Kabanata 12

12.4K 390 316
                                    

Serenity Hiraya

Ngayon ko lang na-realize na ibang-iba pala talaga ang Senior High kumpara sa Junior High. Unang dalawang linggo pa lang ng second quarter ay halos hindi ko na alam kung anong subject ang uunahin ko dahil sabay-sabay silang nagbagsak ng gawain. Literal na hinahanda kami para sa college.

Hindi ko na rin halos makausap ang mga kaibigan ko lalo na kapag hindi tungkol sa academics ang topic namin. Parang ang buong laman na nga lang ng gc ay pagtatanong tungkol sa assignment or sa kung anong mga ipapasa para sa araw na iyon.

I've also had a lot on my plate right now kasi lagi akong leader sa mga group activities tapos kailangan ko pang mag-review para sa quiz bee.

Aaminin ko na magaling magturo si Alvarez. Isang beses niya lang kasi kailangan ipaliwanag sa akin ang topic tapos ma-gegets ko agad. Ayos naman sa akin kung biology at earth science ang topic, kaso kapag chem at physics na ay parang pinipiga ang utak ko sa hirap.

Sinisigurado naming hindi lang kami sa isang branch ng Science mag-fofocus dahil baka may topics kamina hindi masama tapos hindi kami makakasagot pagdating ng quiz bee.

Ngayon ay nasa coffee shop kami pagkatapos ng klase. Wala namang problema kung gabihin kami parehas dahil iisa lang naman ang inuuwian namin. Nagkasundo rin kaming dalawa na huwag sa unit mag-review dahil baka hindi kami makapag-focus kasi maraming distractions katulad ng higaan at television.

However, even without those, I'm still distracted by my thoughts.

Am I having a crush on him or am I just fascinated by the fact that he plays guitar?

"I bought you a matcha latte."

I looked up from my notebook when he placed a drink on the table. He also brought a cup of coffee for himself before sitting in front of me.

"T–Thank you." I cleared my throat when I noticed that I was stuttering. "Bayaran ko na lang mamaya."

"No need," he answered before opening his notebook. "Libre ko."

I tried my best to show a straight face despite my racing heart beat. I cannot even comprehend what I am reading!

Tapos, nakikita ko pa 'yung itsura niya sa tuwing pipikit ako. Hanggang sa bawat pahina ng libro ay nakikita ko ang structure ng mukha niya. Hindi lang 'yon, paulit-ulit ding nagp-play sa utak ko ang pagtugtog niya ng gitara nung nakaraan.

What the hell, baliw na ba ako?

Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili at makapag focus sa pag-rereview. Gladly, gano'n din ang ginagawa niya.

We will read our materials for 15 minutes, then share our thoughts and learnings with each other before answering the sample quizzes we can find on the internet.

"How about this? Look," I called his attention. I was facing my laptop, browsing on the reviewers we could use.

Itinuro ko sa kanya ang screen ng laptop ko habang nakaharap pa rin ito sa akin.

"Let me see."

"Ikaw ang lumapit, ikaw na nga lang makikitingin, e," I said, my sole purpose was to tease him.

Rinig kong padabog siyang tumayo at lumakad papunta sa side ko. Malaki ang ngiti ko dahil nagawa ko siyang asarin. Pero, biglang umatras ang tuwa ko at napalitan ng kaba nang makalapit siya sa akin.

He was behind me, I can feel his body pressing on the chair that I was sitting on. To make it worse, he placed his hand on the table while the other one replaced my fingers on the trackpad.

Amidst The Vying PsychesWhere stories live. Discover now