Chapter 29

55 1 0
                                    

Vinci's pov

Pagkadating sa bahay, sinalubong ako ni tita Kira. Noon pa man, naging close na ako kay tita. Sya ang nag-alaga sakin noong bata ako at tuwing nasa trabaho si papa. Si mama kasi, laging wala. Kaya nasanay nalang ako na sa tuwing umuuwi ako dito sa Batangas si tita lang ang laging sumasalubong sakin kasi si mama, busy sa trabaho. Syempre flight attendant. May mga shifting. Saka sa Clark pa naka assign si mama kaya nakakapagod ding bumiyahe kaya iniintindi ko nalang sya.

"Tita!!"

"Nakuuuu Vinci!" salubong sa'kin ni tita sabay yakap nya sakin ng mahigpit.

"Oh kumain ka na ba?" 

"Di pa nga po eh" 

"Sige na pasok ka na dun nagluto ako para sayo." 

"Hihi sige po, thank you tita"

Pagkapasok ko sa bahay. Una kong nakita si mama na lumabas ng kwarto habang nag aayos para pumasok sa trabaho.

"Ma."

"Oh. Vinci umuwi ka pala. Di ka nagsabi"

"Wala naman pong magbabago." bulong ko sa sarili ko.

"A-ano yun nak?"

"Ah wala po. Uhm may flight po kayo?"

"Wala naman nak, babalik lang ako ng Clark ngayon kasi airport standby ako. Saka may flight din ako sa Martes. Pupunta akong Korea. Anong gusto mong pasalubong nak?"

Korea? Grabe. My dream countryyy

"Kayo na po bahala." wala naman din akong maisip. Saka gusto ko ako mismo makaexperience nun dun. Bakit kaya ba iuwi ni mama ang snow?

"Sige nak alis na ako ha. Ingat ka."

"Ingat din po." tumakbo si mama palabas, syempre, nakalimutan nanaman ako kahit yakapin man lang.

Pumasok ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit at nagpahinga ng konti para magligpit ng gamit para makapunta na ako kina sir Reyster. Baka inaantay na ako ni Marcus. Pagkatapos ko magligpit tinext ko na si sir para magpasundo. Sabi nya kasi susunduin nya ako eh, share location nalang daw ako. Pero bago pa ko makapag text, naunahan nya na ako.

Sir Reyster: Ready?

Vinci: Okay na po.

Sir Reyster: Alright, maybe 15 minutes.

Vinci: sige po

**************

Pagkadating ni sir sa bahay namin nagbibihis ako kaya si tita ang nagbukas.

"Vinci may bisita ka."

"Opo tita palabas na po."

"Pasok ka muna iho."

"Sige po. Salamat"

"Pasensya ka na sa bahay namin ha. Medyo magulo."

"No problem po. It's fine."

Lumabas ako ng kwarto ko at nakita si sir na nakaupo sa sala.

"Sir."

"Ahm tita si Reyster po, boss ko."

"Ay, boss lang?"

"Po?" napatanong ako kay tita.

"Ah wala-wala."

"Sige po tita, mauna na po kami, di na po pala ako uuwi kasi babalik na po kami ng Manila bukas."

"Ay ganun ba? Sayang naman. Sige, ingat kayo ha."

"Babye po." yakap ko kay tita

"Tara na?"

Tumango ako at kumaway kay tita palabas ng gate.



Love You EndlesslyWhere stories live. Discover now