Kabanata 19

12.2K 380 154
                                    

Serenity Hiraya

Magkasabay kaming bumalik ni Alvarez sa gym. Bahagya akong nakayuko dahil kapag dumadaan kami ay lumlingon ang ulo ng iba sa amin. Lalo pa dahil halos parehas kami ng jersey na suot.

Nang marinig namin ang pagpito ay patakbo kaming pumasok sa loob ng gym para makaabot siya. Pagdating namin ay siya na lang ang hinihitay para makapagsimula na. Humiwalay ako sa kanya para pumunta sa bleachers ng section namin nang may tumawag sa kanya.

"Alvarez!" Sigaw ng pamilyar na boses, kaklase ko yata.

Unconsciously, lumingon din ako para kumpirmahin kung sino ang sumigaw.

Nang magtama ang mata namin nung sumigaw ay sumipol siya nang malakas.

"'Yun, oh! Dalawa na silang Alvarez! Lakas talaga ng tropa ko!"

Nanlaki ang mata ko at nag-init ang pisngi nang marealize kong tinawag niya talaga si Alvarez on purpose dahil nakasuot din ako ng jersey nito.

Mababa ang ulo kong bumalik sa pwesto na katabi si Violet. Sinalubong ako nito ng malakas na hampas sa braso.

"Shuta ka! Alvarez ka na rin?!" She exclaimed. "OMG, Bakit suot mo na 'yang jersey ni Steven?"

"Natapunan ako ng tubig, wala akong pamalit kanina. Siya naman nag volunteer na pahiramin ako ng jersey niya kasi 'yun lang daw ang extra niya."

Mabuti na lang ay maingay talaga sa gym kung hindi ay pinagtitinginan na kami dahil sa lakas ng tili niya matapos niyang marinig ang paliwanag ko.

"OH MY GOODNESS! Sinagot mo na ba?"

"Hindi pa," sagot ko sa maliit na boses.

"Pa?!" Malakas na tanong niya, hindi makapaniwala. "Ibig sabihin sasagutin mo siya? AAAAA! Kailan? OMG, excited na ako! Akala ko ba 'di mo siya jojowain kasi 'ew' and rivals kayo?" She asked and quoted in the air.

"E, I like him kasi," matapang na sagot ko.

"AAAAA OMG! Steven, gusto ka raw rin raw—hmpp!" Hindi natuloy ang sinasabi niya dahil agad kong tinakpan ang kanyang bibig.

"Huwag ka maingay! Nakakahiya!"

She giggled, obviously amused by how I reacted.

"Ang cute-cute niyo! Ako talaga ang number one shipper niyo. Huwag kayo mag-break, ha!"

Hindi ko na siya pinansin dahil nagsimula na ang laro. Magkalaban ang HUMSS A at B. Kung sino ang mananalo sa kanila mamaya ay siyang kalalabanin ng HUMSS C.

We would scream every time our section had a score. Most of the time, it's either MJ or Alvarez who's always shooting the ball. It is an advantage because they are taller than other players.

However, I noticed that instead of glaring at the opposing side, Alvarez would always look at Francisco and would sometimes get the ball from him. I could feel the tension between them more than the tension between the two teams.

Mukhang mas kalaban pa ni Alvarez si Jason kaysa sa kabilang section.

"GO, ALVAREZ!"

My brow automatically raised when I heard a girl's voice coming from our side. Beside our section was HUMSS B and Angelica's voice automatically caught my attention.

"Hala, papansin talaga siya. 'Di ba sa B 'yan? Bakit si Steb ang chinicheer niya? Traydor sa section," bulong sa akin ni Violet na nasa kanan ko na.

Sa kaliwa ko ay hindi na galing sa section namin, bagkus ay isang estudyante na sa HUMSS B. Dalawang estudyante lang ang pagitan namin nung Angelica. Mga kaibigan niya yata dahil naririnig kong ini-encourage nila 'yung isa na i-cheer si Alvarez. Mas malakas pa ang palakpak nila kapag si Alvarez ang nakaka-shoot kaysa sa kapag section nila ang nakak-score.

Amidst The Vying PsychesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon