya ng mga kaibigan ko sa lobby ng office namin. Wala akong interes sa kanya, it's because I like Kim, pero, iba ang gusto nya. Kaya nakipag bet ako sa mga kaibigan ko at pag napasagot ko ung secretary ni sir Reyster ay iseset-up nila si Kim for a blind date at ako ung ka date nya. Hindi ko gusto na madamay ibang tao dito pero gustong gusto ko si Kim and I am willing to do everything to get her. 

"Pre ano kamusta?" tanong ng isang kaibigan ko

"Okay na, gumawa na ko ng first move" sagot ko.

"YUN OH!!" sigaw nya

"SHEESH MAY DUMA-DAMOVES DITO OH HAHAAH" sigaw naman ni Nathan.

"GRABE BA" pasabay naman ni Winston

"Hoy ung kasunduan natin ah. Pagkatapos nito iseset-up nyo ko kay Kim"

"Ouuu sinisimulan na namin yan habang duma-damoves ka yieeee" 

"di ko ginusto 'to ah"

"dimo sure" pang-aasar ni Winston

"HOY, SI KIM ANG GUSTO KO NADAMAY LANG UNG SECRETARY NI SIR REYSTER"

"joke lang"

"tara na nga"

"tara"

At umalis na kami at bumalik sa trabaho namin.

Love You EndlesslyWhere stories live. Discover now