kabanata 4

301 1 0
                                    

“Hayop ka, kalalaba ko lang nito kahapon, makasabi ka ng madumi ito sa paningin mo ha?” Isip ni Darryl sa kaniyang sarili. Magsasalita na sana siya ng kaniyang opinyon sa mga sinabi ni Giselle nang hatakin siya palayo ni Alex Armstrong.

Malapit silang magkaibigan noong high school pa lang sila. Nagkaroon na rin ng ilang pagkakataon kung saan nakipagaway at nagcutting classes nang magkasama. Mukhang si Alex lang ang nagiisang hindi nandidiri kay Darryl ngayong gabi.

Matapos hatakin si Darryl sa isang tabi, iniling ni Alex ang kaniyang ulo at sinabing “Bro, sinasabi ko s aiyo, isa ang tulad ni Giselle sa mga uri ng babaeng hindi natin dapat nilalapitan. Naghahanap ka ba ng sermon at kahihiyan sa ginawa mong iyong kanina?”

Hindi na nakapagsalita pa rito si Darryl at tumawa na lang nang mahina. Uminom at kumain silang lahat nang hindi namamalayan ang mabilis na paglipas ng gabi.

Maging si Giselle ay tipsy na rin kaya nang pilitin ng kaniyang mga dating kaklase, kinuha niya ang mikropono at kumanta habang dahan dahang sinisway ang kaniyang katawan. Naging mahinhin at kaakit akit ang kaniyang itsura sa mga sandaling ito na mas lalong nakapagpabighani sa mga lalaki na nasa kaniyang paligid. Napakaganda talaga ni Giselle!

Malalim na ang gabi nang magpasya silang umuwi. Hindi nakapunta sa reunion ang kanilang class teacher dahil mag bigla itong kinailangang gawin last minute kaya nagpasya silang magkaroon na lang muli ng pagkikita sa susunod na Monday.

Habang papaalis, nagkandarapa ang mga lalaki sa kanilang klase na ihatid si Giselle pauwi. Pero agad itong sumakay sa kaniyang Porsche at umalis nang makarating sa entrance na gumulat sa kanilang lahat.

“Napakaganda niya talaga.” Bulong ni Alex sa tabi ni Darryl. “Hindi na ako magtataka kung bakit mo nagawang tumabi sa kaniya kanina. Wala akong pakialam kahit mabawasan pa ng 10 taon ang aking buhay kung makakasama ko naman siya ng isang gabi.”

Nanlalamig namang tumawa rito si Darryl. “Kung ganoon, pinaplanong pumunta ni Giselle sa Platinum Corporation bukas para pumirma ng kontrata? Tamang tama,” isip ni Darryl dahil pinaplano niya ring pumunta roon bukas para tanggapin ang bago niyang posisyon bilang President ng kumpanya. Naputol ang kaniyang pagiisip nang biglang magvibrate ang kaniyang cellphone.Natawa ang kaniyang mga kaklase sa paligid nang marinig ang kaniyang ring tone. Anong era na ba ngayon para makakita ako ng isang tao na gumagamit pa rin ng Nokia?

Mabilis na sinagot ni Darryl ang tawag matapos makita ang nakadisplay na numero rito. Bago pa man siya makapagsalita, agad niyang narinig ang boses ng kaniyang biyenan na si Samantha sa kabilang linya. “Alam mo bang ngayon ang taunang reunion ng aming pamilya, Darryl? Gusto mo bang hintayin ka pa ng buong pamilya namin bago magsimula? Pumunta ka na rito ngayundin!”

Dito na napatili si Darryl, nakalimutan na niya ang tungkol sa family reunion ng mga Lyndon!

Agad siyang sumakay sa kaniyang scooter habang nasa harapan ng kaniyang mga kaklase at mabilis na umalis. Pero kahit nagawa na niyang makalayo sa mga ito, nagawa pa ring marinig ni Darryl ang boses ng mga babae niyang kaklase na tumatawa sa kaniya.

Isang Land Rover ang makikitang nakapark sa gate ng isang high end residence na matatagpuan sa Beihai City. Isang magandang babae ang makikitang nakatayo sa harapan ng sasakyan habang naiinip na tinitingnan ang kaniyang cellphone.

“Nakabalik na ako.” Sabi ng humihingal na si Darryl. Itinabi niya ang kaniyang scooter at agad na tumakbo papunta kay Lily. Nagawa niyang makita na suot ng napagaganda nitong paa ang pares ng Worship of Crystal. Mukhang nagustuhan niya ang regalong ito na kaniyang agad na isinuot para sa reunion.
Pero nanlalamig siyang tiningnan ni Lily at sinabing “Sasabihan na kita ngayon pa lang, ngayon ang taunang reunion ng mga Lyndon kaya mas maigi kung ititikom mo na lang ang bibig mo roon at ilayo ako sa kahihiyan.”

Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat(by Skykissing Wolf)Where stories live. Discover now