kabanata 151-155

379 0 0
                                    

Kabanata 151
Hindi pinansin ni Darryl ang tawanan ng mga ito.

Binaliwala niya ito habang kinukuha ang isang walang lamang jar na gawa sa ceramic mula sa sahig. Maraming mga bote at jar ang naiwan sa loob ng kuweba. Walang kahit na sino sa kanila ang may alam kung sino ang nagiwan ng mga iyon sa lugar na ito.

Binanlawan niya ang lata, tumingin sa paligid at sinabing, “Justin, William at Kent. Hubarin ninyo ang mga pantaas sa suot niyo.”

“At bakit naman naming iyon gagawin? Nahihibang ka na ba?” sigaw ni Kent

“Kailangan ko ng apoy para gumawa ng elixit at nabasa na rin ang mga panggatong natin sa ulan kaya kailangan ko na ang mga pantaas ninyo para makagawa ng apoy.” Kalmadong sagot ni Darryl.

Sumigaw naman si Justin ng “Bakit kailangang mga damit pa namin ang kukunin mo? Bakit hindi mo nalang gamitin ang suot mo? Hindi mo ba alam na baka sipunin kami sa gusto mong ipagawa sa amin?”

Sumagot naman si Darryl ng “Sige, mas importante pala ang inyong mga pantaas kaysa sa buhay ni Nancy.”

Hayop ka!

Mabagsik na sinabi ni Kent. “Sige! Ibibigay ko na ang suot kong pangitaas sa iyo. Tingnan na lang natin ang gagawin mo sa sandaling hindi magising si Nancy mamaya.”

Tumingin ang tatlo sa isa’t isa bago simulang hubarin ang mga suot nilang pangitaas habang pinagtatawanan ng mga tao sa kanilang paligid.

Hindi nagtagal ay nakagawa na rin si Darryl ng apoy sa ilalim pinapakuluan niyang ceramic jar habang sinisimulan ang paggawa sa elixir.

Naging seryoso at maingat si Darryl sa bawat hakbang na kaniyang ginagawa.

Pinagtawanan naman siya nina William at Kent at sinabing. “Mukha na siyang tanga! Ganiyan ba niya gagawin ang elixir? Mukhang hindi makatotohanan ang pagarte niyang iyan!”

Napahawak na lang sa kaniyang tiyan si Kent habang naluluhang tumatawa kay Darryl. “Huwag ka nang magkunwari. Pangkaraniwang gumagamit ang mga manggagamot ng mga espesyal na palayok para makagawa ng isang elixir. Kaya paano mo ito magagawa gamit ang basag na ceramic jar na iyan? Nagmukha rin itong mumurahin base sa itsura nito!”

Oo nga, mukhang wala nga sa lugar ang paggamit ng isang basag na ceramic jar para gumawa ng isang elixir. Sinusubukan niya bang lokohin tayong lahat na parang isang 3 year old na bata?

“Sino ang nagsabi sa iyo na hindi ako maaaring gumamit ng ganitong klase ng ceramic jar para bumuo ng isang elixir?” Nanlalamig na sagot ni Darryl.

Ang pinakaimportanteng bahagi sa paggawa ng elixir ay ang accurate na pagsukat sa mga ingredients habang pinapanatili ang tamang init ng apoy sa ilalim ng palayok, hindi ang mga kagamitan na kinakailangan niyang gamitin para pakuluan ang mga ingredients na iyon.

Magiging madali para sa lahat na sukatin nang maayos ang mga sangkap sa paggawa ng elixir pero magiging mahirap para sa kahit na sino ang pagpapanatili ng tamang init habang ginagawa ito.

Agad na masusunog ang elixir sa sandaling masyadong maging mainit ang apoy na ginamit sa paggawa nito at hindi naman ito mabubuo sa sandaling hindi sapat ang init na matanggap nito. Ito ang pangkaraniwang pagsubok na hinaharap ng kahit na sinong master na sumusubok gumawa ng isang elixir.

Pero, hindi naging problema para kay Darryl ang pagpapanatili ng init sa paggawa ng elixir mula noong maging isa siyang cultivator dahil nagagawa na niyang kontrolin ang init ng palayok gamit ang sarili niyang internal energy na nakapagpaperpekto sa init ng ginagawa niyang elixir. Ito rin ang rason kung bakit nagagawa ni Darryl makabuo ng kahit na anong elixir gamit ang anumang lalagyan na kaniyang makikita sa paligid.

Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat(by Skykissing Wolf)Where stories live. Discover now