Chapter 04

93 12 15
                                    

Destin Hart (Point of View)

Nakayakap pa din sa'kin si Lucas pero halata naman na hindi na siya umiiyak kundi namamatay na sa hiya.

"Sorry, It's not my intention to make him cry," paumanhin ni Alex at mukhang super guilty sa pag-iyak ni Lucas.

Kawawa naman

"Okay lang. Iyakin lang talaga 'tong si Lucas," sabi ko para maibsan naman ang pagkaguilty niya.

Nasa likod ko pa din si Kairos at ramdam ko pa ang kamay niya sa bewang ko sumusupporta.

"Why did you even drag him out, Pierce?" Seryosong tanong ni Kairos.

Bumaling si Alex kay Kairos at bumaba ang tingin niya sa kamay ni Kairos na nasa bewang ko. Kahit madilim kitang kita ko ang panunukso niyang mga mata.

"Nothing. Akala ko kasi nawawala siya eh. Gusto ko lang naman siya ihatid doon sa skyline," sagot niya habang may mapaglarong ngisi.

"Uhm...ano, mauuna na siguro kami?" Nahihiyang ulat ko sabay palo sa braso ni Lucas para bitawan na ako. Dahan dahan siyang umalis sa yakap pero nakayuko pa din siya at hindi makatingin ng deretso kay Alex.

Ano kaya nangyare? Parang maamong tuta oh.

"Hatid ko na kayo," pag-offer ni Alex bigla naman napa-angat ng ulo si Lucas at madaling umiling.

"Huwag na!" Tarantang sabi ni Lucas.

"Oo, huwag na Alex. Mabuti pa siguro bumalik na kayo ni Kairos sa loob," pag-agree ko kay Lucas, binalingan ko si Kairos, nakatingin siya sa'kin na nanantya. "Sige na, kai. Kaya na naming umuwi. Thank you sa pagsama sa'kin para hanapin si Lucas," dagdag ko sabay ngiti ng matamis.

Bumuntong hininga siya tsaka tumango. "Alright. At least, let us help you find a cab." Hindi na ako umangal pa at tumango nalang.

Nasa unahan namin ni Lucas sila Kairos at Alexander. Bungisngis si Lucas sa kilid ko habang tinitignan ng masama ang likod ni Alex.

"Matunaw 'yan," panunukso ko.

Sinamaan niya ako ng tingin bago binalik ang tingin sa likod ni Alex. "Kala mo kung sino porket guwapo siya? Kung makapag-act na concern kala mo boyfriend ampota." Rinig ko ang mahinang bulong ni Lucas kaya hindi ko mapigilang tumawa.

"Iiyak iyak kapa kanina ah. Kita ko naman na kinikilig ka nung hinagkan ka niya, eh," nakangising sabi ko sakaniya.

Sinamaan niya ulit ako ng tingin. "Huwag kang ano diyan, Tintin! Kala mo di ko nakita na kaholding hands mo si captain? Ha! Nakuha mo pang lumandi ha samantalang patay na patay ka naman kay Sebastian."

Agad na namula ang pisnge ko dahil sa sinabi niya.

Nakita niya pa 'yon!?

"P-pinagsasabi mo! Gago tinulungan lang ako noong tao! Issue ka lucas!"

Ngumisi siya sa'kin tsaka pinaliit ang mata. "Ah sus! Kala mo maiisahan mo ako ah! Naur way!"

Agad na tinampal ko ang braso niya dahil baka marinig siya nina Kairos.

"Manahimik ka! Guwapong gwapo ka nga din diyan kay Alexander, eh!" Pagdepensa ko.

"Ulol niya! Guwapo nga masama naman ugali! Tse!" Inis na angal niya.

Binangga ko ang braso ko sa braso niya para tuksuin siya. "Oy! Hindi dineny! Nagaguwapohan ka nga talaga."

"Here's the cab." Nagulat kaming dalawa ng nagsalita si Kairos. Agad akong tumango at ngumiti sakaniya.

"Thank you, ha."

