Kabanata 16

11.8K 472 339
                                    

Serenity Hiraya

Pagkatapos ng nakakapagod na linggo na puro pagpasa ng mga gawain at pagsasagawa ng mga performance task ay nakahinga kami nang maluwag. Konting review na lang para sa finals week tapos tapos na ang first semester.

Pagpasok ni sir sa room ay kanya-kanyang ayos kami ng upo sa pwesto namin. Alphabetically arranged ulit ang upuan katulad nung midterms kaya ang nasa kanan ko ay si Alvarez.

"Good morning, everyone..." pambungad na bati ni sir. "Before you take your finals, I have a quick announcement to make."

Nagbulong-bulungan ang mga kaklase ko. Mayroon na rin kasing kumakalat na kwento galing sa student councils pero syempre hindi pa rin namin sigurado.

"Magkakaroon ang buong senior high department ng halloween camping. The faculty teachers and the president's office already signed the memo and approved the proposals of your student councils. They are the ones who suggested a different course to take this year instead of our usual halloween party."

"Sir, magkano bayad?"

"Sir, kailan po?"

"Saan 'yan, sir?"

Sunod-sunod ang tanong ng mga kaklase ko na nagpatawa kay Mr. Enriquez.

"Easy lang kayo. I'll distribute the parental consent first. Nandyan lahat ng details na kailangan niyong malaman."

At dahil nasa harap ako ay isa ako sa mga unang nabigyan para ipasa sa likod.

"Sir, lahat po ng strand 'yan, 'di ba?" Excited na tanong ni Violet. "Kasama STEM?"

"Of course, Marquez. Pero ang pagpunta sa destination at camp ay gagawin by section. Sa gusto niyo man o hindi ay hindi kayo pwedeng sumama sa ibang section or strand."

Bumagsak ang balikat ni Vi dahil sa sagot ni sir sa kanya. For sure, she's sad na hindi niya makikita si Iñigo.

Bumaba ang tingin ko sa consent form. Sa Tagaytay pala gagawin ang camping. Ang sole purpose ng camping ay para makapag-unwind kaming mga students after ng finals examination. Also, magkakaroon din kami ng lessons tungkol sa outdoor recreational activities at paano mag-camping nang maayos.

Three thousand per head ang bayad na para lang sa gagamitin ng transpo at camping equipment. The rest ay manggagaling sa school, donations ng president at parents, and sa extra funds ng student council.

"You're going?"

Napalingon ako kay Alvarez nang marinig ko ang tanong niya.

I shrugged. "I'm not sure. You know I hate crowded places and would rather choose to stay at home."

"Sama ka."

"Bakit?" I asked.

"Baka ma-bored ako kapag wala ka."

I rolled my eyes at him. Diyan talaga siya magaling.

"So ano? Gusto mo lang na sumama ako para may ma-bully ka?"

"Who said I'm bullying you? Bahala ka nga kung sasama ka or hindi," sagot niya sa akin bago ako tinalikuran.

Nagsimula kaming mag-exam. Hindi ako nahirapan ngayong finals dahil ni-review naman kami ng mga teachers at nag-review rin ako on my own.

Ilang oras ang tinagal ng exam bago kami pinayagang lumabas. Sabay kami nila Violet na kumain ng lunch habang kinukwento ko sa kanya ang sinabi ni Alvarez.

"Wala na talagang pag-asa ang love life ko kaya sa inyong dalawa na lang ako kikiligin."

Umiwas ako ng tingin.

Amidst The Vying PsychesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon