kabanata 111-115

482 4 0
                                    

Kabanata 111
“Ulitin mo nga ang mga sinabi mo?” Sabi ng galit na sales assistant “Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo? Kung hindi mo kaya, huwag kang pupunta sa isang high end na mall na kagaya nito. Alam mo nang mumurahin lang ang mga damit na suot mo pero nagawa mo pa ring magpunta rito. Paano na lang kung madumihan mo ang mga damit na nakadisplay dito? Kahit na madumihan mo pa ang mga ito, wala ka pa rin namang perang pambayad sa mga ito, sinasayang mo lang ang oras ko.”

“Oo nga, tama ang mga sinabi ng babaeng iyan.” Dagdag ng mukhang mayamang babae “Hindi madali maging isang sales assistant. Kaya kung wala kang balak na bilhin ito, huwag mo na itong sukatin. Mayroong department store na malapit dito, mas bagay at mas kaya mong bilhin ang mga damit na tinitinda roon.”

“Umalis na lang tayo.” Dahan dahang hinila ni Lily si Darryl habang bumubulong dito.

Sa totoo lang, nangaasar lang si Lily kanina noong sabihin niya iyon kay Darryl at hindi niya talaga intensiyon na pilitin si Darryl na bilhin ang dress na iyon sa kaniya.

Sinenyasan ni Darryl si Lily na tumahimik bago sumagot nang nakangiti si Darryl sa sales assistant “Hindi lang ang dress na ito ang gusto ko, bibilhin ko ang lahat ng design na mayroon ang boutique ninyo hangga’t mayroon kayong sukat na kasya sa aking asawa.”

Matapos niyang magsalita ay agad niyang itinapon ang isang bank card.

Hindi matigil sa katatawa ang shop assistant habang kinukuha ang bank card, “Sige walang problema. Tamang tama dahil kakatapos lang naming maginventory kaninang hapon. Mayroon kaming 80 na mga designs at kung bibilhin mo ang nang pagiisa ang bawat design na naririto, ang total mong mababayaran ay nasa 1,900,000 dollars. Agad akong tatawag ng pulis sa sandaling makita naming na walang sapat na laman ang bank card mong ito para mabayaran ang mga nabili mo.”

Naglakad ang shop assistant papunta sa counter habang sinasabi ang mga salitang ito. Hindi pa siya nakakakita ng isang Platinum Corporation bank card noon!

Matapos nito ay agad nilang narinig ang beep mula sa isang successful transaction. Ano? Pumasok ang transaction na ito?

1,900,000 dollars ang halaga na kaniyang binayaran pero mabilis na pumasok ang transaction na ito sa bangko?

Natigilan ang lahat sa kanilang mga nakita.

Para sa isang pangkaraniwang bank card, sa sandaling iswipe ito, isang maliit na resibo ang lalabas mula sa bank card reader na kanilang ginamit. Para naman sa mga nagmamayari ng Platinum Corporation bank card, matapos nila itong iswipe, agad na ipapakita sa computer na nasa counter ang natitirang balanse ng nasabing account.

Pero dahil sa nakatagong anggulo ng screen ng computer, ilang mga shop assistant lang ang nakakita sa laman ng card ni Darryl.

Mayroon…mayroon itong…5.8 billion dollars na laman.

Halos mawalan ng malay ang mga natitigilang shop assistant nang makita nila ang napakaraming zero sa screen ng kanilang computer!

“Pasensya na po, Pasensya na po talaga sir, hindi ko po ginusto ang mga nangyari.” Lumuluhang umiyak ang shop assistant kay Darryl. Maging ang manager ng boutique ay agad ding lumapit para tumulong sa pagbabalot ng higit sa isang daang piraso ng mga damit.

“Hindi mo na kailangang humingi ng tawad.” Nakangiting sinabi ni Darryl, tinuro niya ang isa sa mga shop assistant at sinabing “Sa kaniya lang mapupunta ang lahat ng komisyon sa mga binili kong damit, ipadala niyo rin ang mga binili ko sa mansiyon ng pamilya Lyndon.”

Matapos nito ay agad nang umalis si Darryl hawak ang kamay ng asawa niyang si Lily.

Nagtinginan nanaman sa kanilang likuran ang grupo ng mga taong nakarinig sa kaniyang mga sinabi.

“Pamilya…pamilya Lyndon? Kaya pala naging ganoon sila kayaman, miyembro pala sila ng pamilya Lyndon.”

“Bakit ka naman bumili ng ganoon karaming mga damit?” Tanong ni Lily habang naglalakad sila palabas ng boutique.

Ngumiti naman si Darryl habang nakatingin sa kaniyang asawa, “Ito ang unang beses kong bibili ng mga damit para sa aking asawa, at alam ko namang kailangan mo na ng isang bagong set ng damit na iyong susuotin araw araw.”

“Masyado kang isip bata.” Irap ni Lily, pero naantig pa rin dito ang kaniyang puso. “Oo nga pala, paano ka nagkaroon ng ganito kalaking pera? Huwag mo sabihing nangutang ka nanaman sa kaibigan mo.”

Dalawang milyong dolyar, sinong kaibigan ba ang magiging ganito kabait kay Darryl.

Kasabay nito ang isang ingay na nagmumula sa mga taong hindi kalayuan mula sa kanila.

Makikita sa isang kanto ang napakaraming taong nagkukumpulan para tingnan ang nangyayari sa kanilang mga harapan.

Makikitang nakatayo sa gitna ng mga ito ang isang napakaganda at attractive na babae. Hindi ba’t si Yvonne Young ang isang ito?

“Ano ang ginagawa rito ni President Young?” Nakita rin ni Lily si Yvonne, Hindi na niya mapigilan pa ang nararamdaman niyang curiousity habang sinasabing “Halika, tingnan natin ang nangyayari roon.”

Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat(by Skykissing Wolf)Where stories live. Discover now