Chapter 3: Beg For It

375K 16.8K 3.2K
                                    

Chapter 3: Beg For It

Kung pwede lang hindi pumasok. Kung pwede lang manatili nalang sa bahay at magpahinga. Pakiramdam ko pagod na pagod ako. Alas sais na ng gabi pero nasa Library parin ako at naglilinis. Kasama ito sa trabaho ko bilang isang scholar. Sini-swelduhan ako para dito.

Kailangan ko ding puntahan si Elyse. Pero matutulog muna siguro ako sa apartment. Tapos dederecho na ako sa Hospital. Napa-paused ako sa pagma-mop ng sahig at pinagmasdan ang kailangan kong tapusin. Hindi pa ako nakaka-kalahati. Kailangan kong bilisan.

Nagpatuloy ako sa paglilinis. Maliban sa ilang mga Law students na pang gabi ang klase, wala ng iba pang tao dito. Napahawak ako sa noo ko. Naalala ko ang nangyari kanina sa Rowage.

Ilang beses akong tinanong nila Justin kung okay lang ako. Noong una halos magdalawang isip sila na lapitan ako at kausapin. Alam kong na-wirduhan sila at natakot sa naging reaction ko. Para akong nasusunog kapag nagiging malapit ako sa taong yon. Pero ngayon lang ako nakaramdam ng ganito katindi mula noong gabing yon walong buwan na ang nakararaan.

We ended up eating on a fast food instead. Na-disappoint doon ang mga kasama ko pero nag aalala sila kaya sinamahan nila ako. Gusto nilang magtanong tungkol kay Elyse dahil yon naman talaga ang dahilan kaya nila ako sinama. Pero hindi nila nagawa. Wala akong naalala sa pinag usapan namin maliban sa pagtunganga ko sa pagkain ko.

Isang oras din ang lumipas bago ako tuluyang natapos maglinis. Nag paalam ako sa Librarian bago umuwi. Nagpalit akong muli ng normal kong damit at kinuha ang clerk uniform ko para labhan sa apartment.

Ngayon may pera na ako. Pwede na akong bumili ng magiging dinner ko. Dumaan muna ako sa isang convenient store para bumili ng kalahating dosena ng instant noodles at canned goods, tinapay at ice coffee.

Binuksan ko ang isang can ng ice coffee habang naglalakad pauwi sa apartment. Madilim na ang paligid pero wala akong kailangang ipag alala dahil nasa loob ng University belt ang mga apartments at dormitory.

My thoughts drifted to Elyse. Unti unti nang namumuo ang takot ko para sa kanyang kalagayan. She's the 13th victim. Kalahati sa mga naging biktima ay wala na sa city dahil pinagamot sa ibang lugar. Ang iba ay nasa rehab dahil akala ay nabaliw o na-drugged. Pero hindi sila mapapagaling ng kahit anong gamot. Wala silang sakit. Hindi sila nabaliw o nadrugs. Alam ko ang totoong nangyari sa kanila.

Bigla akong napahinto sa paglalakad nang maramdaman ang mga matang nakatingin sa akin. Pasimple kong linibot ang tingin sa madilim na paligid habang hawak ang plastic ng pagkain na binili ko. Walang tao. Nagmadali akong naglakad papunta sa tapat ng isang street light. Muli kong pinakiramdaman ang paligid. Nothing.

Napailing ako at nagpatuloy sa paglalakad. Hangang sa may narinig akong humalakhak. It almost sounds like a devil's laugh. Deep, smooth, warm. It's too flawless to be even allowed. Tumama ang pangin ko sa lalakeng nakatayo sa tapat ng kasunod kong street light. Nakasandal ito sa poste at naka-halukipkip. Hindi ito nakatingin sa akin pero mukhang ako ang pinagtatawanan niya.

"You can run. But you can never escape me. How many times do I have to tell you that?"

Bigla ko nalang naramdaman ang hininga niya sa tenga ko. Napakurap ako at napagtanto na wala na siya sa harap ko. Nasa tabi ko na siya! His smell envelops my senses. Sweet. Yet there's something in there that makes it smells metallic. Like rose and blood. Natigilan ako. Rose covered in blood.

"Althea Denise," Why does my name sounds so much better whenever he say it? "Already forgot what you owe me?" I can hear the amusement in his smooth, velvety voice. His presence seems lingering in my entire system. His enticing voice filling my ear.

The Devil's TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon