TC#49 : JL's Plan

712 31 4
                                    


TC#49 : JL's Plan

Arko's POV

Nagising ako sa kwarto ko. Gulo-gulo ang gamit dahil siguro sa nangyaring space at time distortion. Pero nakapagpagulat sa'kin ay ang halimaw na nakatayo sa harapan ko.

Sinakal niya ako at inangat sa ere. Ngumanga siya pero wala naman siyang balak na kagatin ako. Tila nagulumihanan siya. May hindi siguro siya inaasahang bagay.

Binitawan niya ako at tila takot na humahakbang paatras. "Vooiid." aniya sa garalgal na boses. Tumakbo ito palabas nang apartment. Sinubukan ko siyang habulin pero sadyang napakabilis niya. Hindi ko na siya naabutan.

Napansin ko ang patak nang dugo sa sahig. Teka, wala namang sugat ang halimaw na 'yun, di'ba? Tanong ko sa sarili.

Dala nang kuryusidad, sinundan ko ang trail nang dugo at nakita si Del na gumagapang. May malaking hiwa siya sa likod, sa palagay ko'y tagus-tagusan ito.

"Del!" sigaw ko at sinubukang puntahan siya. Naghihingalo na siya. Matagal na siguro siya sa gan'ong estado. Marami nang dugo ang nawala sa kanya. Kailangan ko siyang tulungan.

"Huwag ka na munang gumalaw Del." Utos ko sa kanya saka siya pinatihaya. Hinubad ko ang coat ko at pinunit. Itinali ko ito sa sugat niya. Para mabawasan nang kaunti ang pagdurugo.

"Saan ka pupunta? Sasamahan na kita."

"Draan.." Hirap niyang sabi. Hindi ko gaanong naintindihan. Ngunit sa tingin ko ay papunta siya kay Dran.

"Tulungan na kita." pagtulong ko sabay lagay nang braso niya sa balikat ko. Matagal bago kami nakarating sa battlegrounds. Unang mapapansin dito ang mga nakahilatang katawan. Kundi duguan, sugatan, o kaya naman ay patay na. S-sino ang may gawa nito?

Doon ko napansin ang siyam pang halimaw na hinahabol ang mga estudyante nang Xanadu Scolu. Nanlalaban ang iba ngunit wala silang magawa. Kakaunti na lang ang tao rito sa lugar. Karamihan siguro ay lumikas na.

"Nahihibang ka na ba Nie? Kapag ginawa mo yan, iikli lalo ang life span mo!" Narinig ko ang boses ni JL sa di' kalayuan. "Del, puntahan muna natin sila."
Tumango si Del. Habang papalapit ay dinig na dinig ko ang pagtatalo ni Nie at JL. Parang gaya nang dati. Hanggang dito ba naman?

"Wala akong paki JL kung mamatay man ako nang mas maaga. Ang mahalaga, mabuhay si Lily." Napansin ko ang ugat na nakabalot sa katawan ni Nie. Konektado ito sa braso ni Lily.

"A-anong nangyayari rito?" Takang tanong ko.

Doon lang siguro nila napansin ang presensya namin ni Del. "Arko, Del! Saan ba kayo nagpunta?" Paninermon ni Celestina. Natigilan siya matapos makita ang kalagayan ni Del. "Oh my gush, Malala ang sugat mo Del. Halika rito, bibigyan kita nang paunang lunas."

Umiling si Del. "Huwag na." aniya.

"Pe-ro..."

Nakaramdam kami nang matiding pwersa. Ganito yung nararamdaman ko sa gubat namin. Mga mababangis na hayop na nagpapakita nang lakas. Intimidation.

"Si Dran!" sigaw ko nang makita ko itong pinaliligiran nang mga halimaw. Pero ang pinagtataka ko, nakaluhod sa harapan niya ang mga ito.

"Puntahan natin siya." suhestiyon ni Del.

Tumango kaming lahat. Si Nie, kahit may ugat na nakapulupot sa braso niya ay binubat niya si Lily. Napangiti ako, mukhang mahalaga na nga para sa kanya si Lily.

