Chapter 15: Asylum

270K 13.4K 2.7K
                                    

Chapter 15: Asylum

Maaga akong nagising noong umagang yon. It was Sunday. Hinanda ko ang lahat ng aking kailangan. Isang paperbag na may lamang pagkain ang dala ko. Nilock ko ang gate ng apartment bago pumara ng taxi.

Lumipas ang halos isang oras bago huminto ang sasakyan. Binigay ko ang aking bayad at hindi pinansin ang pagtataka sa mukha ng driver. Pagbaba ko bumungad sa akin ang matataas na pader. Sa likod nito makikikita ang isang building. For a stranger the place may look abandoned. Gray bleak walls, bare lawn, white steel gate. Ang tanging nagbibigay kulay sa lugar ay ang mga berdeng punong nakapaligid dito.

Naglakad ako papunta sa gate. Isang guard ang nakadistino doon. Binati niya ako.

"Ikaw pala yan, Denise. Magandang umaga. Mukhang ngayon ka lang ulit napadalaw."

Simple unintentional words, but guilt churned inside my stomach. "Naging busy po ako."

Binuksan niya ang mataas na gate upang papasukin ako.  He gave me a gentle smile.

"Hindi mo naman kailangan laging mag alala. Maayos ang kalagayan niya dito."

Binigay niya sa akin ang clip-on ID. A word was printed in blood letters. VISITOR. He tipped his hat comically before motioning the building.

"Salamat."

Nang nasa bungad na ako ng building tumigil ako sa paglalakad. Inayos ko ang gusot sa aking damit. Sinilip ko ang laman na pagkain sa paperbag. Panay ang hawak ko sa laylayan ng aking damit. I did almost every delay I could think of.  My hand holding the paper bag were sweaty. Kinailangan kong huminga ng malalim bago nagpatuloy sa paglalakad.

Nasalubong ko ang ilang familiar na mukha pagpasok ko sa loob ng building. A lot of them smiled, grinning widely than normal. Someone tried to approach me, pulling my sleeves. Dalawang nakaputing nurse ang pumigil sa kanya. May bata akong nasalubong sa hallway, hinahampas ang ulo niya sa pader. Isang nurse ang lumapit upang patigilin siya. Isang luma ngunit malaking TV sa sulok ang pinapalibutan ng ilang mga matatanda. They were seated on the floor, some of them laughing and clapping their hands while watching a kiddy cartoon show.

Dumerecho ako sa mesa sa dulo ng lobby. Hinintay ko na may magtao sa information desk. Itim, puti, at berde. Tatlo lang ang kulay na madalas makikita sa lugar na ito. Black for the furniture, white for the walls and employee uniforms. Green for the potted plants situated at every corner, and for the patients wearing hospital gowns.

Bumalik ang attention ko sa information desk nang isang babae ang pumwesto dito. She was petite, young, her hair in shoulder length brown curls. She looked too exhausted too early in the morning.

"Hi!" She greeted me in a high pitch voice. "What can I do for you?"

Bago lang siya. Maybe a few weeks since she'd gotten the job. Staff behind this polished desk always change. They leave the moment they realize what they have to deal with. Binasa ko ang nakasulat sa name plate niya.

Cheska. Staff. Saint Jude Rehabilitation Center.

"Uhm, Miss?"

I didn't realize I was staring at her name for quite some time. "I'm Denise Limerick. Nandito ako para bisitahin si Anastasia Limerick."

Isang 'oh' ang nasabi niya. At least she was informed about the patients information. "Ikaw ba ang tumawag kagabi?"

"Yes."

Humarap siya sa screen ng computer. May tinatype siya dito. "Nasa garden siya ngayon, nagpapahangin. Maaari mo na siyang puntahan."

Nagpasalamat ako bago umalis. I walked through the bare lobby. Bawat pintuan sa hallway ay nakalagay ang pangalan ng ilang pasyente. The place was chaotic but at the same time enveloped by abandoned silence.

The Devil's TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon