Epilogue

122 6 43
                                    

Destin Hart (Point of View)

The war is not yet over.

I am still fighting the battle between life and death.

Some days, it feels like I am on the edge of a precipice, teetering between life and death. But I refuse to let this disease define me. I am more than just a patient, more than the medical jargon scrawled on my chart. I've been staying in the hospital for too long now. Namimiss ko na ang kalayaan na meron ako noong wala pa akong sakit. The simple pleasures that I have once taken for granted. To feel the warmth of the sun on my face, to walk barefoot on the grass, to lose myself in laughter without the haunting presence of illness lingering in the shadows.

Leukemia has become my unwelcome companion, a constant reminder of my mortality. It seeps through my bones, taints my blood, and tests my willpower. Pero ito ako ngayon... patuloy na lumalaban. How can I give up when my loved ones have hope for me? Pano ako susuko kung alam kong may rason pa ako para mabuhay?

I refuse to let this illness break me.

Every day, gumigising ako at pilit na pinapatatag ang sarili para harapin ang panibagong araw na walang kasiguradohan. Minsan aaminin ko... may mga oras talaga na parang nawawalan na ako ng pag-asa... despair knocks at my door, whispering doubts and planting seeds of hopelessness. The weight of the unknown presses upon me, threatening to crush my spirit. Pero every time na nasa ganoon akong situation just by simply looking at the people I treasure here inside my hospital room parang nawawala ang dilim na tumatabon sa isip ko, nawawala ang bigat sa balikat ko, nawawala ang sakit sa dibdib ko. They are my source of strength. Sila ang natatanging rason kung bakit gusto ko pang mabuhay ng matagal. At some point, alam ko mamamatay din tayong lahat, doon din ang punta natin. Pero kung pwede pang habaan ng konti ang buhay ko then so be it kahit ilang taon lang.

Kairos made my years with him feel eternity. Every day is forever with him.

"Are you ready to go home, Mr. Hart?" Tanong ni Dr. Suarez na nakapukaw sa atensiyon ko. Nakaupo ako sa sofa malapit sa hospital bed. Ngayon pinayagan na akong umuwi, hindi pa ako magaling I still need to go here every week for my check-up, pero pwede na din akong umuwi. I was ecstatic to hear that news. Nababagot na din ako dito sa hospital. I miss home.

Tumango ako kay Dr. Suarez at ngumiti. "Maraming salamat po talaga, dok..." Hinawakan ko ang kamay niya para malaman niya kung gaano ako ka thankful sakaniya.

She smiled genuinely. "It is my duty, Mr. Hart. Maraming salamat din dahil hindi ka sumuko. You're such a strong person, hijo."

Nagpasalamat sina mama at papa kay Dr. Suarez, she made a short briefing about the do's and dont's then after that hinayaan na niya kaming umalis. Pagkalabas na pagkalabas namin sa hospital, napapikit ako at dinama ko ang pagtama ng init sa mukha ko. The soft air that touches my whole body feels so good. Habang nakapikit naramdaman ko ang malambot na kamay ni mama na humaplos sa braso ko kaya napamulat ako. Binalingan ko siya, malambot ang ekspresiyon ng mukha niya at na namumuo ang luha sa mga mata niya habang tinititigan ako, para bang ako ang pinakamahiwagang bagay na nakita niya.

I offer her a soft smile at hinila siya para yakapin. "Hindi dapat tayo iiyak ngayon, Mama. Dapat masaya tayo kasi lalabas na ako. Uuwi na tayo sa bahay." Sabi ko habang marahan na hinahaplos ang likod niya. Naramdaman ko ang pamamasa ng balikat ko. Rinig ko ang mahina niyang pagtawa.

"Masaya lang ako, Anak. Happy tears iyan. Masayang masaya lang ako dahil gumagaling kana, Anak." Sagot niya habang pinapahid ang luha at sumisinghot na parang bata.

Sa gilid ng mga mata ko nakikita ko ang mabilis na pagpahid ni papa ng luha niya. Pagbaling ko sakaniya agad siya umayos ng tayo at ngumiti. Maluwag akong napangiti habang pabalik balik na tinitignan silang dalawa ngunit naputol lang iyon ng may bumusinang sasakyan. Pagkalingon ko agad kong nakilala ang may-ari ng sasakyan na iyon. Dahan dahang binaba ni Kairos ang bintana ng kaniyang sasakyan at nakangiti kaming tinitignan. He parked his car in front of us at agad na bumaba para tulungan si Papa sa mga gamit kahit na sinabihan na siya ni papa na huwag na, but he insists.

✓ FATE | SUNKI FFWhere stories live. Discover now