Chapter 07

75 10 8
                                    

Destin Hart (Point of View)

Ano kaya nangyare kay Kairos? Mukhang badmood kanina pa, eh.

"You'll drink?" Nagulat ako ng biglang lumapit si Sebastian sa'kin at bumulong. Pagkalingon ko sakaniya medjo nagbanggaan pa ang tungki namin sa sobrang lapit niya.

I instantly blushed and looked away. Umupo ako ng maayos at umusog ng konti. Not that I don't want us to be close! Nahihiya kasi ako tsaka kinikilig!

Rinig kong tumawa ng mahina si Sebastian kaya napalingon ulit ako sakaniya.

"I-iinom ako," mababang sagot ko.

I think I wasn't audible kasi bigla niya nilapit amg mukha niya sa'kin.

"What? I didn't hear you," pagpapaulit niya sa'kin.

Hindi ko mapigilang mamula dahil sa lapit nanaman ng mukha niya. "Iinom ako!" Pasigaw na sagot ko para marinig niya.

Umayos ng upo si Sebastian tsaka tumango. Kumuha siya ng baso tsaka nilagyan ng alak at binigay sa'kin. "Here. Konti lang para di ka masyadong malasing," nakangiting aniya. Ngumiti din ako tsaka kinuha ang baso sa kamay niya.

Mga nakailang shots na siguro ako ng makita kong naglalakad na pabalik si Kairos sa table namin. Kita ko pang hinaharangan siya ng ibang mga babae pero wala naman siyang emotion na pinapakita 'tsaka may sinasabi siya na nagpapaalis sa mga babae.

Nagulat ako ng biglang dumapo sa'kin ang titig niya kaya nagkatinginan kami saglit bago ako umiwas ng tingin at ininom ang alak na hawak ko. Pinalibot ko ang tingin ko sa table namin at mukhang tipsy na yung iba. Wala na sina Hayes at Ethan sa table namin maghu-hunting daw ng chicks. Si Sebastian naman nasa tabi ko pa din tahimik lang na umiinom, habang yung dalawa na si Alexander at Lucas ay may sariling mundo.

Naramdaman kong lumubog ang upuan sa tabi ko kaya napalingon ako kay Kairos at maliit siyang nginitian.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko, nakatitig lang siya sa'kin at sa baso ng alak na hawak ko.

Tumango si Kairos bago kumuha ng baso at tuloy tuloy na uminom ng alak. "I'm fine."

Parang may problema siya eh.

Ngumuso ako at uminom nalang din. Naramdaman kong umusog papalapit si Sebastian sa'kin tsaka nilagay niya ang braso niya sa uluhan ng inuupuan ko. Shit naman!

"Are you sleepy? Sabihin mo lang kung gusto mong sumayaw sa dance floor. Samahan kita," bulong niya sa'kin. Napabaling ako sa mga kasamahan namin at nakita ko ang panunukso sa mata ni Lucas habang nakatingin samin ni Sebastian. Pagbaling ko kay Kairos nakita ko siyang nakatingin samin pero ng makitang nakatingin ako agad siyang umiwas ng tingin at uminom.

"O-okay lang, seb! Di naman ako marunong sumayaw, eh. Baka pagtawanan lang ako ng mga tao don," nahihiyang sagot ko kay sebastian.

Umiling siya sa'kin tsaka malapad na ngumiti. "Nah, let's go dance. Akong bahala sa'yo." Tumayo siya tsaka hinawakan niya ang kamay ko at tinulungan ako sa pagtayo.

"Hindi na seb! Nahihiya talaga ako eh!" Natatawang ulat ko pero hinila lang ako ni sebastian, naapakan ko tuloy paa ni Kairos. "Hala! Sorry kai!" Tarantang sabi ko sabay tingin sakaniya at sa paa niya. "Masakit ba?" Gago! Kinakabahan tuloy ako!

Blanko lang ang mukha niya. "No. Just go."

Bad mood nga talaga!

"Sorry talaga ha." Hindi ako tumingin pa sakaniya at sumama nalang kay Sebastian kasi nahihiya na din ako don. Hindi ko alam pero bigla akong nawalan ng gana.

✓ FATE | SUNKI FFWhere stories live. Discover now