Chapter 11

67 10 2
                                    

Lucas Knight (Point of View)

Wala na 'ko sa mood. Potanginang impakta!

Habang tinatanaw ko si Destin na naglalakad palayo parang sumasakit din ang dibdib ko. Alam ko kahit na nakangiti siya kanina, alam na alam ko kung nasasaktan ba siya o hindi. Kilala ko na buong pagkatao non. Hindi ko alam na malalim na pala ang nararamdaman niya para kay Captain, hindi ko pa siya nakitang umiyak sa lalaki noon. Nagkakagusto man pero paghindi nagiging successful, nakakamove on naman kaagad.

Napalingon ako ng pinalibot ni Alexander ang braso niya sa balikat ko. Dahil bad mood ako masama ang tingin na binigay ko sakaniya. Wala! Damay damay na 'to!

Agad na inalis ni Alexander ang braso niya at nagtaas ng dalawang kamay na tila sumusuko agad. "Woah! What did I do? What's with the killer look?" Nakangisi ngunit nagtataka niyang tanong.

"Wala! Congrats!" Pagalit na bati ko, magsasalita pa sana si Alexander ng bigla akong umalis sa harapan niya at nilapitan si Sullivan na ngayon kaharap ang bruhang babae.

Pagkalingon ni Sullivan sa'kin agad na iginala niya ang tingin niya sa likod ko at mukhang may hinahanap. Mabali sana leeg mo.

"Congrats," labas sa ilong na bati ko sakaniya sabay tingin sa babae at tinaasan siya ng kilay. "Sino ka naman?" Wala na akong pakealam kung ang pangit ng approach ko, pangit naman siya bagay lang sakaniya 'yon.

Nangunot ang noo ng babae pero maya maya ngumiti siya ng matamis sabay lahad ng kamay sa harap ko. "I'm Diane Almaiz. Iros first love." First love ampota.

Tinignan ko lang ang kamay niya at nakita kong unti unting nawala ang matamis niya ngiti at napalitan ng malditang ekspresiyon. Binaba niya na ang kamay niya tsaka lumapit kay Sullivan. Sinukbit niya ang kaniyang kamay sa braso ni Sullivan.

Naramdaman kong lumapit si Alexander sa likod ko. "Why are you being rude, Lucas?" Hindi ko siya sinagot pero sinamaan ko lang ulit siya ng tingin. Walang ibang aapi kay Destin kundi ako lang.

Tinignan ko ng matagal si Sullivan at nakita ko naman na inalis niya ang ng babae mula sa braso niya. "Totoo ba ang sinabi ng babaeng 'yan, Sullivan?" Walang emotion na tanong ko.

Ngunit imbes na sagotin ako, tinanong niya din ako. "Did you come here alone?" His eyes were hopeful.

Sasabihin ko ba?

Di niya ako sinagot 'di ba? Ganon din gagawin ko.

"Girlfriend mo ba 'yang babaeng 'yan?" Tanong ko sabay ngiti ng peke.

"No." Si Sullivan

"Yes." Yung impakta.

Agad na kumunot ang noo ni Sullivan at binalingan ang babae. "Shut up, Diane. And can you please leave?" Rinig sa boses ni Sullivan ang inis.

"But-"

"Fuck it! Just leave."

Namuo ang luha sa mata ng babae pero hindi na siya nagpumilit pa at laglag ang balikat na naglakad paalis.

Seryoso ang mukha ni Sullivan ng binalingan ako. "Answer me, please. Did Destin come here?"

Nag-iwas ako ng tingin sabay yuko. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sakaniya na nakita ni Destin na may kahalikan siyang babae o hindi. Pero ano...kailangan nilang mag-usap siguro?

"Oo, pero umuwi na. Sumakit ang tiyan dahil sa kape. Congrats nalang daw," sagot ko. Tama naman, 'yan sinabi ni Destin sa'kin.

Nang tinignan ko si Sullivan mukhang hindi pa siya convinced sa sinabi ko pero bahala siya!

✓ FATE | SUNKI FFWhere stories live. Discover now