Kenji Steven
I was in 4th grade when I had my first heartbreak. Not because of puppy love or silly crushes... it was more than that. The instrument which I considered as my salvation, my best friend, my soulmate, and the one thing I truly love was a wreck in front of me; I was a broken boy.
"Tita Mia..." I cried to my aunt when she entered the front door. She was dumbfounded when she saw me running to her arms while my mother stood in front of her whilst holding the broken piece of my guitar.
"Mariel! What did you do?!" She asked my mother.
Hindi siya sinagot ni mama bagkus ay tumingin ito sa akin.
"How many times do I have to tell you that music is forbidden in my house! Hindi ka ba nakakaintindi?"
Agad akong itinago ni tita sa likod niya. "Calm down! He's a child!" Humarap siya sa akin bago ako inutusang umakyat sa aking kwarto.
When I refused, my mother hit the floor using my guitar once again making me cry louder. I watched the strings fall to the floor like how my tears cascade my cheeks.
Sa galit na nararamdaman ko ay lumabas ako ng bahay at nagtago sa likod ng pinto. Umupo ako sa gilid habang pinakikinggan mag-away ang aking ina at ang tita ko.
"Ano bang nangyayari sa'yo, Mariel?"
"Ate kasi..." I heard my mother's voice break. "I cannot let Steven do anything related to music. Hindi pwedeng magaya siya sa tatay niya."
"What's wrong with that?"
"Everything is wrong!" She shouted. "I kept seeing him! Ate, bumabalik 'yung sakit ng pag-iwan niya sa amin! He left me alone with a child to raise knowing damn well that it's not my dream! I should've been in the states, being a damn good lawyer!"
Of course, I am not dumb. I've been on the top of my class since kindergarten, I knew what my mother meant.
Pakiramdam niya ay isa lang akong responsibilidad. Dahil sa akin ay hindi natuloy ang pangarap niyang maging abogado sa ibang bansa.
She was putting all the blame on my father, too. She kept on telling me that she should've not married him if he won't keep his promises.
Tumakbo ako palayo sa bahay namin. Gusto kong lumayo dahil masakit ang puso ko.
Sa labo ng tingin ko ay hindi ko napansin ang malaking bato sa harap ko na naging sanhi ng pagkadapa ko.
"Oh, tanga!" Ang boses na iyon ay sinabayan ng malakas na pagtawa.
Tumingala ako at nakita ko ang isang bata na may hawak na gitara. Nakasuot siya ng checkered long sleeves at itim na pantalon na pinatungan ng itim na boots. Kulay gintong kayumanggi ang mata niya na umagaw ng atensyon ko.
"Ang bobo mo naman. Hindi ka ba tumingin sa dinadaanan mo?" Nang-aasar niyang tanong bago binitawan ang gitara at tumawa ulit.
Nagulat siya nang umiyak ako. Alerto siyang lumapit sa akin bago ako tinulungang tumayo. Pinagpag niya pa ang damit ko at inihipan ang sugat ko sa tuhod.
"Hala, joke lang. Huwag ka ng umiyak, malalagot ako kay tatay..."
Kahit anong pagpapakalma niya ay hindi tumalab sa akin, hanggang sa magdesisyon siyang magpatugtog sa harap ko.
Maliit lang ang gitara na dala niya na sakto lang sa laki niya. Nagpatugtog siya ng tono na pamilyar sa akin na agad nagpatigil ng iyak ko.
"Huwag ka na umiyak, ha? Sorry kung tinawag kitang tanga... totoo naman kasi..." mahina niyang sabi bago inilahad ang kanyang kamay. "Ako nga pala si Cameron Miguel, pero Cam na lang tawag mo sa akin. Huwag mo akong tawaging Miguel or Migo kasi ayoko no'n, e."
BINABASA MO ANG
Amidst The Vying Psyches
RomanceCassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failure" and how it feels to be the second best. With this, she accepted the deal with her grandmother to...