TC#31 : Morphrealm

920 39 18
                                    


TC#31 : Morphrealm

Arko's POV

Nandirito kami ngayon nila Dran sa harapan ng tarangkahan ng Xanadu Scolu. Papunta kami sa Morphrealm kung saan idadaos ang kasal ni JL at Ces. Ewan ko kung paanong biglaan ang kasal. Basta ang alam ko ay ilang buwan na itong itinakda.

Tungkol naman sa Tassein Czar battle, ang preliminary rounds ay natapos na at sa kasamaang palad. Iisa lamang sa guild ang nakapasok sa second round. Siguro'y malalakas talaga ang mga alliance kaya't hindi sila agad nalaglag sa laro.

Bilang pag-galang sa emperyo ng Morphrealm ay itinigil pansamantala ang battle upang ipagdiwang ang napipintong kasal ng Dauphin ng Morphrealm na si JL Zoic. Kaya't heto kami ngayon at hinihintay ang sundo namin.

Masaya kong pinagmamasdan ang mga kasama kong nagkukulitan. Parang, walang nangyari sa'min nitong nakaraan. Hays, siguro nga'y hindi na ako masasanay na makipaglaban. Makauwi lang ako sa Elementalika ay hindi na ako babalik pa sa siyudad na ito.

Biglang sumagi sa utak ko si Minos. Ang pagkamatay niya. Ako naging dahilan nun.

Napapikit ako ng mariin. Bakit ako nakapatay?

Dalawang araw ko na rin itong iniisip ngunit hanggang ngayon ay nababagabag pa rin ako.

"Ayos ka lang ba Arko?" nag-aalalang tanong ni Jen.

"Ahh, Oo naman" sagot ko at pilit na ngumiti.

Nandirito si Jen kasama namin papunta sa Morphrealm. Isinama siya ni Dran upang makita nito ang bansa. Nakakainggit. Nagseselos ako. Alam kong hindi dapat dahil wala naman kaming mas malalim na relasiyon ni Jen bukod sa pagkakaibigan ngunit masama bang isipin na bakit sobrang lapit na ni Dran at Jen sa isa't-isa gayong maikling panahon pa lamang silang magkakilala?

Nawala ang iniisip ko ng biglang magsalita si Nie.

"Hay salamat! Unang beses nating makakalabas ng Xanadu Scolu ng legal, di'ba Dranny boy? at boy o.a?" sabi ni Nie nakatayo sa tapat mismo nang tarangkahan.

"Haha! Oo nga nuh? Oh! Ayan na pala ang sundo natin eh" ani Dran habang nakatingin sa mga karuwaheng papalapit sa'min.

Ang mga karuwahe ay kulay itim at pula na pinalamutian ng mga gintong dragon na disenyo. Ang pinaka-unang karuwahe at pinakamalaki ay gawa sa salamin at hila-hila ng apat na puting kabayo.

Napakaganda.

"Mahal na Dauphin, nalulugod po kaming makita kang muli" ani isang lalaki na lumabas mula sa pangalawang karuwahe. May suot siyang itim na coat at pantalon. Mukhang isang bantay.

Inanyayahan sumakay si JL at Ces sa unang karwahe ngunit kami ay hindi pinahintulutang makasama sa kanila. Sabi ng bantay, kahit na isa kaming malapit na kaibigan ng Dauphin ay marapat lamang na bigyan namin ng respeto ang posisyon nito. Kaya ngayon, heto kami nakasakay sa pinakahuling karuwahe.

"Bakit ka ba kasi sumama ditong babae ka? Huwag ka nga lumingkis sakin!" sigaw ni Nie habang pinipilit alisin ang nakasandal na si Lily sa balikat niya. Sa harapan ko silang dalawa nakaupo.

Ngumuso ang dalaga at humalukipkip. "Ang sama mo. Sumandal lang, lumingkis agad? Inaantok ako Nie"

Natawa ako nang biglang umirap si Nie na parang babae at tumingin na lamang sa bintana ng karuwahe. Silang dalawa talaga, madalas na magbangayan. Akala ko, lahat ng babae lalandiin ni Nie kapag nakita niya ito. Di'ko inaasahan na ang isang tulad niya ay may tatakbuhan at tatanggihang babae.

