Chapter 13

72 11 12
                                    

Destin Hart (Point of View)

Kairos and I went to the amusement park that day. Sobrang saya. As in sobra. I didn't know that he'll be this fun person to be with kasi nga sobrang seryoso niya. Gabi nako nakauwi ng araw na 'yon, totoo nga ang sinasabi nila na when you're having fun mas bumibilis ang oras hanggang sa hindi mo na namamalayan na isang araw nanaman ang papalubog at panibagong araw nanaman aahon.

Being with Kairos was the happiest day of my life. Halos araw araw 'ata kami gumagala and there was never a dull day with him. Kahit 'ata magfi-fishball lang kami diyan sa kanto sobrang saya na. Kairos always finds a way to make time for me kahit na sobrang busy na nila since they're graduating.

Ilang buwan na din pala siyang nanliligaw sa'kin at ngayon...ewan ko nalang kung gusto ko pa ba siya o...mahal ko na.

Kairos:

Hello, beautiful! Do you have time later?

Pagbasa ko sa text niya. Hindi ko na kaagad mapigilang ngumiti. Jusko malala kana destin! Umiling ako dahil sa inisip ko at nagtype ng reply.

Ako:

Naman! Ikaw pa! Bakit aayain mo nanaman ba akong magdate?

Kairos:

No, it's a formal event. Our company is having a party for the success of their new brands.

Can I bring you as my plus one?

Hindi pa ako napapakilala ni Kairos sa parents niya pero ang sabi niya sa'kin kilala na daw ako kasi lagi siyang nagku-kuwento sa mama niya. At nalaman ko din na may sakit pala ang mama niya kaya nga noong last month wala siya kasi pumunta silang states para sa therapies ng mommy niya.

Nandoon kaya parents niya? Ay, bobo ka ba destin? Malamang! Party ng kompanya nila 'yon!

"Lucas! Hoy!" Tawag ko kay lucas na kanina pa nanonood ng TV. Hindi ko alam, ha, pero ang tamlay na ni Lucas. Hindi naman siya nagku-kuwento sa'kin kaya minsan gustong-gusto ko na talaga siyang tanongin pero mukhang ayaw pa niya sabihin.

Nilingon niya ako at kinunotan ng noo. "Ano? Emergency ba 'yan?"

"Inaya ako ni Kairos sa party ng kompanya nila! Mamaya na daw. Anong gagawin ko? Ano irereply ko?" I said, nervously.

Umayos ng upo si Lucas at mukhang nag-iisip. "Sumama ka na. May mga formal na damit ako don sa cabinet. Alam ko naman na gusto mong sumama, eh."

"Ih, hindi naman 'yon ang problema...nandoon mama at papa niya."

Lucas brows furrowed. "Ih, ano naman?"

Ngumiwi ako dahil sa sinabi niya. "Syempre! First-time ko silang mami-meet! Pano kung di nila ako magustohan? Pano kung bibigyan ako ng million ng parents niya tas sasabihan na layuan si Kairos!?"

Malakas na tumawa si Lucas. "Kunin mo ang pera! Tapos ano maging sneaky link nalang kayo ni Kairos! Mas exciting pa 'yon!"

Binato ko siya ng lukot na papel pero nakailag pa ang bwesit. Hindi ko na siya pinansin at nagreply nalang kay Kairos na baka kanina pa nag-aantay ng reply ko.

Ako:

Sureee! Anong oras ba?

Hindi man lang nainabot ng isang minuto nakapagreply na kaagad siya.

Kairos:

Yes!

I'll fetch you later around 6 pm. Also, I have something for you. It's prolly on its way there. :)

✓ FATE | SUNKI FFWhere stories live. Discover now