kabanata 126-130

498 2 0
                                    

Kabanata 126
“Iilag baa ko o hindi, ito ang katanungang bumabalot ngayon kay Darryl!”

Sa loob lang ng isang segundo nabuo ang desisyon ni Darryl na piliing huwag umilag sa bala.

Habang sumisigaw si Megan, napansin niya ang babaeng estudyante sa likuran ni Darryl. Dito na biglang naantig ang kaniyang puso.

Na… nagawa niyang saluhin ang bala para sa isang taong hindi niya kaano ano.

Dito na binigyan ni Darryl si Megan ng isang kakaibang tingin.

Agad na dumaloy ang napakaraming bagay sa isipan ni Megan nang pisilin ng nakacamouflage na lider ang gatilyo ng baril.

Bang!

Kasama ng isang nakakagulat na tunog, bumagsak patalikod ang katawan ni Darryl habang tumatalsik ang dugo mula sa kaliwa niyang balikat.

Huminga nang malalim si Darryl nang maramdaman niya ang sakit mula sa kaniyang tama! Pero, kinagat niya nang husto ang kaniyang ngipin para pigilan ang kaniyang sariling gumawa ng kahit na anong ingay. Umatras siya nang ilang hakbang habang nakatitig sa lider ng mga magnanakaw, ngumiti siya rito at sinabing “Hindi pa ganoon kaganda ang dala mong baril.”

Habang nagsasalita, pinunit ni Darryl ang kaniyang damit at mabilis itong ibinalot sa kaniyang sugat.

Dito na napuno ng katahimikan ang buong bangko.

Napanganga ang mga taong nakaupo sa sahig ng bangko habang nanlalaki ang kanilang mga mata sa sobrang pagkagulat.
Hindi na rin makapagsalita ang ilan sa mga magnanakaw na pinabagsak ni Darryl kanina sa mga eksena na kanilang napapanood sa mga sandaling ito.

“Buwisit…”

“Hindi ba’t tinamaan na siya ng bala pero nagawa pa rin niyang magsalita at tumawa?”

“Ikaw!” Nababahalang ipinadyak ni Megan ang kaniyang paa. Gusto niyang pahintuin sa pagsasalita si Darryl dahil hindi ito magandang oras para hamunin ang mga mangnanakaw!

Pero sa totoo lang, nasa gitna na ngayon si Darryl ng napakatinding sakit na kaniyang tinitiis nang buong lakas.

Matapos niyang inumin ang Universal Pill at maging isang cultivator, agad na mas naging maganda ang tibay ng katawan ni Darryl kung ikukumpara sa mga ordinaryong tao. Nang hamunin at bastusin niya ang nakacamouflage na lider ng mga magnanakaw ay dahan dahan niyang kinukuha ang isang bar ng ginto mula sa counter ng bangko.

Palaging mayroong mga gold at silver bars sa counter ng bangko na palaging nakahanda para sa mga customers na gustong maginvest sa mga ito bilang bahagi ng kanilang mga yaman.

Sinwing ni Darryl ang kaniyang kamay na nakapagpatalsik sa hawak niyang gold bar papunta sa kamay ng lider ng mga magnanakaw. Walang mintis nitong tinamaan ang kamay ng nakacamouflage na lider na nakapagpatalsik sa hawak nitong baril sa sahig ng bangko!

“Ikaw…”

Nagulat dito nang husto ang lider ng mga magnanakaw at agad na nagpanic. Mabilis niyang hinila ang isang batang babae na nasa kaniyang harapan at agad na binunot ang kaniyang balisong na kaniyang itinutok sa leeg ng batang babae.

“Umatras kang hayop ka ngayundin!” Malakas na sigaw ng lider ng mga magnanakaw. Kasalukuyan nang namumula ang mga mata nito sa tindi ng agresyon na kaniyang nararamdaman.

Malakas namang umiyak ang batang babae sa sobrang takot, agad na bumuhos ang luha nito sa kaniyang mga pisngi.

Nasa apat hanggang limang taong gulang pa lamang ang batang ito. Napakabata! Natural lang na hindi pa ito nakakaranas ng ganito katinding pangyayari sa kaniyang buhay kaya agad siyang nakaramdam ng napakatinding takot na ngayon niya lang naramdaman.

Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat(by Skykissing Wolf)Where stories live. Discover now