kabanata 92-94

377 2 0
                                    

Kabanata 92
Hindi na nakapagsalita pa si Megan sa naging reaksiyon ni Kent sa mga sinabi niyang ito. Wala na siyang nagawa kundi tahumik na iiling ang kaniyang ulo.

Tila nagbibiro namang tumawa si Skyler at sinabing “Niloloko mo yata ako Officer Castello! Pinaghirapan ko kayong dukuting tatlo kaya bakit ko sila pakakawalan para sa iyo?”

Tumingin siya kay Kent at sinabing, “Kilala kita, isa ka sa mga mayayamang spoiled brat ng Donghai City, ikaw si Kent Hough tama?”

Itinango nang husto ni Kent ang kaniyang ulo, sinubukan nitong kumbinsihin si Skyler at nagalok na, “Oo ako nga iyon! Kaya sinisiguro ko sa iyong bibigyan kita ng pabuya sa sandaling pakawalan mo ako rito! Name your price! Ibibigay ko ito nang buo sa iyo!”

Tumawa rito si Skyler at sinabing, “Hindi ka naman takot mamatay no iho? Narinig kong engaged na raw kayo ni Officer Castello tama? At ibang isang lalaki, ayaw mo bang iligtas ang iyong fiancée na maiiwan dito sa sandaling pakawalan kita?”

Napanganga rito ang hindi makapagsalitang si Kent. Napalunok siya nang husto sa sobrang pagkagulat na kaniyang naramdaman.

Hindi na niya ito pinansin at sa halip ay tumingin na lang kay Darryl, “Para magawang kumain kasama si young master Kent, siguradong isa ka rin sa mga anak ng mayaman sa Donghai City.” Hindi naintindihan ni Darryl ang ibig sabihin ni Skyler kaya wala na siyang nagawa kundi mapasimangot.

Nagpatuloy si Skyler gamit ang nakakaloko niyang ngiti, “Sige, wala kayong kinalaman sa mga nangyari sa Grandmaster Heaven Cult. At reasonable naman akong tao kaya pakakawalan ko ang isa sa inyong dalawa.”

Dito na napapigil hininga si Kent. Kalmado namang nagtanong si Darryl ng, “Ano ang ibig mong sabihin dito?”

Tumawa si Skyler at sinabing, “Madali lang ito bata. Sundin natin ang matagal niyo nang sinusunod na pamamaraan sa pagnenegosyo. Magbibid kayong dalawa para sa inyong mga buhay. Papakawalan ko ang pinakamataas na bidder. At para naman sa pinakamababang bidder… puputulan ko ito ng isa sa kaniyang mga daliri at itatapon sa loob ng isang bartolina.”

Naningkit dito si Darryl at nagisip sa kaniyang sarili na, “Grabe, marunong talagang makipaglaro ang isang ito.”

Kasabay nito ang biglang pagsasalita ni Kent ng, “Call ako rito! Magooffer ako ng 30 million!” Nasabik dito nang husto si Kent, walang pakialam siyang tumingin kay Darryl, “Isa lang nakikitirang manugang ang lalaking ito. Kaya sigurado akong hindi na niya maaabot ang kahit na 3 million na offer, paano pa kaya ang ibinigay kong offer na 30 million. Ako ang mananalo rito! At sa sandalong makawala ako ay agad kong kokontakin ang aking mga tauhan para iligtas si Megan. Siguradong maaantig ang puso nito at papayag na ring matulog kasama ko! Haha!” Tuwang tuwang inisip ni Kent.

Matapos makita kung gaano katuso si Kent, tahimik na tumawa si Darryl at sinabing “Nakahanda ang binatang ito na gawin ang lahat para lang mabuhay. Nagbigay siya ng starting bid na 30 million? Magkano nga ba ang dapat kong ibid? 50?” Noong magisip nang malalim si Darryl, hindi nito sinasadyang mapatingin kay Skyler. Napansin niya kung paano magbago ang expression sa mukha nito na gumising sa nagiisip niyang diwa.

“Teka nga muna! Dinala ako ng lalaking ito sa isang lihim na taguan ng kanilang kulto. Kaya paano niya hahayaang malaman ng kahit na sinong tao sa labas ang tungkol sa lugar na ito? Kaya kahit na magkano pa ang aking ioffer, siguradong hinding hindi niya kami pakakawalan. Kung ganoon, ano pang point ng bidding na ito? Para matuwa si Skyler?” Isip ni Darryl. Tumitig siya nang husto kay Skyler at sinabing, “Wala akong 30 million.”

Dito na natuwa anng husto si Kent na halos maihi sa kaniyang puwesto. Nagsisigaw siya ng “Nanalo ako! Nanalo ako! Haha!”

Sinenyasan ni Skyler ang kaniyang mga tauhan. Kinuha nila si Darryl at ipinatong sa isang lamesa. Puputulin na nila ang isa sa mga daliri nito nang sumigaw si Megan ng “Hindi mo ito maaaring gawin sa kaniya! Wala siyang kinalaman dito. Kung gusto mong maghiganti, ako ang pagbuntonan mo rito!”

Hindi siya pinansin ni Skyler. Nainis dito si Kent habang sumisimangot kay Megat at bumubulong ng, “Bakit ba alalang alala ka sa talunang ito? Wala siyang kahit na magkano para ipangbid dahil isa siyang walang kuwentang tao. Huwag kang magalala, agad kitang ipapahanap sa sandaling makalabas ako rito.”
Hindi naman siya sinagot ni Megan na kasalukuyan pa ring puno ng takot habang nakatingin kay Darryl.

Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat(by Skykissing Wolf)Where stories live. Discover now