Chapter 30

50 1 5
                                    

Hi, Anchors!! It's been a while since I've updated this story. Medyo busy lang sa schoolworks and club activities, anyways, Chapter 30!! Enjoy!!

***********

Grabe. Ang ganda dito. Pagdating palang namin rinig na rinig ko na agad ung mga alon. May mga nag ji-jet ski na at iba pang water activities sa beach. 

"Amin na ung gamit mo. Andun sila Marcus sa beach front, naglalaro."

Binigay ko kay sir ung gamit ko para ilagay nya sa room nila at tumakbo ako papuntang beach front, hinahanap sila Marcus.

"Kuya Vinci!!" kaway sakin ni Marcus at tumakbo palapit at yumakap sakin.

"Aww hi Marcus, enjoying Batangas?"

"YES PO!!"

"Kuya Vinci beach volleyball tayo?" aya sakin ni Jiro.

"Sige!!"

"Sali ako!!" nagulat ako at tumalikod nang makita ko si sir Reyster kaya tumakbo si Marcus.

"Daddy!!" 

"Tara Jiro." aya ko.

"Tara po"

"Kuya Vinci, you'll be daddy's partner, and I'm kuya Jiro's partner." Marcus said cutely.

"Owki Marcus" I replied while pinching his cheeks

"Sir, ako na po spiker"

"Sure."

Naglaro kami ng ilang oras at medyo sumakit na din kamay ko kaka spike at kaka recieve. Si sir Reyster naman kasi halatang di marunong. Charot. Since medyo pagod na ako at dumating si sir Jom, nagpalit muna kami at sya naka partner ni sir Reyster in the meantime. Naupo ako sa may umbrella malapit at pinanood sila at ang alon.

********

"Grabe Vinci, player ka ba ng volleyball?" tanong sakin ni sir Jom after nilang maglaro. Napansin nya daw kasi ang galing ko mag spike at attentive ako sa pagrereceive.

"Di naman po haha, nature ko lang po magvolleyball. Since high school sport na namin yun ng friends ko pag uwian."

"Kaya naman pala magaling, etong si Reyster parang shunga eh. Habol lang ng bola ung alam. Pati service, minsan mababa pa 😭😭"

"hala nagsalita ung tinamaan ng bola ni Jiro kanina." pambabara ni sir Reyster.

"Weh po? Tinamaan ni Jiro si sir Jom ng bola??" tanong ko na pinipigilang tumawa.

"Hehe, grabe po kasi ung pag spike ko kanina ng bola, natamaan po si tito Jom." sagot ni Jiro habang naka peace sign kay sir Jom."

"Kala ko iiyak si Jom eh" pambabara ulit ni sir Reyster dahilan para matawa ako. 

"Grabi kana."

Uminom ulit kami ng tubig at napansin kong may binulong si Jiro kay sir Reyster.

"Uhm, Vinci gusto mo ba ng inumin?"

"Sige po."

"Tara."

"Hoy pukingina nyo, ano kayong dalawa lang iinom?"

"Balakajan, kanina mo pa ko binabara eh, bumili ka mag-isa mo."

"Ul*l 😭😭"


Love You EndlesslyМесто, где живут истории. Откройте их для себя