kabanata 95-98

373 2 0
                                    

Kabanata 95
Tumawa si Darryl kay Megan at bumulong ng “Napagkamalan nila ako na isa sa kanilang mga hari kaya sinakyan ko ang pinaniniwalaan nilang ito.”

Naimpress sa ginawa niyang ito si Megan. Mukhang pinatunayan na nga ng nakikitirang manugang na ito ang kaniyang halaga nang ilang beses.

“Kaya pala nagawa ka nilang tratuhin nang ganiyan—mukhang napagkamalan ka talaga nila!” Ngiti ni Kent “Kung ganoon, ano pa ang hinihintay mo? Umalis na sila para maginom kaya pakawalan mo na kami ngayundin!” Utos niya.

…Dapat lang na sampalin ang walang utak na ito. Nairita ng naguutos na tono ni Kent si Darryl kaya hindi niya na ito pinansin.

Hindi na rin mapakali sa mga sandaling ito si Megan. Marami rami rin kasi ang mga naaaresto niyang tauhan ni Skyler. Kaya siguradong hindi siya nito pakakawalan nang ganoon ganoon na lang. Malay ba natin kung ano ang maisip nitong gawin sa kaniya matapos makipaginuman.

Habang nasa gitna ng pagpapanic, agad na nagtaka si Megan habang iniisip na “Bakit ganoon kakalmado si Darryl?”

THUD! THUD! THUD!

Dito na nagsimulang bumagsak ang mga bantay sa paligid kasama ng lider nilang si Skyler na tahimik na nakasandal sa pader. Ang mga taong natitirang gising sa lugar na ito ay sina Darryl, Megan at Kent.

“Ho-ho! Napakagaling para sa isang nakikitirang manugang!” Bati ni Kent na nagmumukha pa ring isang insulto.

Nakita ni Darryl ang susi kay Skyler, naglakad papunta kay Megan at agad itong pinakawalan. “Halika na, masyado nang magulo ang mga nangyayari sa paligid. Kinakailangan na nating mahanap ang labasan bago pa sila magising,” kalmadong sinabi ni Darryl.

“Bulag ka bang hayop ka? Nakatali pa rin ako!” Sigaw ni Kent.

“Nagyayabang ka kanina noong puputulin na nila ang daliri ko. At ngayong  ikaw na lang ang nakatali ay nagawa mo na akong maisip?” isipni Darryl.

Lumingon si Darryl kay Kent at walang pakialam na tumawa, “Bakit kita pakakawalan? Hindi ba’t marami kang pera? Offeran mo na lang sila paggising nila—siguradong pakakawalan ka rin ng mga iyon.”

Napaungol dito si Kent na halos maiyak na sa sobrang panic.

Nagmakaawa naman si Megan na, “Maaari mo ba siyang pakawalan, Darryl?”

“Wala akong obligasyong iligtas siya.” Tumatangging sagot ni Darryl.

Napakagat na lang sa kaniyang labi si Megan na nagasabing. “Alam kong nabastos ka ni Kent kanina, Darryl. Ako na ang humihingi ng tawad para sa kaniya. Pero sana naman ay iligtas mor in siya, siguradong hindi na siya makakalabas pa rito nang buhay sa sandaling iwanan natin siya rito.”

Tumawa si Darryl at sinabing. “Buwisit, ano namang pakialam ko sa pagkamatay ng isang ito? Ginamit ng hayop na ito ang isa sa mga Godly Pill ko pero nagawa pa rin niyang magyabang sa harapan ko. Wala akong pakialam kahit mamatay pa siya rito.” Isip ni Darryl.

Tumitig si Kent at sinabing, “Bakit ka humihingi ng tawad sa kaniya, Meg love? Hindi ito deserve ng isang talunang katulad niya. Tingnan mo na lang ang pagiging demonyo ng isang ito. Sinuwerte lang siya kaya niya nagawang makawala rito!”

“Huwag mo nang pagisipan pang iblackmail ako, dude. Hindi kita kailangan para makalabas dito nang buhay!” Namumuhing sinabi ni Kent kay Darryl.

Ngumiti si Darryl, sinabi nito kay Megan na, “Kita mo, hindi niya raw ako kailangan para makalabas dito nang buhay. Kaya huwag mo na siyang isipin.” At pagkatapos ay agad na siyang umalis.

Agad siyang hinabol ni Megan at sinabing “Huwag ka na sanang lumebel sa kaniya, Darryl. Huwag mong gawin ang bagay na ito.”

Dito na pinutol ni Kent ang kaniyang pagsasalita, “Huwag ka nang magmakaawa sa kaniya, Meg! Iligtas mo na lang ako sa sandaling makatakas ka, naniniwala ako sa iyo! At sa sandaling magising sila ay agad akong mag ooffer sa kanila ng mas malaking pera. Siguradong hindi nila ako papatayin nang dahil dito.”

“Manahimik ka nga! Iniisip mo pa rin bang mabubuhay ka sa sandaling makita nilang nakatakas kami matapos nilang mawalan ng malay?” Nanginginig na sinabi ni Megan.

Dito na napagtanto ni Kent ang kaniyang pagkakamali. Ito ang Branch ng Grandmaster Heaven Cult sa Donghai Cirt. Kaya sa sandaling magising si Skyler at makita ang pagtakas nina Darryl at Megan, siguradong ibubunton nito ang lahat sa kaniya. Wala nang maitutulong sa kaniya sa pagkakataong ito ang laki ng perang iooffer niya.

Dito na natakot nang husto si Kent.

Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat(by Skykissing Wolf)Where stories live. Discover now