kabanata 78-80

408 3 0
                                    

Napasimangot si Lily habang pinapanood ang sasakyaang mabilis na nawala sa kaniyang paningin, matapos nito ay agad na siyang naglakad papasok sa kanilang tahanan.

Sa Seaview Mansion na pagmamayari ng mga Darby.

Bumangon na si Jackson sa kaniyang kuwarto. Nacoconfused nitong minulat ang kaniyang mga mata habang nakakaramdam ng hangover. Hindi na niya maalala kung gaano karami ang kaniyang nainom sa kaniyang kasal. Pero mukhang nakuntento naman siya rito. Matapos ng dalawang taon nilang pagsasama ni Rebecca, nagawa na rin nilang magpakasal, at ang mas lalong nakapagpatuwa sa kaniya ay ang pagpapakita ni Darryl, na hindi niya nagawang makita sa loob ng ilang taon. Kaya isang mainit na ngiti ang nagpakita sa kaniyang mukha habang bumabangon at naglalakad palabas ng kuwarto.

“Rebecca?”

Tinawag niya ang kaniyang asawa sa kanilang sala pero hindi ito sumagot sa kaniya, dito na siya nakaramdam ng hindi maganda.

Nakita niyang nakabukas ang pintuan papasok sa guest room kaya agad siyang pumasok dito. At nang makarating siya sa pintuan, para siyang tinamaan ng kidlat sa kaniyang nakita, nanginig nang husto ang kaniyang katawan na para bang nakakita ng isang bagay na hindi niya magagawang makalimutan sa buong buhay niya.

Dito niya nakita ang kaniyang asawa na nakahiga sa kama.

“Ah!”

Galit na nagsisigaw si Jackson habang mabilis na namumula ang kaniyang mga mata. Napakasalimuot! Ito na ang pinakamasalimuot na pangyayaring mararanasan ng kahit sinong lalaki sa mundo.

“Kahit na sino ka pa, ipinapangako kong papatayin kita.” Agad na nagsara nang husto ang mga kamao ni Jackson hanggang sa bumaon ang kaniyang mga kuko sa laman ng kanilang mga palad. Para siyang lalaki na wala sa sariling naghahanap ng kahit anong ebidensya na kaniyang makita. Pero sa kasamaang palad, kabibili bili pa lang niya sa mansyong ito kaya wala pa itong mga camera sa paligid.

Nagtingin tingin siya sa kaniyang paligid, at matapos mabigo sa paghahanap ng ebidensya sa labas, muli siyang bumalik sa kuwarto. At habang tinutulungan niya ang kaniyang asawang si Rebecca na magbihis, tuluyan na itong nagising.

“Darling,” niyakap niya si Jackson matapos niya itong makita.

“Nagising ka na rin sa wakas,” Pinilit ni Jackson na ngumiti habang taos pusong sinasagot ang kaniyang asawa.

“Uhum,” sagot ni Rebecca, at matapos makaramdam ng kakaiba sa kaniyang katawan, mahinhin siyang sumigaw ng, “Pilyo ka talaga---” Hindi na niya natapos ang kaniyang sinasabi sa sobrang tindi ng hiya na kaniyang naramdaman.

Sa mga sandaling ito, inisip ni Rebecca na si Jackson ang may gawa nito. Dahil bago pa man sila ikasal, mayroong ilang pagkakataon kung saan hindi na mapigilan pa ni Jackson ang kaniyang sarili, pero agad naman itong napipigilan ni Rebecca. Nagpumilit itong ibigay nang buo ang kaniyang sarili sa sandaling ikasal silang dalawa, hindi siya nagawang kumbinsihin ni Jackson kaya wala na itong nagawa kundi maghintay. Kaya nang maisip ni Rebecca na si Jackson ang may gawa nito, hindi siya nagalit at sa halip ay natuwa pa rito. Naisip niya ito habang punong puno ng guilt at pait ang puso ng asawa niyang si Jackson.

“Ok ka lang ba Jackson?” Simangot ni Rebecca.

Nakagiti namang iniling ni Jackson ang kaniyang ulo, “Ok lang ako, dahil lang ito sa hangover ko kagabi,” Hindi na niya nagawa pang tingnan ang mga mata ni Rebecca habang sinasagot ang mga tanong nito.

Mas lumaki nang lumaki ang suspisyon na nararamdaman ni Rebecca habang parami nang parami ang mga iniiwasang tanong ni Jackson. Dito na biglang tumama ang kaniyang paningin sa eight diagram na salamin sa loob ng kuwarto na gumulat kay Rebecca nang husto.

Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat(by Skykissing Wolf)Where stories live. Discover now