kabanata 101-103

365 1 0
                                    

Kabanata 101
Sa Opisina ng presidente sa Platinum Corporation.

Pagkatapos ng tatlong oras ng pagtitimpla, perpekto na niyang nabuo ang Godly Pill. Kasama ng kaniyang naging karanasan sa naunang dalawang beses ng paggawa nito, mas nasanay na si Darryl sa paggawa ng Godly Pill.

Kaya sa pagkakataong ito, nagawang makabuo ni Darryl ng limang mga pill nang sabay sabay.

Biglang nagring ang telepono ni Darryl nang tanggalin niya ang mga pills sa palayok.

Ano ang nangyayari ngayong araw, bakit walang tigil sa pagtawag ang mga tao sa kaniya?

Mga potensiyal kaya niyang customer ito na naghahanap ng Godly Pill sa kaniya?

Gaano karaming tao ba ang sinabihan ng Brandon na iyon?

Nang makita niya na isang landline ang numbero sa tawag na iyon, napakunot ng mga kilay si Darryl at agad na sinagot ang tawag.

“Hello? Si Darryl ba ito? Tumatawag kami mula sa emergency department ng Donghai City Hospital, nasa ospital namin ngayon ang mga magulang mo at kinakailangan na nilang sumailalim sa operasyon ngayundin, pumunta ka rito sa lalong madaling panahon,” sabi ng isang nagmamadaling tao sa kabilang linya ng tawag.

Huh?

Nanginig ang buong katawan ni Darryl, naisip niya na baka hindi lang siya tama ng pagkakarinig sa mga sinabi nito.

“Anong sinabi mo? Kumusta na ang mga magulang ko?” Malakas na itinanong ni Darryl.
Dito na nainis ang tao sa kabilang linya. “Ano bang sinisigaw sigaw mo riyan? Ngayon lang ako nakakita ng anak na kagaya mo. Inatake sa puso ang iyong tatay matapos magalit nang husto pero nagawa mo siyang dalhin at iwan dito nang ganoon ganoon lang. Ano ba kami sa tingin mo? Isang charity hospital? Pumunta ka na rito ngayundin!”

Matapos magsalita, agad na ibinaba nang malakas ng tao sa kabilang linya ang tawag.

Wala nang oras si Darryl para magisip pa, mabilis siyang umalis sa kaniyang opisina at mabilis na nagdrive papunta sa ospital.

...

Sa emergency hall ng City Hospital.

Nagising na ang nanay ni Darryl na si Luna.

Pero mas naging seryoso ang sitwasyon ni Daniel na nangangailangan nang operahan. Dahil hindi sila makapagbayad, inilabas nila si Daniel at itinabi sa corridor ng ospital.

“Nagmamakaawa ako sa inyo, iligtas ninyo siya.” Tumulo ang luha sa mga mata ni Luna nang walang tigil. “Hindi naman naming uutangin sa inyo ang perang pambayad sa operasyon niya, pero maaari bang iligtas niyo muna siya…”

Tatlong taon nang naninirahan sa luma nilang tirahan sa probinsya ang magasawang sina Daniel at Luna nang walang kahit na anong income. Hindi sasapat ang kanilang naipon para sa kanilang magagastos sa pagpapagamot. At sinabihan si Luna ng doctor na hindi nito maooperahan ang asawa niyang si Daniel. Mukhang wala namang pakialam dito ang iba pang mga staff ng hospital.

“Nagmamakaawa ako, iligtas niyo na muna siya, darating na rin ang pera naming maya maya.” Sabi ng lumuluhang si Luna.

Hindi na nakapagpigil pa ang isa sa mga nurse na sumimangot at nagsabing “Bakit ka umaarte nang ganito ale? SInabihan na namin kayo na hindi naming magagawang magopera nang hindi niyo nababayaran ang bill para rito.”

At matapos makita ang itsura ng magasawa, naisip ng nurse na walang pambayad ang mga ito para sa gagawing operasyon o pagpapagamot.

Nakarinig na rin ng mga ganitong klase ng pakiusap ang nurse nang ilang beses na kung san sinsabi ng mga taong kagaya ni Luna na magbabayad sila sa sandaling gumaling na ang sakit ng kanilang mga mahal sa buhay.

Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat(by Skykissing Wolf)Where stories live. Discover now