Nag-umpisa kaming maglakad. Nakita namin Dran na sinalubong kami. Kinausap niya si Del. Tila naguguluhan si JL, Nie at Celestina sa nangyayari. Pero ako hindi. Alam ko na ang lahat.

Dran, totoo nga. Isa kang munting alitaptap na naligaw sa madilim na gubat. Masalimuot ang mga dinanas mo kaya kinapitan mo ang dilim. Gusto mong maghiganti sa angkan mo. Sa buong lahi nang Light. Gusto mong maranasan nila ang mawalan nang kapangyarihan, o mawalan nang 'silbi' katulad nang dinanas mo. Nais mong maintidihan nila ang pakiramdam na yun. Pero, 'di mo ba nakikita? Mas malakas ka na sa kanila. Dran, wala nang silbi ang ginagawa mo.

Nang mamatay si Del na may ngiti sa labi, alam kong balak na rin sumunod ni Dran sa kanya. Pero nabubulagan siya nang poot. Hinabol ko siya at pinakiusapan. Bingi na rin siya, ayaw niyang makinig.

Hinarap ko sila JL. Nakaburda sa labi nila ang maraming tanong. Bumuntong hininga ako. Kailangan kong i-kwento sa kanila ang nalalaman ko. Nang sa gan'un, matulungan namin si Dran.

Kinuwento ko ang lahat nang detalye, mula umpisa hanggang huli. Walang dagdag-bawas. Pasalamat na lamang ako at walang exagerated na reaksiyon si JL, na siyang pinagtataka ko. Tumango lamang si Nie. Bakas ang pag-aalala sa mukha nilang lahat.

"Ibig sabihin, papunta silang lahat sa Mirage. At kung ibabase sa napansin mong natakot sa'yo ang consumer, pwede nating gamitin 'yun bilang advantage sa laban." Ani JL.

Tumango ako. Humahanga ako sa bilis niyang mag-isip ngayon. Nagbago siya, sa mabuting paraan. Bagay, na kailangan niya bilang susunod na hari nang Morphrealm.

Lumingon si JL kay Celestina. "Ces, dalhin mo Lily sa Morphrealm. Utusan mo, sa ngalan ko ang pinakamabilis nating kawal. Sunduin niyo ang tribo nang mga Void." aniya.

"Anong gagawin mo JL? Anong balak mo?" Tanong ko sa kanya.

"Kung ang mga Void ang kahinaan nila. Sila ang gagawin nating alas. H'wag kang mag-alala, poprotektahan namin ang angkan mo." Paninigurado niya sa'kin.

Tumango ako. At kahit naguguluhan ay umaasa akong mananalo kami sa labang ito. Tiningan ko si Nie. Nagtataka ako sa pagiging tahimik niya. Nawala ang mahanging si Nie.

"Tara na, kung si Dran ang may gawa nito. Pagbabayarin ko siya." Ramdam ang galit sa boses ni Nie. Pursigido siyang labanan si Dran. Gusto ko siyang pigilan, pero alam kong wala akong magagawa. Tulad ni Dran, nabulag at nabingi na siya nang galit.

Binigay na ni Nie kay Ces si Lily. Nagmorph si Ces bilanh harpy upang makapunta sa Morphrealm nang mabilis. Bago umalis si Ces, nagpaalam muna kami sa kanya. Hinalikan ni Nie si Lily sa noo. Habang hinalikan naman ni JL si Ces.

"Mag-iingat ka. Huwag ka mag-alala, uuwi ako." Ani JL sabay ngiti.

"Hihintayin kita." Matamis ang ngiti ni Ces.

Nakakainggit naman. Sana nandirito rin si Jen. Pero mas mabuting wala siya rito, upang hindi siya madamay sa kaguluhang ito.

Pag-alis ni Ces, Inumpisahan na namin ang paglalakbay patungong Mirage.

Tassein CzarWhere stories live. Discover now