Chapter 09

75 12 20
                                    

Destin Hart (Point of View)

"May gamot ka ba don sa condo mo?" Tanong ko habang nagmamaneho siya. Hindi ko siya nililingon o tinitignan man lang, nasa harapan lang ang atensiyon ko kahit alam kong bumabaling siya minsan sa'kin.

Bad trip talaga ako, eh.

Rinig ko ang malalim na pagbuntong hinga niya. "Yes, my mom prepared a medicine kit in case something like this happened."

"Ah, mabuti naman." Tipid lang na sagot ko at binalot na ulit kami ng katahimikan. Wala umimik hanggang sa makarating na kami sa building ng condo niya.

Nakita ko mula sa peripheral vision ko na inalis na niya ang seatbelt niya kaya ganon din ang ginawa ko. Akala ko lalabas na siya ng sasakyan pero hindi, kaya tinignan ko siya. "Hindi ka pa ba lalabas?" Nagtatakang tanong ko.

Yumuko siya at biglang hinawakan ang kamay ko, nagulat ako dahil don. "B-bakit?" Nauutal na tanong ko. Sinubukan kong hilahin ang kamay ko pero mas hinigpitan lang niya ang kapit.

"Did I do something wrong?" Seryosong ang mukha niya ng tinignan niya ako. Napalunok naman ako at hindi makatingin ng deretso sa kaniya. "Destin..." sobrang lambing ng boses niya ng tinawag niya ang pangalan ko. "Look at me, please." Hindi ko nga kaya! Rurupok ako! "Baby, what's our problem?" He placed his hand on my jaw and gently tilt my head to face him.

Napatitig ako sa mga mata niya at sobrang lambot ng expression na binibigay niya sa'kin. Hindi 'to ang Kairos Sullivan na kilala ko! Cold at snob 'yon!

"W-wala namang p-problema." Shit! Bakit ba ako nauutal?

Nakatitig lang siya sa'kin hanggang sa napunta ang tingin niya sa labi ko. "No, I know there is." Mabagal na pagkakasabi niya habang nakatingin pa din sa labi ko. Umubo ako ng peke kaya lumipat ang tingin niya sa mga mata ko.

"Wala nga!" Pasigaw na sagot ko sabay iwas ng tingin sakaniya.

I heard him sigh. "How can we fix this if you won't tell me what's going on?" His voice is gentle and soft.

Ngumuso ako at naglakas loob na tignan siya. "Please, huwag kang ganyan, Kairos. Ayokong ma-misinterpret ang actions mo."

"Misinterpret my actions? Like what?" Nagtatakang tanong niya, kunot na ang noo niya habang tinititigan ako.

"Na ano...na baka gusto mo...'ko," pabulong na sagot ko.

Unti-unting nawala ang pagkakakunot ng noo niya. "You interpret it right," he replied casually.

"H-huh?" Gulat na tanong ko. Tama ba ang narinig ko? Baka naman pinagtitripan lang ako nito.

He smiled softly. "You're right. I like you, destin." Pota? Di man lang nautal!

"Ha!? Pag ako pinagtitripan mo, Sullivan. Nako! Makakatikim ka sa'kin!"

"Makakatikim? Talaga?" Oy pota! Ang wild ni Papi.

Peke akong tumawa at pinalo siya. "May lagnat ka nga talaga! Kung ano ano sinasabi mo, eh."

Pero totoo kaya 'yon?

"You just hit my wounds," nakangiwing sabi niya kaya napatingin ako sa balikat niya. Ay, oo nga!

"Hala sorry! Nakalimutan ko!" Hinawakan ko siya don pero agad niya hinuli ang kamay ko at hinila ako papalapit sakaniya muntik na akong masubsob sa dibdib niya. Bakit kasi di niya nilakasan!? Landi ko pota!

✓ FATE | SUNKI FFWhere stories live. Discover now