kabanata 116-120

456 0 0
                                    

Kabanata 116
Isa talagang napakagandang tanawin ng pagsasama sama ng tatlong mga nagagadanahang binibini sa iisang lugar.

Tiningnan ni Darryl ang mga ito habang nakaupo sa sofa. Matapos ang isang sandali ay nabored na siya sa mga ito kaya binuksan na lang niya ang TV para manood.

Ah-choo!

Ah-choo! Ah-choo!

Ilang beses pang humatsing si Darryl, dito siya nagsimulang magkaroon ng runny nose.

“Hayop, mukhang nagkaroon nga talaga ako ng sipon,” bulong niya sa kaniyang sarili habang kinukuha ang dalawang piraso ng tissue paper na kaniyang ipinangpupunas sa kaniyang ilong. Itinapon niya ang mga ito sa tabi ng coffee table kung saan niya kinuha ang remote ng TV para maghanap ng magandang palabas. Naghanap siya sa iba’t ibang channels ng Donghai TV, pero isang adult channel ang kaniyang napuntahan matapos pindutin ang ilan sa mga pindutan.

Hayop! Ano bang klase ng TV ito? Bakit ito nagkaroon ng ganitong klase ng mga channel?”

“Darryl, maipagkukuha ba kita ng ilang maiinom?”

Naglakad si Yvonne mula sa kusina habang gumaganda na ang mood ni Darryl sa panonood ng palabas sa channel na kaniyan napuntahan.

Mabilis na bumalik sa realidad si Darryl at sinubukang baguhin ang channel pero hindi ito lumipat kahit na ano pang button sa remote control ang kaniyang pindutin.

Hayop!

“Ok ka lang ba Darryl?” Nagtatakang tanong ni Yvonne. Agad siyang napakurap nang aksidente niyang makita ang screen ng TV.

Agad na namula rito ang kaniyang mukha.

“Ano… anong klase ng palabas ito? Darryl… nagawa niya…”

“Ah!” Sigaw ni Yvonne.

“Huwag! Huwag kang sumigaw. Hindi ako… Hindi ako nanood…”

Buwiset! Wala na siyang magawa ngayong nahuli na siya nito sa akto. Paano na niya ngayon malulusutan ito?

Parehong naglakad sina Lily at Jade papasok sa hall nang marinig nila ang sigaw ni Yvonne at agad na nakita ang palabas sa TV pagpasok nila sa hall. Hindi lang iyon dahil nakita rin nila ang dalawang gamit na tissue malapit kay Darryl na may kulay berde nitong mga sipon.

Dito na biglang tumingin sina Lily at Jade sa isa’t isa nang pumasok ang isang bagay sa kanilang isipan.

“Hindi ito gaya ng iniisip ninyo ladies! Mayroon akong sipon…” Walang magawang sinabi ni Darryl.

“Ano ang ginagawa mo rito Darryl!?” Sigaw ng nakatitig sa kaniyang si Lily habang idinadabog ang kaniyang paa sa sahig.

Napuno ng hiya sina Yvonne at Jade habang tumatalikod para umalis sa hall.

Dito na naiwan sina Lily at Darryl kung saan namula nang husto ang mukha ni Lily na parang isang hinog na cherry.

Tinitigan niya si Darryl habang nagngingitngit na nanenermon dito.

“Ano… Ano ang ginagawa mo rito, Darryl? Wala… Wala ka sa bahay mo! Paano mo nagawa ito—"

Hindi mabuo ni Lily ang kaniyang mga salita. Masyado nang matindi ang kahihiyang naramdaman niya rito. Napuno ng hiya ang kaniyang mukha habang sinusubukang pigilan ang kaniyang galit. Dito na mas gumanda lalo ang kaniyang mukha.

Nabablangko namang tumingin ang humahangang si Darryl sa kaniyang asawa.

“Hindi ninyo naintindihan ang ma nangyari. Wala akong ginagawang mali. Sino bang magaakala na mayroon palang ganitong palabas sa TV ng bahay na ito? At mukhang nagkaroon din ako ng sipon. Kaya ang mga tissue na ito…” Dito na tumayo si Darryl sa kaniyang kinauupuan.

Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat(by Skykissing Wolf)Where stories live. Discover now