Tumango siya at binuksan ang pinto para makapasok kami.

Grabe gentleman! Ibang iba sa awra niya na cold at snob.

~

Alexander Pierce (Point of View)

Nakatanaw kami ni Iros sa papalayong taxi. Hindi pa din mawala sa isip ko 'yung pag-iyak niya. Maybe, I got too far.

Damn

Hindi ko naman intensiyon na paiyakin siya eh. I swear! I just want to tease him! Ihahatid ko talaga sana siya sa skyline kasi akala ko namali siya ng punta dito sa Lunar.

"Pierce, why did you do that?" Tanong ni Kairos habang nakatingin sa taxi. Kinakabisado siguro yung plate number ng taxi.

"I was just teasing him, but maybe I got too far."

Lumingon si Kairos sa'kin at ngumisi. "Glad you're aware. You fucked up."

Ngumiti at napakamot ng ulo. "I know..." mahinang sagot ko. "Tara na sa loob. Baka kanina pa tayo hinahanap ni Wolfe."

"Yeah."

Pumasok na kami sa loob at bumungad kaagad ang malakas na sound at ang amoy ng alak tsaka yosi. Naglakad kami sa table namin kung saan ang mga kasamahan namin sa basketball at nakita ko kaagad si Ethan na may kandong na babae. Nagkatinginan kami ni Kairos at umiling.

Ethan is such a damn player.

"Oh, brothers! Sa'n kayo galing?" Nakangiting bungad niya samin. Iginaya niya paalis ang babae sa kandongan niya at ipina-upo sa tabi niya.

"Diyan lang." Ako na sumagot. Alam ko naman na hindi sasagot si Kairos eh.

Kinuha ko ang isang baso na may inumin tsaka deretsong ininom. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at nagdadalawang isip kong hahanapin ko ba ang social media account ni Lucas.

Don't get me wrong! I'm not gay! I just find him cute kapag naiinis o nagagalit siya kasi para siyang pusa. Namumula ang ilong at pisnge kapag naiinis o nagagalit.

Also, I want to apologize. Hindi naman ako ganon kasama.

Habang nag-iisap may tumabi sa'king babae pero wala ako sa mood makipaglandian.

"Hi!" The girl greeted me with a flirty tone.

Binalingan ko siya sandali at mabilis na binalik ang tingin sa cellphone ko.

"Yes!" Masayang ani ko ng makita ko ang Instagram account ni Lucas.

Lucas Knight

Agad na nag follow request ako since nakaprivate account siya. Nakangiti ako habang inaantay na i-accept niya.

"Hello? Alexander, I'm talking to you," inis na reklamo ng babae.

"And I'm not," mabilis na sagot ko.

Rinig ko ang pagtawa ng ibang kateam namin. Padabog na tumayo ang babae.

"Jerk!" galit na sigaw niya tsaka nakita kong tatabi sana siya kay Kairos pero malamig na tingin ang binigay ni Iros sakaniya. Mukhang natakot naman ang babae at mabilis na umalis sa table namin.

Gago talaga 'tong si Iros! Tinakot ba naman.

Napabalik ang atensiyon ko sa phone ko ng may lumabas na notification.

@Lucas_Knight accepted your request.

Lumapad ang ngiti ko habang tinitignan ang pangalan niya. Hindi na ako nagsayang ng oras at minessage na siya kaagad.

Ako: Hey! I just want to apologize about earlier. Hindi ko naman gusto na paiyakin ka.

Uminom muna ako ng alak habang hinihintay ang reply niya. Medjo natagalan pa ng ilang minuto bago niya nakapagreply.

Lucas: Himala

Lucas: Apology denied!

Lucas: Hmp! Kala mo marupok ako porket pogi ka? Naur! Hindi!

Hindi ko alam kung bakit napangiti pa din ako sa reply niya. Dapat mainis ako kasi nag sorry na nga eh, pero hindi! Parang natuwa pa 'ata ako?

Tangina ano nanaman 'to, Alex?

✓ FATE | SUNKI FFWhere stories live. Discover now