Kabanata 13

11.4K 353 62
                                    

Serenity Hiraya

I shut the door quickly before resting my back on the wood surface. I mentally face palmed as I heard them bickering outside my room.

"Aray ko, puta! Paa ko 'yan!" Rinig kong sigaw ni Alvarez bago ako makarinig ng parang nahulog.

"Gago kasi 'yung gitara ko mahuhulog!" Sigaw nung isa at maya-maya lang ay nakarinig na ako ng kalampag ng gitara. "AAAHH!" Matinis na tili ni Cameron.

Wow, I never thought I could hear him reach a note that high.

Nang makahinga ako nang malalim ay muli kong binuksan ang pinto. Nakasuot na ang salamin sa mata ko at mas maayos na rin ang buhok ko compared kanina. Kaya lang, hindi pa rin ako nakakapag hilamos dahil nasa labas ng kuwarto ko ang C.R. namin.

Naabutan kong nakasalampak si Cameron sa lapag habang tila hinehele ang gitara niya. Si Alvarez na nasa likod niya ay nakaupo sa couch habang may hawak ding electric guitar habang isang gitara rin ang hawak ni Josiah.

Bakit ang daming gitara?

"Uy, Raya! Good morning!" Malaki ang ngiti ni Cameron sa akin. "Kumusta tulog mo?"

I rolled my eyes jokingly. "Anong good sa morning? E, ang ingay-ingay niyo? Istorbo sa tulog."

Dumiretso ako sa kitchen para magsalin ng tubig sa isang baso pero ramdam kong nakasunod sila ng tingin.

"Sorry, Raya. Ang sabi kasi ni Ken siya lang daw tao rito, e," sagot ni Josiah.

I looked at Alvarez, shocked. "Hindi nila alam?"

Tumayo siya at nag-iwas ng tingin. "Hindi nila alam kasi sabi mo huwag ko i-chismis kahit kanino. Now they know... kasi itong tanginang 'to..." binato niya ng throw pillow si Cameron, "pinilit talaga na rito na lang daw mag-practice."

I chuckled when I heard him cussed.

"Gago! Malay ko ba kasing may kasama ka pala rito? Matindi ka at 'yung—"

Bago niya pa matapos ang sasabihin niya ay sinubuan na siya ni Alvarez ng tinapay na hindi ko alam kung saan galing.

"You're hungry? Daldal mo na, e. Kung ano-anong pinagsasabi mo."

Nanlaki naman ang mata ni Cameron. Nilunok niya 'yung malaking tinapay bago muling ibinuka ang bibig, "ay hindi ka pa—"

"Oh, kain ka pa. Gutom ka pa yata, e." Hindi pinaglagpas ni Alvarez ang pagkakataon na 'yon upang muling subuan si Cameron ng tinapay. Parang ayaw niyang matapos 'yung sinasabi nung isa.

"Have you eaten?" Napalingon ako sa kabilang sulok nang magsalita si Iñigo. "May binili kaming tinapay."

"Thank you, mamaya na lang pagkatapos ko maghilamos." I turned my back to them before going to the bathroom.

Kahit nasa loob na ako ay naririnig ko pa rin ang usapan nila.

"Ang hina mo, par! Sabi mo nung nakaraan pagkatapos ng contest." Guess who? Syempre si Cameron.

"Shut up. It's not funny."

"Tigil na, bro. Baka hampasin ka na lang bigla niyan ni Ken ng gitara. Yari ka," natatawang kantyaw ni Josiah sa dalawa.

"Gitara niya pa gagamitin ko pag hindi niya tinikom bibig niya. Sasabihin ko pa kay Antonette kung sino crush niya."

"Ah, ganyanan pala, ha."

Paglabas ko ng C.R. ay nagtimpla agad ako ng matcha latte bago nakahingi ng tinapay nila. Habang kumakain ako ay nagp-practice sila. Napansin ko ring wala 'yung keyboard ni Josiah kaya siya ang isa sa nag gigitara. Bali, si Iñigo lang ang naiiba ang instruments.

Amidst The Vying PsychesWhere stories live. Discover now