kabanata 45 - 47

474 5 0
                                    

Maririnig na rin sa mga sandaling ito ang tunog mula sa sirena ng mga paparating na pulis.

May tumawag na sa inyo ng pulis? Dito na nanlamig ang mga pawis ni Leo na agad nagsimula sa pagtakbo.

“Gusto mong tumakas?”

“Pigilan ninyo siya!”

Nagreact ang ilan sa mga mayari ng mga antique store na sumigaw kay Leo.

Narinig naman ng ibang mga empleyado ng antique store nina Yvonne ang pagsigaw ng mga ito at agad na pinigilan si Leo at pinadapa nang mahigpit sa sahig.

Habang si Jack na nagkunwari na isa rin sa mga nabiktima ay mabilis na nagsabing. “Buwisit, peke nga ito. Muntik na akong mawalan ng 500 million dollars dahil sa hayop na ito.” Tumakbo siya palapit kay leo at dinuraan ito bago sinimulan ang kaniyang panenermon hanggang sa maisip na niyang umalis.

Pero nang tumalikod siya para umalis sa Pearl Pavilion, isang katawan ang tumakbo nang mabilis papunta sa kaniyang harapan para harangin ang kaniyang pagalis.

Ito ay walang iba kundi si Darryl.

“Buwisit ka, ano bang problema mo? Bakit moa ko hinaharang?” Galit na sinabi ni Jack.

Agad namang nagsilapit ang lahat para panoorin sila.

Nakangiting nagsalita si Darryl habang nakatingin kay Jack, “Hindi mo magagawang iwanan ang partner mo rito na maaresto ng mga pulis hindi ba?”

Nagberde ang mukha ni Jack na nagsabing “Ano ang ibig mong sabihin?”

“Tigilan mo na iyan. Hindi mo na kailangan pang magkunwari. Mas mabuti pa sa inyong maging artista na lang sa galing niyong umarte. Sino ba ang gustong maging manloloko hindi ba?” Habang nakatingin kay Jack na ayaw pang umamin sa kaniyang kasalanan, napabuntong hininga na lang ang umiiling na si Darryl.

Hindi na nagaksaya pa ng oras si Jack. Maglalakad n asana siya sa tabi ni Darryl para tumakbo nang makita niyang nailock na ni Darryl ang kaniyang mga braso.

Sa mga sandaling ito, naramdaman na lang ni Jack na parang bisyo angh mga kamay ni Darryl. Hindi niya magawang pakawalan ang kaniyang sarili kahit gaano pa niya piliting makawala mula rito.

Nagpapanic na umikot ang mga mata ng ninenerbiyos na si Jack sa lahat bago simulang sermonan si Darryl. “May problema ka bas a pagiisip, hayop ka? Sinubukan niya rin akong lokohin kanina kaya paano ako magiging kasabwat ng binatang iyan? Kasama niyo rin ako sa mga napaniwala niya kanina.”

Masyadong naging mabilis ang mga pangyayari para kay Yvonne kaya hindi na siya nakapagreact habang hindi makagalaw sa kaniyang kinatatayuan.

Dito lang naglakad papasok si Megan kasama ng ilan pang mga pulis.

Hindi nakasuot ng kaniyang uniporme si Megan noong araw na iyon pero mukha pa rin siyang kagalang galang. Ipinakita ng masikip niyang mga jeans ang magandang hubog ng kaniyang katawan.

Naglakad siya papunta kay Darryl at nagtanong ng, “Isa rin ba siya sa mga manloloko?”

Hindi na hinayaan pa ni Jack na makapagsalita si Darryl kaya agad itong nagmakaawa sa pulis, “Maniwala po sana kayo sa akin ma’am. Nandito lang po ako para mamili ng mga antique at isa rin sa mga nabiktima ng lalaking iyon. Pero hinarang ako ng isang ito nang walang dahilan, tulungan mo po ako.”

Dito na lumapit ang ilan sa mga mayari ng mga antique store para maging saksi.

“Oo nga, nandito lang si Mr. Trevor para mamili ng mga antique.”

“Naging saksi kami rito.”

“Hoy manugang ng pamilya Lyndon, ano nanaman iyang ginagawa mo? Kahit na sinuwerte kang makita na peke ang jade na iyon, wala ka pa ring karapatan na magakusa sa ibang tao.”

Natawa lang dito si Darryl. Isa nga talaga kayong grupo ng mga mangmang na lalaki.

Mahahalata namang magkasabwat sina Jack at Leo kanina. Pero ngayong nahuli na si Leo, hindi pa rin nila nakita na kasabwat nito ang nagkukunwaring mayaman na si Jack.

Pero hindi na nakapagsalita si Darryl dahil maging si Megan ay naniwala kay Jack at sa sinasabi ng ilan sa mga mayari ng antique store.

Sa mga sandaling ito, kumunot ang mga kilay ni Megan at nagsalita kay Darryl, “Hindi mo siya puwedeng akusahan Darryl. Pakawalan mo na siya.”

Dito na nakahinga nang maluwag si Jack na nagpakita ng isang nanlalamig na ngiti kay Darryl bago sabihing. “Narinig mo ba iyon? May mga business meeting pa akong pupuntahan bukas. Ikaw ba ang sasalo ng lahat sa sandaling hindi ako makapunta sa mga iyon?”

Hay!

Napabuntong hininga na lang si Darryl matapos marinig ang mga salitang iyon mula kay Megan.

Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat(by Skykissing Wolf)Where stories live. Discover now