Nakangiti ko lang silang pinagmamasdan. Sumandal ulit si Lily kay Nie at pumikit samantalang ang lalaki ay hindi na lang nagreklamo.

Ngunit kahit na nangingiti ako sa dalawa ay hindi naman talaga ako masaya. Di' ko magawang lumingon sa kanan ko, kung saan nakapwesto sina Jen at Dran. Parang, magkaka-stiff neck ako dahil sobrang iniiwasan kong mapadako ang paningin ko sa kanila. Pero hangga't maaari, ayoko silang makita. Masasaktan lang ako.

Si Del naman, ay hindi sumama. Sa di'ko alam ba dahilan ay may importante raw siyang aasikasuhin.

Napabuntong-hininga ako at tumingin na lang sa tanawin. Papasok na siguro kami sa Morphrealm dahil sa mga naglalakihang mga rock formation na kasing laki ng isang bundok.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang isang lalaking nakasakay sa likod ng isang kulay puting ibon, hindi, parang babae. Isang babaeng may pakpak ng isang ibon.

Naalala ko ang sinabi sa scroll na ipinadala sakin ng angkan ko. Dalawang lalaking nakamaskara ang sumugod sa aming pamayanan. Ang isa ay maliit at ang isa ay matangkad. Ang matangkad na lalaki ay may kinokontrol na isang espiritu na representasiyon ng hangin, isang diwata ng hangin.

"Ang Einfreren Helada?" bulong ko. Nabigla ako nang lumingon sakin ang nakamaskara at sa isang iglap ay bigla itong naglaho.

Napuno ng galit ang dibdib ko. Gusto ko na itong habulin at sundan nang bigla akong tawagin ni Dran.

"Ayos ka lang ba Arko?" aniya. Napansin niya siguro ang pagkuyom ng kamao ko.

"Ahh, o-oo" sagot ko at pasulyap na tumingin sa bintana bago ibinalik ang pangin kay Dran.

Napansin kong tumingin siya sa bintana at sumeryoso ang mukha.

'Nakita niya rin ba?'

"Ito na ba ang Morphrealm, Dran?" tanong bigla ni Jen.

Napaiwas ako ng tingin sa kanila at ibinalik ang paningin sa tanawin sa bintana. Lampas na nga kami sa mga rock formation at mga naglalakihang bahay ang nakikita ko, namin pala. Ang mga bahay ay may napakaraming palapag at lahat ay gawa sa laryo bilang haligi at tisa para sa bubong.

"Oo Jen, ito na ang Morphrealm. Kung mapapansin niyo, ang mga bahay dito ay naglalakihan. Karamihan kasi rito ay binubuo ng mga maharlikang angkan kaya ganyan ang istruktura nila rito" paliwanag ni Dran.

Napatingin ako kay Nie. Nakatulog na pala silang dalawa ni Lily. Ang cute nilang dalawa. Si Lily, nakahilig sa balikat ni Nie samantalang si Nie ay nakapatong ang ulo sa ulo ni Lily. Para silang magkasintahan.

Biglang tumigil ang karuwahe at narinig ko ang halinghing ng mga kabayo sa labas na pinapatahimik ng mga kutsero.

Binuksan ng lalaking nakaitim na coat ang pinto ng karuwahe. "Sumunod ho kayo sa'kin.Naghihintay na ang Dauphin sa loob ng kastilyo" aniya.

Naunang bumaba si Dran na inalalayan si Jen na bumaba. Samantalang ako, pinili kong gisingin si Nie at Lily kaysa sumabay sa dalawa. Maiingit lang ako.

Pagkababa ko, nakita ko ang isang napakalaking gintong dragon, isang totem, ang nakatayo sa harapan ng napakalaking tarangkahan. Napalaking kastilyo ang nasa likod nito na pinalamutian ng nga gintong dragon at mga inukit sa batong gargoyle.

"Ito na pala ang Morphrealm"

--

(A/N: Laryo = brick , Tisa = tiles)

Tassein CzarWhere stories live. Discover now