Chapter 15

56 9 57
                                    

Destin Hart (Point of View)

"Sa tingin mo papayag si Kairos na magpakasal sa iba?" Tanong ni Lucas, ang tono ng boses niya ay para bang napaka-impossible na mangyare 'yon. "Don't underestimate his love for you, Tintin. Saksi ako sa pagmamahalan ninyong dalawa...sa tingin mo talaga magagawa niya pang magpakasal sa iba? That man is crazy for you, tin! Kahit ano 'atang taboy ang gagawin mo doon hinding hindi ka iiwan noon..."

Tama ka. Bakit ko ba naisip 'yon?

Pinahid ko ang luha sa pisnge at nginitian si Lucas. "Tama ka. Baliw sa'kin 'yon, eh."

"And why are we even talking about sa patay patay na 'yan. Walang mamamatay dito! Tatanda pa tayong magkasama kaya 'wag kang atat! Okay?" Pagsusulplado niya.

Umiling nalang ako at tumingala para hanapin ang bituin na binili ni Kairos para sa'kin. There he is...shining brightly. It feels like it's telling me to have faith.

Mga ilang araw na akong pabalik balik sa hospital para sa mga tests na kailangan gawin. Laging nagtatanong sina mama at papa kung saan ako pumupunta kaya ni rarason ko nalang ay naghahanap ng motivations for my upcoming exhibition. I usually paint landscapes. Gustong gusto kong i-paint ang mga lugar at never pa akong nagpinta ng tao kasi...I'm no pro in that field.

Unang test na ginawa ay ang complete blood count o CBC kasi ito daw ang mag-i-identify kung anong type of leukemia ang meron ako. Madali lang naman 'yon, kinuhaan lang ako ng dugo at ang result daw ay three to five days pa lalabas. Next ay ang bone marrow biopsy dito naman malalaman kung anong characteristics ng abnormal cells makikita sa bone marrow ko.

Ngayong araw lalabas ang results ng mga tests na ginawa kaya nandito na ako ngayon sa opisina ni Dr. Suarez, nasa harap ko siya at tinitignan ang mga test results ko.

She looks at me with a gentle smile. "Are you ready, Mr. Hart?" Kahit kinakabahan, tumango ako.

"I have the results of your diagnostic tests right here," she began, her voice gentle yet resolute. "Unfortunately..." It's bad news. Unti unti nawala ang pekeng ngiti na pinapakita ko kanina. "The tests confirm that you have acute myeloid leukemia with high-risk cytogenetics. To explain this more thoroughly...this arises from the abnormal myeloid cells which are responsible for producing red blood cells, white blood cells, and platelets. These abnormal cells multiply rapidly, crowding out healthy blood cells and impairing their normal function," she paused and stared at me to examine my expression.

"Additionally, based on the extent of cancer involvement, your leukemia is classified as stage three...meaning kumalat na sa buong katawan mo. I'm sorry to say this, Mr. Hart, but you need to get admitted as soon as possible para masimulan na ang pagche-chemotherapy mo at para mamonitor ka ng mabuti," she added.

"Nasabi mo na ba sa magulang at fiance mo ang about dito?" She asks again dahil kanina pa ako natahimik at hindi alam ang gagawin sa impormasyon na sinabi niya kanina.

I have stage three cancer.

Umiling ako, tulala.

"When do you plan to tell them?" Nag-iwas ako ng tingin 'tsaka yumuko. "Hindi naman sa nanghihimasok ako hijo pero bilang isang magulang, I think your parents and fiance deserve to know the truth. You deserve someone who'll be there to support you habang nilalabanan mo ang sakit na 'to. You should not face this alone kung may mga tao naman na handa kang tulungan," she said with a gentle forming smile.

"N-natatakot po ako, dok..."

"Sino ba naman ang hindi, hijo?" She took my hand and gently squeezed it. "Mas nakakatakot kung mag-isa mong lalabanan lahat ng 'to, hijo."

✓ FATE | SUNKI FFWhere stories live. Discover now