kabanata 121-125

445 4 0
                                    

Kabanata 121
Nagkaroon ng napakagandang panahon ang tanghaling ito ng Agosto, pero kasalukuyang madilim ang mood sa paligid ng mansyon na pagmamayari ng mga Darby.

Makikitang nagtitipon sa main hall ng mansyon ang pamilya Darby na kasalukuyang nakatingin sa magasawang Jackson at Rebecca gamit ang bagsak nilang mga mata.

“Napagisipan mo na ba ang tungkol sa bagay na ito, Jackson?” Tanong ni Jake.

“Opo, dad,” Tango ni Jacksin. “Sinusuportahan ko ang desisyon ni Rebecca na ipagpatuloy ang kaniyang pagubuntis.” Habang nakatingin sa tiyan ni Rebecca.

Walang duda na buntis nga si Rebecca. Pero kasalukuyang wala pa ring nangyayari sa pagitan nilang dalawa ni Rebecca hanggang sa mga sandaling ito.

Mula noong gahasain ni Florian si Rebecca, binigyan na siya ni Jackson ng space para makarecover sa traumang nararanasan ng kaniyang asawa. Sabagay, masyadong naging matindi ang nangyaring ito para kay Rebecca. Pero hindi inasahan ni Jackson na magbubuntis nang dahil dito si Rebecca. Hindi na nila kailangan pang hulaan kung sino ang ama ng dinadala niyang ito.

Agad na kumalat ang balita tungkol sa pagbubuntis ni Rebecca sa buong pamilya Darby sa loob ng isang araw.

“Nahihibang ka na Jackson!”

“Hindi naman sa iyo ang batang iyan kaya paano mo nagawang magdesisyon na alagaan ito?”

“Nirape ni Darryl ang asawa mo pero nagawa mo pa ring magvolunteer na alagaan ang kaniyang anak sa iyong asawa?”

Galit na sumigaw ang bawat isang miyembro ng pamilya Darby dahil sa sobrang galit, dito na sumara nang napakahigpit ang kamao ni Jackson.

SLAM!

Agad na hinampas ni Yumi ang lamesa. Tumayo siya at sinabing, “Nahihibang ka na ba Jackson? Ipinahiya tayong lahat ng hayop na si Darryl matapos niya itong gawin sa iyong asawa. Kaya sa sandaling magdesisyon kayo ni Rebecca na itago ang batang iyan—at malaman ng buong mundo ang lahat—siguradong sasama nang husto ang imahe ng ating pamilya sa lahat! Siguradong gagamitin natin ang mga natitira nating panahon sa lupa para mamuhay sa kahihiyan!”

“Oo nga Jackson. Pagisipan mo muna ang tungkol sa bagay na ito,” Dagdag ni Florian. Nagulat siya sa naging desisyon na ito ni Jackson. At sa sandaling magsagawa sila ng isang DNA test, siguradong mabibisto na ng lahat ang ginawa niyang kalapastanganan kay Rebecca. Kaya kinakailangan niyang baguhin ang isip nito anuman ang mangyari!

Ito rin ang naramdaman ni Yumi. At sa sandaling malaman na ng lahat ang katotohanan, siguradong ito na ang katapusan ni Florian. Hinding hindi na nito magagawa pang mamuhay nang mapayapa habangbuhay.

“Kuya, ate. Nagdesisyon na kaming itago at alagaan ang ipinagbubuntis ni Rebecca. Kaya huwag niyo nang subukan pa na baguhin ang aming isip.” Iling ni Jackson sa kaniyang ulo.

“Rebecca! Wala na sa sarili ang asawa mong si Jackson kaya paano mo nagawang sumangayon sa gusto niya? Ikaw dapat ang nangunguna sa pagsasabi sa kaniya ng mga bagay na ito dahil ikaw ang nagbubuntis sa anak ng hayop na si Darryl!” Nababahalang sinabi ni Yumi.

Napakagat na lang sa kaniyang labi si Rebecca at sinabing, “Huwag ka pong magalala ate. Nagusap na kami ni Jackson tungkol sa bagay na ito. Kahit na anong mangyari, walang ginawang mali ang batang ito. Mayroon pa rin siyang buhay na siyang mahalaga para sa atin. At isa rin siyang Darby…” Yuko ni Rebecca sa kaniyang ulo.

Dito na nagsimulang magalit ng buong pamilya Darby kay Darryl.

“Kawawa naman siya!”

“Hayop ka Darryl! Bakit mo ipinaranas kay Jackson ang ganitong klase ng bagay!”
“Nararapat ka lang masunog sa impiyerno kasama ng buong pamilya mo Darrby!”

Sa opisina ng presidente ng Platinum Corporation.

Inutusan ni Darryl si Pearl na magregister ng isang bagong real estate company. Nagawa niya na rin itong pangalanan bilang: Windon Real Estate. Kahit na hindi ito ganoon kaelegante, madali naman itong maaalala ng lahat.

Habang paalis si Pearl, hindi na makapaghintay pa si Darryl. Agad niyan nilabas ang sinaunang espada na kaniyang nabili sa pinsan ni Felix. Kahit isa lang itong bagay na kaniyang nabili sa tabi tabi, maganda pa rin ang kaniyang naging pakiramdam dito. Masyado nang kinakalawang ang blade ng espadang ito kaya kinakailangan na nitong malinis sa lalong madaling panahon.

Agad na pumunta si Darryl sa washroom ng kaniyang opisina kung saan niya nakita ang isang pangscrub na gawa sa maliliit na steel balls, binuksan niya ang gripo at sinimulan ang pagkuskos sa kinakalawang na blade ng espada.

Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat(by Skykissing Wolf)Where stories live. Discover now