kabanata 99-100

358 4 0
                                    

Kabanata 99
Tinawag siyang hipag ni Paul James. Mayroon bang ibang karelasyon si Lily? Dito na natigilan ang lahat.

Dito na naglakad si Paul papunta kay Darryl para bigyan ito ng isang bow!

“Bro, hindi na ako magaatubiling bumiyahe pa kung alam ko lang na si Lily pala ang hipag ko.”

Walang sinabi na kahit ano ang tumatangong si Darryl.

“Kung ka nang kailangan pa, mauuna na ako sa iyo,” sabi ni Paul bago ito umalis.

Masyadong naging mabilis ang mga pangyayari, kaya noong umalis lang si Paul nakabalik sa realidad ang mga miyembro ng pamilya Lyndon.

Ano ba ang nangyayari? Hawak na ni Lily ngayon ang 51% ng mga shares ng mga ari arian ng pamilya Lyndon?

Nadidismayang tiningnan ni Grandma Lyndon si Lily. Gusto niyang magsalita pero hindi siya makapagbanggit ng kahit ano dahil sa sobrang gulat.

Habang si Lily naman ay nanginig nang dahil sa mga nangyari. Naramdaman niya na parang isang panaginip lang ang lahat ng ito. Hindi na niya maitago pa ang kaniyang pagtataka kaya agad niyang tinanong si Darryl, “Darryl, kayo ba ni Paul…”

“Magkaibigan lang kami.” Walang pakialam na sinagot ni Darryl. Gusto na niyang tumigil sa pagtatanong si Lily tungkol sa bagay na ito kaya agad siyang nagsabi na “Kinakailangan ko nang umalis dahil malelate na ako sa trabaho.” Dito na siya tumalikod at umalis sa villa.

Nakaramdam ng pagaalala si Darryl nang sumakay siya sa kaniyang sasakyan kaya agad niyang tinext si Lily ng “Hawakan mo nang maigi ang mga shares na iyan. Huwag na huwag mo itong ibibigay kay Grandma Lyndon kahit ibuka pa nito ang kaniyang bibig mamaya. Mula sa araw na ito, ikaw na ang magdedesisyon para sa ari arian ng mga Lyndon.”
Agad namang natanggap ng natitigilang si Lily ang text message at agad na nagreply ng “Sige.”

Matapos ng mga nangyari ngayong araw, nakita na rin niya ang totoong kulay ng kaniyang pamilya. At ngayong nasa kamay na niya ang karamihan sa kanilang shares, para na itong naging isang agimat na magpoprotekta sa kaniya mula sa mga ito. Kaya natural lang na hindi niya ito pakawalan nang ganoon ganoon na lang.

Nakahinga na rin nang maluwag si Darryl nang matanggap niya ang reply ni Lily bago magdrive paalis.

Marapit na siyang makarating sa Platinum Corporation nang magring ang kaniyang cellphone. Mula ito sa isang hidni kilalang caller pero nagtatapos sa anim na mga digit. Matapos magisip sa loob ng isang saglit, agad niya itong sinagot.

“Hello, ito ba si Mr. Darby?” Nagmukhang isang middle aged na kalaking may mababang boses ang taong nagsasalita sa kabilang linya.

Sumimangot si Darryl at sinabing, “Sino ka? Paano mo nakuha ang number ko?”

Tumawa ang lalaki at magalang na sumagot “Ibinigay ni Brandon Guy ang number mo sa akin.”

Si Brandon?

“Ayon sa kaniya, sinasabi niyang mayroon ka daw na isang mahiwagang Godly Pill na nakakatulong sa mga cultivators na makalampas sa bottleneck na kanilang nararanasan sa tuktok ng kanikanilang mga level. Desperadong desperado na akong makakuha ng isa nito. Name your price.” Sabi ng lalaki.

“Buwiset, kahit na hindi ganoon kahirap gumawa ng pill, hindi pa rin ito parang mga prutas na maaaring makuha ng kahit na sino sa anumang oras na kanilang gustuhin! Kinakailangan pa nitong iextract at buohin! Iisa lang ang palayok na binili ko kaya nasa dalawa hanggang tatlong mga pills lang ang magagawa ko sa bawat oras na gumawa ako nito.

“Gumawa ako ng dalawa noong una—binenta ko ang isa kay Brandon habang ibinigay ko naman sa hayop na si Kent Hough ang isa nito. Wala nang natitira pang pill sa akin. Kaya kahit simulan ko ang paggawa rito ngayon, mangangailangan pa ako ng ilang oras para makagawa muli nito,” isip ni Darryl.

Mabilis siyang sumagot dito ng “Kung gustong gusto mo na talagang makakuha nito, balikan mo ako bukas.”

“Pero mukhang hindi mo kakayanin ang presyo nito.” Dagdag ni Darryl.

Tumawa ang lalaki at sinabing, “Huwag kang magalala dahil hindi issue ang pera sa akin. Magkano mo ba balak ibenta ito? Nang masimulan ko na rin ang paghahanda rito para bukas.”

“Tatlong bilyon,” walang pagaalinlangang sinabi ni Darryl.

Nagawa niya itong ibenta noon kay Brandon sa halagang two billion pero hindi manlang ito kumurap sa halagang ito, kaya naramdaman ni Darryl na mukhang masyado itong mura sa halagang iyon.

Natural lang na higit pa sa palugi niyang ibigay kay Kent ang pill na hiningi sa kaniya ni Megan!

“Three billion dollars, deal! Kokontakin kita bukas, Mr. Darby.” Walang pagdadalawang isip na pumayag ang lalaki bago ibaba ang tawag.

“Whoa! Nababaliw na ba siya para pumayag sa halagang 3 billion nang walang pagaalinlangan?” Isip ni Darryl.

Nang makarating siya sa kaniyang opisina, agad na nakita ni Darryl si Pearl na papalapit sa kaniya.

“May dalawa po kayong mga bisita sa inyong opisina Mr. President. Kanina ka pa po nila hinihintay,” sabi ni Pearl.

Mga bisita?

Sumimangot si Darryl at naglakad papasok.

Nang makapasok siya sa kaniyang opisina, agad na napuno ng saya at sabik ang kaniyang dibdib.

Nakita niya ang kaniyang ama na si Daniel Darby at ang kaniyang ina na si Lina Shaw—ang middle aged na magasawang nakasuot ng simpleng mga damit—na nakaupo sa sofa ng kaniyang opisina.

“Pa, Ma, bakit kayo nandito?”

Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat(by Skykissing Wolf)Where stories live. Discover now