Chapter 7: Blood Lust

323K 14.3K 2.5K
                                    

Chapter 7: Blood Lust

Noong una kong nabalitaan na nangyari din sa iba ang nangyari sa akin, alam ko na ang dahilan. Parehong pareho ang mga pangyayari. Kung paano sila tila nawala sa katinuan, kung paanong nakatitig sila pero hindi nagre-response. Alam ko ang mga bagay na yon.

I was the first victim.

Pinagmasdan ako ni Landon habang nakaupo siya sa sofa sa harap ko. His legs are crossed in a carefree, arrogant way. Mababakas ang ngisi sa labi niya na para bang natutuwa na kailangan kong alalahanin ang lahat ng yon. Ang gabi na matagal ko ng kinalimutan.

Umiwas ako sa tingin niya at nanatiling tahimik. I didn't know. I swear wala akong idea na isa siya sa kanila. Sa university, madami ang mga matang nakapaligid sa kanya. Kilala siya ng halos lahat. Madali niyang nakukuha ang attention ng mga tao, lalo na ang mga babae.

Kaya impossible na ang isang tulad niya ay may tinatagong malaking sekreto. Hindi pumasok sa isip ko na, noong gabing humingi ako ng tulong sa kanya, humingi ako ng tulong sa isang vampire.

"Come on, Denise. You're acting like I'm the one who almost killed you." He chuckled lightly.

Binigyan ko siya ng masamang tingin. Maya maya pa ay umupo siya ng maayos at naging seryoso ang kanyang mga mata.

"Kung nakisama ka lang sana, matagal na itong natapos." He stared at me displeasingly. "But you keep playing that petty game of hide and seek." He grinned. "I only play games inside the bedroom."

I nearly scoffed in front of his face. What an ass. Napangiti siya nang makita ang expression ko. But then, he stood up. "Now, let's get down to business, shall we?" Umupo siya sa likod ng hardwood desk. "May importante pa akong kailangang puntahan."

He motioned for me to sit on the chair in front of his desk. Hindi agad ako tumalima. Pero hindi mawala sa isip ko ang sinabi niya. Kung pumayag ba ako sa gusto niya noon, natapos na kaya ito? Hindi na kaya nadamay si Elyse? Umupo ako silya at pinagmasdan siya.

Up close, I can't help but notice his apparent features. Whenever I see him, the first thing I would notice is his lips, curved into a mysterious and sometimes captivating smirk, or a sly smile. It matches his penetrating gaze, as if his eyes are in their own search, sometimes accompanied by an amused flicker, as if stripping your soul and undressing you down.

"Since you already know who and what I am, I guess there's no more need for introductions."

"Wait." sinabi ko. He paused, eyebrows raised in interest. "May iba pa bang nakaka alam ng pagkatao mo sa university maliban sa akin?"

He tipped his head forward. "Good question," he mused. "Sa pagkakatanda ko, may ilang babae ang nakakaalam ng totoong pagkatao ko. Pero mukhang wala na sila sa university."

Nahalata ko ang humor sa huling sentence na sinabi niya. You filthy monster. "Ginagawa mo din yon." Hindi maitago ang galit sa boses ko. "Katulad ka din ng lalakeng yon."

He placed a finger in front of me and moved it in a side by side motion. Hindi man lamang siya natinag sa sinabi ko. "I don't stoop down to the level of a blood crazed rascal, Denise. I have my ways."

I rolled my eyes. "What? Pleasure them to death until they give in?" I immediately cringed at my choice of words.

Humalakhak siya. A deep booming laugh in a silent room. "Oh, Denise. You have no idea." Pinagmasdan niya akong mabuti habang nakapatong ang mga siko niya sa surface ng mesa. "Wanna try?"

"Fuck you."

"I would gladly."

Halos gusto ko ng tumayo mula sa silya. Sagad na sagad na ang pagkapikon ko sa usapan na ito. Huminga ako ng malalim. Tila naman nagsawa na siya sa pang aasar niya kaya muli itong sumeryoso.

The Devil's TrapWhere stories live. Discover now