kabanata 141-145

379 3 0
                                    

Kabanata 141
Sa mga sandaling ito, lumangoy ang ‘pating’ papunta kay Megan!

Natakot dito si Megan at sumigaw ng, “Kent, tulungan mo ako!”

Kahit na marami na itong naranasangpanganib sa kaniyang buhay, isa pa rin itong pating na papalapit sa kaniya.

Ngumiti rito si Kent. Ito na ang oras para maging isa siyang “Bayaning to the Rescue”! Haha!

Gusto niyang ipakita kay Megan kung gaano siya kamanly. Ito rin ang rason kung bakit niya ginawa ang eksenang ito na pagatake ng isang pekeng ‘pating’.

Naging mabangis ang sinasabi nilang ‘pating’ at mabilis na lumangoy papunta sa mga babae!

Pero mukhang hindi nangangagat ang ‘pating’ na ito…

Narealize na rin ito nina Zayler at Justin kaya agad silang lumapit sa kanikanilang mga partner para protektahan ang mga ito.

Habang sa kabilang banda, lumulutang lang si Darryl sa isang bahagi ng lawa habang pinapanood ang mga ito. Dito na nadismaya nang husto si Lily. Bakit hindi siya nagawang lapitan ni Darryl para protektahan siya sa ganitong klase ng mga sitwasyon?

Mukhang naoverestimate niya ata ang kaniyang asawa.

“Kent, dalian mo! Dali…” Natakot dito si Megan. Bakit nagagawa lang siyang habulin ng ‘pating’ na ito?

“Huwag kang magalala, Megan. Naririto na ang mapapangasawa mo!” Malakas na tawa ni Kent habang lumalangoy papunta kay Megan. Dito na niya nilabas ang hawak niyang kutsilyo na kaniyang hinananda kanina para sa eksenang ito.
Nagmukhang matapang si Kent habang lumalangoy palapit kay Megan at yakapin ang baiwang nito. GInamit niya ang isa niyang kamay na may hawak na kutsilyo at sumigaw sa ‘pating’ ng “Hayop ka! Paano mo nagawang lumapit sa asawa ko? Tingnan mo itong hawak ko! Mamatay ka na ngayon!”

Kasabay nito ang mas mahigpit na pagyakap ni Kent kay Megan habang nageenjoy sa pagyakap nito sa kaniya.

Walang kaalam alam si Megan sa mga nangyayari habang niyayakap niya ang leeg ni Kent habang nakakaramdam ng pagkaantig sa kaniyang puso.

Kahit fiancé na niya ito, hindi pa rin niya hinahayaan si Kent na hawakan ang anumang parte ng kaniyang katawan o humalik sa kaniya! Maging ang kanilang paghoholding hands ay limitado lang.

Pero sa mga sandaling ito, nagpakita ng napakatinding katapangan si Kent.

Mukhang nagkamali siya na husgahan ito at dapat lang itrato nang mas maganda sa susunod.

Haha, haha!

Natawa si Darryl habang pinapanood ang pagarte ni Kent na parang wala sa kaniyang sarili. Puwedeng puwede na itong magartista. Haha.

Walang kaalam alam ang mga tao sa pampang sa mga nangyayari. Natigilan sila nang makita ang walang takot na pagsugod ni Kent sa sinasabi nilang ‘pating’. Humanga silang lahat sa ipinakita nitong katapangan. Dahil sa daan daang mga taong sumama sa outing na ito, walang kahit na sino sa kanila ang may kakayahang magpakita ng ganitong katapangan.

Dito na sumigaw ang mga tao ng, “Magiingat ka Kent! Isa iyang pating!”

Confident na itinutok ni Kent ang hawak niyang kutsilyo sa ‘pating’ at agad na sinaksak ang katawan nito.

Bahagya lang nitong tinusok ang balat ng ‘pating’ habang nagpapakalat ang kaniyang kasabwat ng dugo ng baboy mula sa ilalim ng tubig.
Wow!

Napakaperpekto ng planong ito. Huminga nang malalim si Kent at umarte na para bang gulat pa rin sa mga nangyari. Niyakap niya nang mahigpit si Megan at pinagpag ang mga balikat nito. “Ok na ang lahat. Nandito lang palagi sa iyong tabi ang mapapangasawa mo, Megan…”

Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat(by Skykissing Wolf)Where stories live. Discover now