Chapter 31

19 1 11
                                    

Winston's pov

Inhale. Exhale. Kaya mo 'to Ton. Tropa mo si Mia matagal na. Date lang 'to. Ano ka ba. Wag ka ngang torpe.

Nakita ko ang isang babaeng palabas ng airport na naka suot ng flight attendant na uniform kaya napa-baba ako sa sasakyan ko.

"Mia!"

"Hoyy anong ginagawa mo ditong lalaki ka? Sabi ko magkita nalang tayo ah"

"Ayaw mo nun sinundo na kita? Choosy ka pa andito na nga bestfriend mo." Right. Bestfriend.

"Yieee ikaw talaga para kang tanga, hoy wag mo na uulitin ah"

"Bakit? May makakakita ba?" 

"Wala naman, nakakahiya lang baka nakaka istorbo ako sayo."

Nilagay ko ung kamay ko sa ulo nya, di naman siguro awkward 'to 'no?

"Walang nakakahiya basta para sayo partz."

"Halika na nga" sinuntok nya ng mahina ung tyan ko. 

"Aray."

"Wag kang oa, dun ka sa far away." 

Pumasok sya sa shotgun seat at binuhat ko ung maliit na luggage nya sa likod.

"Sooo, kamusta flight galing Korea, at anong pasalubong ko?"

"Ano ka, special?" pambabara nya habang may dinudukot sya sa likod.

"Oh, eto." nilabas nya ang isang paper bag at binigay sa akin. Punong-puno ng skin care products. 

"Dahil maalaga ka sa mukha mo, ayan. Gamitin mo yang mga yan kahit walang effect. Atleast may effort. Libreng mangarap" tinapik nya ang balikat ko.

"Pasmado bunganga mo ah, nakarating ka lang sa dream country ko." 

Pasalamat ka't mahal kita. 

"Tara na nga. San tayo kakain? Libre mo? May pera ka ba?"

"Hoy, may ari ng isang mamahaling sedan walang pera?"

"Oh edi ano nalang. Kuripot ka ba?"

"puta, uwi nalang tayo, libre sana kita ng favorite mong restaurant kaso tinatarantado mo'ko eh. Wag nalang."

"Hoy joke lang eto naman sineseryoso, alam mo namang punong-puno ng kaemehan bunganga ko seseryosohin mo."

"Oh edi tara. Magseatbelt kana."

__________________________________________

Kinagabihan, pumunta ako sa may beachfront at nagisip-isip sandali. I felt sir Reyster's presence behind me kaya naupo muna ako. 

"Gising ka pa?"

"Di po ako makatulog eh."

"Gusto mo maglakad lakad muna?"

"Sige po."

"Sir?"

"Hmm?" I looked at him habang nakapikit sya. Pinapakiramdaman ang simoy ng hangin.

"Diba po nililigawan nyo ko?"

Napalingon sya at nanliwanag mga mata nya.

"Uhm, eh hindi ba't may jowa kana?"

"Ako? May jowa?"

"Eh, may anak po kayo eh. Sino po nanay ng mga bata?"

Napatingin sya sa baba, pinaglalaruan ang kuko nya. 

"Hindi ko tunay na anak sina Jiro't Marcus."

Nagulat ako, pero, bakit syang tinatawag na papa ng mga bata?

"Namatay magulang nila sa aksidente 5 years ago. Tito nila ako. Ung mama nila ung ate ko. Pauwi kami ng Manila galing Nueva Ecija nang mabangga kami ng isang dump truck sa may Valenzuela. Muntik pang mawala si Marcus. Kinuha sya ng isang taong hindi namin makilala hanggang ngayon. Good thing sa isang orphanage sya sa Parañaque dinala. Kaya nakuha ko sya, pero ung taong sumagip sa kanya hindi ko pa nakikilala. Kung hindi dahil sa kanya siguro wala na si Marcus. Nagleak ung gas ng sasakyan namin. Nagawa ko pang makalabas pero sumabog ung sasakyan paglabas ko." mangiyak-ngiyak na nagpaliwanag si sir Reyster, hindi ako makapaniwala sa nangyari sa kanya. 

Pero.. 5 years ago, sa may Valenzuela din. May nakita akong aksidente, isang batang umiiyak sa ulan. Dinala ko sya sa St. Rita sa Parañaque. Hindi kaya.. Si Marcus ung batang nailigtas ko?

                                                                           ───── ⋆⋅☆⋅⋆ ─────

 hello, readerss!! sorry for the much delay, schoolworks and club works just really piled up          and I got more focused on Heart's Betrayal. But, Chapter 31, released! enjoy!! 

                                                              ┍━━━━━━━━»•» 🌸 «•«━┑

love, mikha.

Love You EndlesslyWhere stories live. Discover now