Chapter 16

59 11 13
                                    

Destin Hart (Point of View)

Nakaupo kaming dalawa ni Lucas sa sofa. Nakahilig ang ulo niya sa balikat ko habang nanonood kami ng movie. Paminsan minsan tinitignan ko ang phone ko kung may text ba si Kairos pero wala naman at 10 PM palang naman kaya baka nag-iinoman pa silang tatlo nila Ethan at Alexander.

"Tingin mo happy ending 'to?" Tanong ni Lucas kahit na sobrang focus siya sa pagnonood. I love Lizzy. Yung bagong movie ni Carlo at Barbie na based sa real life.

"Hindi ko alam, sabay lang tayo nanonood dito oh," pabalang na sagot ko. "Does it really matter if it is a happy ending or not?" Nagtatakang tanong ko.

Patapos naman na ang movie. Nasa dulo na kami pero atat lang talaga si Lucas na malaman ang ending.

Inalis ni Lucas ang ulo niya sa balikat ko tsaka ako tinignan. "Malamang! Nakakatrauma na kaya manood ng sad endings!"

"Hindi! I mean...is there such thing as a sad ending?"

"Parang tanga naman! Syempre! Pagnamamatay o kaya iniiwan ang bida! Sakit kaya maiwan..." Naging bulong nalang ang panghuling sentence.

"Pero baka naman may rason kaya iniwan," sabi ko sakaniya.

"Ah! Basta taposin na muna natin 'to!" Bumalik na ulit siya sa paghilig ng ulo niya sa balikat ko tsaka nagfocus na ulit kami sa panonood.

Ilang minuto pa ang lumipas. Rinig ko ang pagsinghot ni Lucas habang pinapahid ang luha niya. Nasa point of view na kami ni Father Jeff.

"Gago! Ang sakit!" Umiiyak na sabi ni Lucas.

Mahina akong tumawa tsaka tinulungan siya sa pagpahid ng luha niya. "See? I told you may rason din naman ang nang-iiwan. Hindi naman sa gusto talaga nilang umalis, sadyang may nagsasabi lang talaga na hindi sila pwede sa isa't isa."

"P-pero kasi..."

"It's not a bad or sad ending after all. Father Jeff sacrificed himself to save the person he loves. It's selfless but that's love, Lucas. Right person, wrong time nga kumbaga. Just like he said, hindi lahat ng nang-iiwan hindi nasasaktan,"

"Ang hirap basta oras o tadhana ang kalaban, Lucas," dagdag ko.

"Wala kang kawala. Wala kang laban..."

Tumigil na si Lucas sa kakaiyak pero kunot-noo niya lang ako tinititigan ng mariin.

"Destin," tawag niya sa'kin. May nagbabadyang luha nanaman sa mga mata niya. "Tapatin mo nga ako..." Napalunok ako sa paraan ng pagsasalita niya. Seryoso ang mukha niya pero makikita mo na parang pinipigilan niya ang sarili niya, na parang walang kwenta ang mga iniisip niya.

Nginitian ko siya. "Seryoso mo naman. Ano ba 'yon?"

"Sana naman mali ako ng iniisip..." Tumigil siya sandali. "Last time kasi habang papunta ako sainyo nakita kita na nagd-drive paalis. I want to surprise you sana kasi kakadating ko lang galing probinsiya. S-sinundan kita..." Nanginig ang boses niya. "Sa hospital ka pumunta. A-anong ginawa mo doon? Hindi lang isang beses kita nakita na pumupunta doon. Mga ilang beses pa. D-destin, ayos lang ba ang lahat?"

"Hindi ko mapigilang mag-isip ng kung ano ano. You were all weird about talking stuff like mamamatay o may ilang buwan nalang na natitirang buhay. You become so sentimental. H-hindi naman tama 'tong nasa isip ko, di ba?"

Pilit na pinipigilan ni Lucas ang luha niya. "P-please reassure me. Ayokong nag-o-overthink," pagmamakaawa niya.

Naghuhumarantado ang puso ko sa kaba. Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin. Sumasakit ang puso ko. Kinakabahan ako.

✓ FATE | SUNKI FFWhere stories live. Discover now