Chapter 13

113 5 0
                                    

Kinabukasan

Vinci's pov 

7am ako nagising kaya nagmadali na ako dahil baka malate pa ako at mapagalitan pa ni sir Reyster. 

Naligo na ako at nag toothbrush na at sa sobrang pagmamadali ko ay hindi na ako kumain para hindi na ako matagalan pa. Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na, nakadikit sa uniform ko ang sticky note ng color code ng bawat uniform. Tuesday ngayon so green na polo and dark green na pants ang laman ng plastic. Spinrayan ko muna ng cologne kasi hindi ko ito nalabhan dahil kahapon lang binigay sakin 'to. Pagkasuot ko nito ay kinuha ko na mga gamit ko at umalis na.

////////

7:25 ulit ako nakarating sa office kaya umakyat na ako papunta sa office ni sir Reyster. Pagkabukas ko ng pintuan ay napansin ko na wala pa sya pero pumasok pa rin ako at nilapag lahat ng gamit ko sa table ko. Inopen ko na din ung pc para madali nalang sa akin pag kinailangan ito. 

8:30 na ng umaga pero hanggang ngayon ay wala pa si sir Reyster, asan kaya sya? Sinubukan ko i-check ung ig ko kasi baka nagchat sya dun pero walang ni-isang chat, dahil wala akong magawa, nag backread nalang ako ng convo namin ni sir Reyster kagabi bago matulog, sa totoo lang kinikilig ako sa mga pag uusap namin. Hindi ko alam kung bakit dahil wala naman ginagawa si sir Reyster. Andun ako ngayon sa table ko at habang binabasa ung convo namin ay hindi ko namamalayan ay nakangiti na ako mag isa dun. Ilang minuto pa ay nagulat ako dahil may biglang nagsalita na lalaki. 

"Ano nginingiti-ngiti mo dyan?"

"S-sir"

"Sorry I'm late, may emergency lang."

"Kanina ka pa ba nagiintay?"

"Hindi naman po masyado" sabi ko nalang dahil baka mapagalitan pa ako dahil kanina pa ako nag hihintay dito pero wala akong ginawa

"Sige mag file ka nalang ulit dyan. May meeting pala tayo mamaya 4pm for sales check, kailangan ka dun mamaya, and paki ayos nalang ng schedule ko kasi kailangan ko umalis ng maaga." 

"Sige po sir"

"Thank you"

////

Reyster's pov

Nagising ako dahil may kumatok sa pinto ng kwarto ko at mukhang si Jiro yun

"Pasok" malumanay kong sagot

"PAPA!!" sigaw ni Jiro

"Oh bakit Jiro?"

"Si Marcus" sabi ni Jiro habang umiiyak

Napalundag ako sa kama dahil nakahiga pa ako nun

"ANO NANGYARI KAY MARCUS?!" pagpapanic ko

Tumakbo kami ni Jiro sa kwarto ni Marcus at nakita ko ang dugo sa tissue na hawak nya at may dugo din ang ilong nya. 

"Marcus anong nangyare sayo?!" 

"Pupuntahan ko na sana sya kasi tulog pa sya pero pagkabukas ko ng pinto may dugo ung ilong nya" sabi ni Jiro habang umiiyak

"Takbuhin mo si kuya Gelo ihanda nya na kamo ang sasakyan"

Agad na tumakbo si Jiro at ako ay nandun sa tabi ni Marcus dahil pinapakalma ko sya dahil umiiyak na sya

"Marcus inom ka muna ng tubig na malamig"

"Asan tubig mo?

Agad na tinuro sakin ni Marcus ung tubig nya. Alam ko na malamig ang tubig nya dahil laging malamig ang tubig na iniinom nya kahit saan man sya mapunta gusto nya na malamig ang tubig nya. Kaya kinuha ko na ung tubig nya at pina inom sya. Ilang sandali pa ay dumating si Jiro kasama si Kuya Gelo ung driver namin kaya binuhat ko na si Marcus papunta sa sasakyan at pumunta na ng ospital. 

/// 

Pagdating ng ospital

Pagdating namin ng ospital ay nanghingi agad ako ng tulong sa mga doctor at buti nalang ay may kaibigan ako sa ospital na yun kaya dinala na agad si Marcus sa ER para ma check sya. 

"Oh Reyster, ano nangyari kay Marcus?"

"Drei tulong, nagising nalang ako sabi ni Jiro dumudugo na ung ilong nya"

"Dalhin mo dun sa ER, checheck ko sya"

"Okay lang si Marcus pre, normal lang na dumugo ung ilong pero in Marcus' case okay lang  talaga sya baka suminghot lang sya ng sobrang diin kaya na irritate ung nose nya"

"Sige pre thank you, may procedures pa ba na kailangan gawin?"

"Natural, joke haha, kukunan nalang namin ng dugo si Marcus to do some tests para macheck nalang din sya"

Takot si Marcus sa mga injection pero dahil malapit si Marcus kay Drei ay siguradong hindi sya matatakot. Kailangan ko na din pumunta ng office dahil may meeting pa ako ng 4pm for sales check.

"Sige pre ikaw na bahala, iwan ko na sayo sila Marcus saka si Jiro, andyan naman si Kuya Gelo para ihatid sila sa bahay pag pwede na si Marcus umuwi, salamat"

"NANETO ANO KA, HOY REYSTER SA TAGAL NATING MAGKAKILALA SA TINGIN MO HINDI KO ALAM NA TAKOT SI MARCUS SA INJECTION?!"

"kaya mo na yan, saka malapit naman sayo si Marcus eh, kakalma yan, buti pa nga si Marcus kalmado lang eh ikaw?"

"tama ng ebas mamaya umiyak pa yan si Marcus mahihirapan ka talaga nyan" sabi ko kay Drei sabay tingin sa orasan ko, 8 na pala late na ako, baka andun na si Vinci nag iintay sakin

"IKAW REYSTER HILIG MOKONG IPAMUKHA SA ANAK MO, AKO BA TATAY NITO??"

"kaya mo na yan, sige na bye salamat!" sabi ko habang tumatakbo dahil baka sundan pako ni Drei

"HOY REYSTER PAK-"

"YOU!!" huling sabi ni Drei

////

Pagdating ko ng office ko ay nakita ko si Vinci na nakatingin sa phone nya at mukhang masaya. Di naman siguro sya delulu 'no?

Sa totoo lang pag nakikita ko si Vinci kahit na may problema ako ay sa tuwing dumadaan sya ay napapasaya ako. Siguro may gusto ako sa kanya, hindi ko maintindihan sarili ko sa tuwing andyan sya sakin.

"Ano nginingiti-ngiti mo dyan?"

"S-sir"

"Sorry I'm late, may emergency lang."

"Kanina ka pa ba nagiintay?"

"Hindi naman po masyado" sabi ko nalang dahil baka mapagalitan pa ako dahil kanina pa ako nag hihintay dito pero wala akong ginawa

"Sige mag file ka nalang ulit dyan. May meeting pala tayo mamaya 4pm for sales check, kailangan ka dun mamaya, and paki ayos nalang ng schedule ko kasi kailangan ko umalis ng maaga."

"Sige po sir"

"Thank you"

After namin mag usap ay pumunta na ako sa table ko dahil sigurado marami ng emails at trabaho dito.


Love You EndlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon