Kabanata 15

11.6K 413 531
                                    

Serenity Hiraya

Nanlaki ang mata ko nang marinig ang sinabi niya. Dali-dali akong lumingon sa kanya dahil baka nagkamali lang ako ng pagkakarinig.

"H-huh?"

Itinuro niya 'yung poste. "'Yon sabi ko. Maganda."

Tinitigan ko ang poste ng ilaw. The light was pretty, indeed. Pero bakit poste 'yung tinuro niya?

"Nagagandahan ka sa poste?" Natatawang tanong ko.

He looked at me and smirked. "Gano'n talaga kapag artistic. You look at simple things and appreciate the art."

I rolled my eyes. Ang dami niyang alam. Bakit ba ako sumama sa kanya?

"Okay ka na?" Tanong niya matapos ang ilang minuto.

I nodded. "Thank you."

"It's nothing." He laughed. "Sana ako naman malibre next time."

I chuckled also. I didn't know he had a side like this.

Nang bumalik kami sa unit ay mas magaan na ang pakiramdam ko compared sa kanina. Pabagsak akong humiga sa kama ko. Pakiramdam ko ay sobrang pagod ako at ang sakit ng mata ko.

Kaso, kahit anong pagod ko ay hindi nawala sa isip ko si Alvarez. Magkakasakit yata ako kapag pipilitin kong burahin siya sa memorya ko.

Pagdating ng Lunes ay inasikaso ang paper namin para maayos ko siyang mapasa ngayong araw. Hindi ko rin kasi kakayaning makakuha ng 75.

I was the one who arrived first in our classroom, followed by Violet. When our eyes met, she quickly averted her gaze before sitting beside Marcus' chair. That hurted me in some way but I decided to take a deep breath.

Kaya mo 'yan, Hiraya.

After contemplating my decisions, I decided to approach her.

"Vi..."

Sumagot siya sa akin pero hindi nag-angat ng tingin.

"Vi, can we talk?" Pag-ulit ko.

Hindi siya nagsalita at basta na lang sumunod sa akin sa labas bago kami umupo sa gilid ng hallway.

"Violet... I'm sorry. I'm sorry for blaming you and for not admitting my mistakes."

Matapos ang ilang minuto ay sumagot siya, "huwag ka lang sa akin mag sorry, sa mga ka grupo rin natin."

"I-I know, pero sa'yo muna. Not only did I do that, I also shouted at you. I apologize for my behavior. It was my honest mistake, sorry."

Huminga siya nang malalim. "I'm sorry rin kasi nadala ako ng emosyon ko. I really wanted to understand your reasons, Raya. I'm trying."

Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik sa aking dibdib dahil sa sinabi niya. Hindi ko napigilang yakapin siya at umiyak sa kanyang balikat.

"I'm really sorry, Vi. I know my mistakes now and I'm willing to improve myself."

"Hey, it's okay. I appreciate you apologizing. Alam kong hindi ka nag sosorry kaya malaking bagay sa akin ito. Isa pa, may kasalanan din naman kami kaya gusto ko rin humingi ng sorry..." she soothe my back. "Sorry, beh."

I laughed when she called me that. I dried my tears before telling her everything. My reasons behind my actions.

Nang matapos akong magkwento, siya naman ang umiyak. Mukha kaming tanga na umiiyak at tumatawa sa dulo ng corridor.

"OMG, h-hala. N-naguguilty na ako kasi I judged you too quickly," umiiyak na sabi niya. "S–Sorry HUHUHU."

"It's fine, hindi mo naman alam."

Amidst The Vying PsychesWhere stories live. Discover now