kabanata 104-106

367 2 0
                                    

Kabanata 104
Ano?

Hindi peke ang hawak na Amethyst Bank Black Card ng isang ito? At nagawa nitong makapaglabas ng 700,000 dollars?

Sa loob ng isang iglap, nanigas ang buong mukha ni Richard habang gulat na gulat na tinitingnan si Darryl! Isang totoong… Black Card!?

Buwiset! Buong buhay na nagtrabaho si Richard at nakakuha lang ng isang gold card mula sa Amethyst Bank!

At sigurado rin siya sa kaniyang sarili na hindi hihigit sa tatlo ang mga black cards na matatagpuan sa buong Donghai City!

“Well sir, nagkaroon po tayo ng hindi pagkakaintindihan kanina, ipagpaumanhin niyo po ang mga nangyari.” Nanginig si Richard habang nagsasalita, ang tanging alam niya lang ay hindi niya dapat bastusin ang lalaking nakatayo sa kaniyang harapan!

Wow!

Kasabay nito ang pagnganga ng mga taong nagpunta lang dito para makipagtawanan.

700,000 dollars!

Kaya nga talaga ng binatang ito na bayaran ang operasyon ng kaniyang ama.

Hindi ba’t isa lang siyang nakikitirang manugang na siya ring isang basura? Kaya bakit siya nagkaroon ng ganito kalaking pera?

Natigilan ang ilang mga nurse sa kanilang nakita, tumayo lang sila roon at hindi nagawa maging ang paghinga ng malalim.
“Hindi mo na kailangan pang humingi ng paumanhin, gusto ko lang maging maligtas ang bumalik sa malusog na kundisyon ang katawan ng aking ama.” Nanlalamig na sinabi ni Darryl.

“Opo opo, huwag po kayong magalala sir, ihahanda po namin ang pinakamaganda naming ward para lang sa iyong ama.” Ginawa ni Richard ang lahat para bumawi kay Darryl.

Matapos ng isang oras, nakawheelchair na lumabas si Daniel mula sa operating room.

“Kumusta na ang papa ko, Dr. Sullivan?” Mabilis na tumakbo si Darryl palapit kay Shelly.

“Ituring mo nang suwerte ang sarili mo ngayon, hindi inaasahan ang naging kundisyon ng iyong ama pero wala naman siya sa kahit na anong panganib.” Sabi ni Shelly. “Nagtrigger lang ito noong magalit siya. Anon ga ba ang gumalit sa papa mo na naglagay sa kaniya sa ganitong sitwasyon?” tanong ni Shelly.

Nakahinga na rin ng maluwag si Darryl pero hindi niya nagawang sagutin si Shelly. Nagpalitan lang sila ng ilang mga salita at kinalaunan, sinamahan ni Darryl ang kaniyang ama papunta sa ward ng ospital.

Sa loob ng ward, nagsalin si Luna ng isang baso ng tubig at nagtanong ng, “Maganda kung tutuosin si Director Sullivan, anak at mabait din siyang tao, ano nga ba ang relasyon niyong dalawa?”

“Magkaibigan langlami na, walang kahit na anong espesyal na namamagitan sa aming dalawa kaya huwag na po kayong magisip ng kung ano ano riyan.” Matapos marinig ang chismis ng kaniyang ina, hindi maiwasang matawa ng sumasagot at naiiritang si Darryl.

Maghahating gabi na nang tamaan ng antok si Darryl.

Nang imulat ni Darryl ang kaniyang mga mata, maliwanag na ang paligid sa labas.

Kasalukuyan pa ring natutulog ang kaniyang ama pero may mamulamula na itong kulay ng katawan na nagpapakita ng mas malusog nitong kalagayan kaysa noong operahan siya kahapon.

“Darryl, ipagpasalamat mo kami kay Director Sullivan. Dahil kung hindi niya naagapan ang lumalalang kundisyon ng iyong ama kahapon ay baka…”

Itinago ni Darryl ang kaniyang ulo.

Tama ang mga sinabi ng kaniyang ina kaya dapat lang na pasalamatan niya si Shelly. Habang nagiisip siya nang tungkol dito, naglakad si Darryl papunta sa opisina ni Shelly.

Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat(by Skykissing Wolf)Where stories live. Discover now